Chapter 5

10 0 0
                                    

Inayos ko ang aking pagkaka upo ng mag simula na silang lumapit sa mga bakanting upoan na nasa gilid ko lamang. God! Bakit ngayon ko lang napansin na ako lang pala at yung isang babae lang kanina ang naka upo sa area nato? Lumingon ako sa likod ko at may tatlong lalaki na doon at sa harapan ko naman ay may tatlo naring mga lalaki ang naka upo. Napansin kong may maingay na bumuntong hininga sa gilid ko. And its him! Yung lalaki na naman. Subrang lapit ng mukha niya sakin kaya agad kong nilayo ang mukha ko. Naka tingin lang siya sakin na walang expression sa mukha. I know that he is still staring at nararamdaman ko yun.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at ngayon ko lang napansing naka tingin na silang lahat sa amin. Kainis! Bakit ba kasi naisip nilang dito umupo? Kaya ngayon ay talagang pinaliligiran na ako ng mga lalaki maliban nalang sa isang babaing kausap ko kanina na nasa left side ko ngayon at abala sa pakikipag usap sa mga bago naming kaklasi. Mukha yatang magkakilala na silang lahat.

"You looked tense.." Sabe ng lalaking nasa right side ko. Yung lalaking sumagip sakin noon. Hindi ko siya nilingon. Alam kong subrang lapit lang ng mukha niya sakin at talagang nararamdaman ko na ang bawat hangin na binuboga niya. Wala ba siyang planong umatras man lang? Bakit ba kasi ganyan siya ka lapit?

"Anong paki mo?" Mariin ko iyong sinabe sa kanya.

"Nothing. Ayaw ko lang makakita ng taong kinakabahan kahit hindi naman inaano" sagot niya at bahagya pang tumawa. Gussshhh!! Ang cute niyang pakinggan! Iwan ko ba pero simple lang naman siyang tumawa.

"Hindi ako kinakabahan no" sagot ko.

"Okay, then. I'm Enzho.." Aniya at inilahad ang kamay niya. Hindi ko alam pero bakit hindi ko magawang iabot sakanya ang kamay ko? Malambot naman ito at hindi ako mahihiyang makipag kamay sa ibang tao pero bakit hindi ko ito mailabas sa bulsa ko? Naka lahad lang ang kamay niya at tinignan ko lang ito. Gosshh!! Among bang nagyayari sakin?

Napansin kong binawi niya ito at ngayon ay nasa noo ko no. Gusto ko sana siyang pigilan pero huli na at ipinahid na niya sa noo ko ang mga daliri niya. Ngayon ko lang napansin na subra na pala akong pinagpapawisan ng hindi ko alam kung bakit!

" ang lamig dito pero lagatak ang pawis mo.." Aniya at talagang inamoy pa yung kamay niyang may pawis ko.


"Buti nalang mabango" sabe niya at matamang tumitig ang mapupungay niyang mata sakin. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Naramdaman kong namumula na ang mukha ko. Iwan! Baka lang siguro sa hiya. Hindi ako sanay na may gumagawa sakin ng ganito. My God!!

Napuno ng kantyaw ang boung classroom namin dahil doon sa ginawa niya. Lalo na yung mga lalaking nasa likod at harapan ko. Bwisit! Kainis! Ang sarap nilang sipain isa isa. Hindi naputol ang kainis nilang kantyaw kong hindi tinawag ni Jennie yung Enzho daw kuno na para bang nag bibigay ng babala . Tsk. Ang ganda ng pangalan pero parang hindi bagay sa kanya.

Inirapan ko lang yung Enzho daw kuno pero parang wala lang sa kanya baka sanay na! Tsk.

Nagsimula na ang klasi pero para akong lutang na naka upo lang dito. Minsan tumitingin ako sa labas ng bintana pero wala rin naman akong nakikitang mga istudyanteng dumadaan. Dahil na rin siguro sa class time ngayon. Bigla kong naalala yung time na nadapa ako sa dati kong pinapasukan na school. That day. Napaka memorable ng araw na iyon. Kung kailan nasubsub yung mukha ko sa semento dahil lang sa kagagahan ko. Bahagya pa akong natawa dahil sa naalala ko. I'll never forget those memories. Kung kailan nagka kilala kami. Naglabas ako ng maingay na buntong hininga dahilan upang mapalingon sakin ang katabe ko. Hindi ko nalang siya binigyan pa ng pansin at sa halip ay pinagpatuloy nalang ang pag-iisip.

Dapat sana ngayon e nakikinig ako sa teacher namin e hindi yung siya nanaman ang iniisip ko. Kinapa ko ang dibdib ko. Bigla nalang kasing bumalik ang sakit e. Yung sakit na pilit kong kinakalimutan. Bakit ba kasi ganon? Kung kailan akala mong kayo na talaga e saka pa siya bibitaw. Siguro nga tama sila. Kapag may nakilala kang tao at subra mong minahal dapat hindi mo isiping magiging kayo na talaga hanggang sa huli kasi marami pang mangyayari, marami pang pwiding mangyari at mag bago. Bigla akong natigil sa pag iisip ng bigla nalang nagsalita yung lalaking nasa gilid ko.

"Wipe your tears,Alexa" aniya at agad kong kinapa ang pisngi ko. He is right. I must wipe my tears. Tsk. Hindi ko man lang napansin. Nilingon ko siya pero mataman lang siyang naka harap sa librong binabasa niya. Akala ko ako lang yung hindi nakikinig sa discussion pero isa rin pala tong lalaking to. Tinignan ko yung librong hawak niya pero hindi ko alam kong ano yung sasabihin ko. Naka concentrate siyang nagbabasa raw dito pero baliktan yung libro?

" wala ka bang planong e baliktad yang librong hawak mo?" Saad ko at para naman siyang natauhan sa ginagawa niya. Nagbabasa ba talaga to o nagdadahilan lang? Para naman siyang nag panicked at agad binaliktad ang libro.

"Wag kang sturbo..m- may ginagawa lang.. lang akong ritual dito" Aniya at marahan pang ipinikit ang mata na para bang nagdarasal. Tsk. Iwan ko talaga sa lalaking to. Nanatili siyang nakapikit at bahagya pang binubuka ang bibig na para ngang nagdarasal nga.

Pinag masdan ko siya habang ginagawa niya yung ritual niya daw kuno at napansin kong may mahahaba pala siyang pilik mata. Ang kapal rin ng kilay niya at ang tangos ng ilong. Parang mas gwapo ata siya ngayon kay sa noong una ko siyang nakita. Siguro nga dahil mas malapit yung mukha niya sakin ngayon. Mula sa pointed niyang ilong ay bumaba ang mata ko sa lips niya. Iwan pero bigla kong nadilaan yung labe ko. Ang nipis naman kasi ng lips niya at para bang kumikintab dahil siguro sa dinilaan niya rin ito. Natigil ako sa kakatingin sa kanya at napa ayos ng upo ng wala sa oras ng bigla ko nalang narinig ang pangalan ko at ang pangalan niya.

"Miss. Alexandria and Mr. Enzho, get out of my class!!" Sigaw ng teacher ko sa amin dahilan para matulala ako sa kinauupoan ko.

"Kanina ko pa kayo napapansing hindi nakikinig! Now get out of my class!!" Bulyaw niya ulit sa amin. Bigla nalang tumayo si Enzho at humarap sakin.

"Let's go" aniya at agad ng hinila ang kamay ko.


*******************************************************************

Psychology Fact: He ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon