CHAPTER 13

11 3 0
                                    

Kylle's POV

Pinatawag kami ni MJ nang dahil nga do'n sa gulong pinasok namin. Mabuti nalang at hindi kami binigyan ng mabigat na parusa. Tamang community service lang sapat na. Mas malala kung ipatawag ang isa sa mga magulang namin.

These past few days, gano'n pa rin ang turingan namin ni Dee. Mas naiinis ako dahil close na siya sa lahat, sa'kin lang talaga hindi. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ilang beses akong sumubok na kausapin siya pero supalpal ako. What's wrong with me? Ni ang makatinginan siya ay hindi ko magawa dahil laging masama ang tingin niya sa akin.

Friday na ngayon at hapon na. Oras na para sa mga auditions sa iba't-ibang klase ng clubs na meron ang school.

Hindi na namin kailangang sumali nila MJ at Daniel dahil school athlete na kami. Runner si MJ, halata naman dahil mahilig sa habulan ang loko. Si Daniel naman at ako ay sa badminton. Gano'n din ang kambal kong si Kyra, sinabi ko naman na halos parehas ang mga gusto namin 'di ba?

Si Andeng? Siya ngayon ang susunod na sasalang sa audition ng mga choirs. Hindi naman talaga siya tomboy tulad ng laging tawag sa kanya ni MJ, sadyang siga lang kung kumilos. No'ng una ay nagagalit siya kapag tinatawag siyang tomboy pero ngayon hinahayaan nalang niya. Maganda ang boses ni Andeng, 'di mo aakalaing siga ang nagkakanta.

"Par, bakit hindi ka nag-audition diyan? Sa ganda ng boses mo sinasayang mo ang opportunity," sabi ni MJ habang hinihintay namin si Andeng.

"Binigyan mo pa ako ng trabaho. Ba't 'di nalang ikaw para makasama mo 'yang bebe mo?" sagot ko sa kanya.

"Ang sarap mo talaga kausap. Tsk," hindi ko nalang siya pinansin.

Hindi sa pagmamayabang pero marunong din akong kumanta, mala Bieber ang dating. HAHA. In short, talented ako. Ang gwapo ko pa.

Si MJ? Mataas boses nito kaya masakit sa tainga, biro lang. Magaling din siyang kumanta pero mas pinili niyang tumakbo.

Nasa stage na ngayon si Andeng kaya tumutok na ako sa panonood. Napansin kong may kulang na isa sa amin, wala si Dee. I wonder where she is. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kasama ko baka ano pang isipin nila. Tsk. Baka umuwi na pala 'yon tapos nagtanong ako, iba iisipin ng kambal ko.

"I'm Andeng Dela Cruz from Genesis," panimula niya.

Nagsimula na ang background music kaya mas tumutok na ako kay Andeng. Pati itong katabi ko ay nanahimik na rin.

2002 by Anne-Marie

I will always remember
The day you kissed my lips
Light as a feather
And it went, just like this
No, it's never been better
Than the summer of two thousand and two~~

Sa ilang segundo ay nawala ang Andeng na kaibigan ko, 'yong siga ang tinutukoy ko. Habang nagkakanta siya ay bigla ko nalang naalala 'yong kiss with siopao nila ni MJ kaya natawa ako. Narinig naman pala ng katabi ko.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" ani MJ.

"Ah, wala. May naalala lang," sagot ko at nanood na ulit.

"Baliw," dinig kong bulong niya.

We were only eleven
But acting like grown-ups
Like we are in the present
Drinking from plastic cups
Singing "love is forever and ever"
Well, I guess that was true~~

Habang nagkakanta si Andeng ay lumandas ang paningin niya sa gawi namin. Ewan ko ba pero awtomatikong napalingon ako kay MJ na siyang tinitignan ni Andeng. Tsk, mga torpe. Kahit na malayo ang distansya ni Andeng mula sa amin ay makikita pa rin kung paano nila titigan ang isa't-isa. Lumingon sa iba si Andeng kaya bumalik sa realidad 'tong katabi ko.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon