Chapter 7

10 1 0
                                    


* Enzho's POV*

"saan ba kasi dito?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kong may nagawa ba akong mali sa lugar na ito. Kanina pa kasi ako tinitignan ng mga tao lalo na ang mga babae.

Patuloy lang ako sa pamimili ng mga napkin. Okay! Alam kong ang awkward tignan! Pero ano yung magagawa ko e wala naman talag? Tsk! Okay pa sana kong iisang napkin lang ang makikita ko dito e ang kaso lang ay ang dami pala nila. May sinasabe pa si Alexa na dapat daw ay yung may pakpak daw yung bilhin ko? Anong tingin niya doon kayang lumipad?!

"Fuck it!!" Mura ko habang binabasa yung nasa lalagyan ng napkin. With wings yung naka lagay kaya agad ko na itong kinuha. Nandito ako ngayon sa pinaka malapit na grocery store ng school namin. Kanina pa ako ikot ng ikot dito pero ito lang pala yung hinahanap ko kanina pa.

Agad na akong pumunta sa cashier habang tinitignan yung napkin na nasa kamay ko. Hindi pa ako nakaka rating sa pupuntahan ko ay bumalik ulit ako at naghanap ng cart.

Baka mag kulang kapag isa lang yung bilhin ko. Meron din naman akong kunting alam tungkol diyan sa pagkaka ruon ng dalaw ng isang babae at sa pagkaka alam ko ay umaabot daw ito ng isang linggo pero ang iba naman at tatalong araw lang.

"Is thier any problem?" Tanong ko doon sa babaing kanina pa ako pinapanuod.

"A-ha? Ah w-wala" sagot niya at tarantang umalis.

Isa isa kong kinuha ang mga kulay pink at nilagay sa Cart. Punong puno na ito at halos malaglag na yung iba sa subrang dami. Ng matapos ako sa pagkuha ng mga iyon ay agad na akong umalis. Napansin ko ring may dumating pang mga babae na bibili rin sana ng napkin kaso ay wala na silang naabutan doon. Nakuha ko na kasi lahat.

"Okay na siguro ito" sabi ko sa sarili ko habang tunotungo ang cashier area.

Pansin ko ang pasimpling tingin ng mga tao sa akin and fuck it! Bakit ba kasi ang dumi ng mga utak nila? Porkit ba isa akong lalaki at bibili ng sang kadamakmak ng napkin ay ganyan na sila maka tingin sa akin? Tsk! I really hate it!

"Sir, ang dami naman po ng binili nyo? Saan nyo po ba ito gagamitin?" Tanong sa akin ng cashier habang nilalagay na yung mga pinamili ko sa isang lalagyan.

"Nothing. Hindi naman ako ang gagamit niyan" sagot ko sa kanya.

Habang nilalagay niya iyon ay napansin ko ang pasimple niyang pag ngiti. Bakit ano bang meron?

"Ahh.. Ang swerti naman po ng gagamit nito sir. Hindi lang po sa subrang gwapo ninyo. Ang bait niyo rin po" aniya at para pang nagpapacute. Well, sanay na ako rito. Marami rin kasing nagpapansin sa akin duon sa amin at maging dito rin. Iyan narin siguro ang dahilan kong bakit ako nasanay.

"Huh? Bakit mo nasabe?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya naman ako kilala pero nasabe niya iyon sa akin. Maganda naman ang babaing ito at cute. Gayon nga lang ay nasubrahan na sa make up. Iwan ko ba pero talagang ayaw ko sa mga babaing nasusubrahan ang mukha sa makeup. Natatabunan na kasi ang natural nilang anyo at ganda dahil dito at isa iyon sa mga ayaw ko. Mas maganda parin yung natural at walang arte sa sarili just like Alexa. She is so simple yet so gorgeous. She even don't use make up all the time at yun yung una kong napansin sa kanya.

Some of my cousins can't go out without make. Para na silang mamatay kapag wala iyon sa mukha nila. Ang tingin kasi nila ay mas maganda kapag meron iyon but the fact is that hindi lahat ng mga lalaki gusto iyon. Isa akong lalaki and believe me, mas gusto namin iyong simple.

"Sir, hindi kasi lahat ng lalaki ay kayang bumili ng napkin" aniya. Hindi ko alam kong bakit ako biglang napa ngiti. Wherein fact ay napipilitan lang naman ako.

Agad ko ng dinampot ang plastic bag na nasa harap ko at umalis. She is right! Hindi lahat kayang gawin ito. Lalo na kung hindi ka sanay.

Diritso lang akong naglakad papunta sa next destination ko nung maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Kinapa ko ito at tinignan and Dwight is calling. Malamang ay kakamustahin niya nanaman si Alexa. Nag hanap muna ako ng tahimik na lugar bago ko ito sinagot.

"Hello, dude" sabi ko sa kabilang linya

"How was she?" Tanong niya sa paos na busis. I was right! Hindi ako magkaka mali dahil talagang Alexa lang naman ang pakay niya kapag tumatawag siya.

"She's okay, Dwight. Wala namang masamang nangyari" sagot ko at paisa isang hakbang na naglakad.

"Okay, Co'z. Thanks a lot" yun lang at agad na niya binaba ang tawag. Maybe , he just want to take an assurance na ligtas talaga si Alexa. Wala namang dapat ipag alala dahil palagi namang ligtas si Alexa. Gayon lamang gusto niya lang talaga itong palaging ligtas.

Pagkatapos kung sagutin ang tawag ay agad na akong lumabas. May kailangan pa kasi akong kunin sa bahay ni Alexa. Alam ko ang password ng pinto niya kaya hindi ako mahihirapang makapasuk.

After a minutes of driving ay agad rin akong naka rating. Iniwan ko lang ang Fortuner ko sa labas ng bahay niya at pumasok na. Pag pasuk ko ng bahay ay agad na tumambad sa akin ang isang pusa. Hindi ko alam na may inaalagaan rin pala siyang ganitong klasing hayop. Hindi ko iyon pinansin at diritso lang ang lakad ko. I have to hurry! Ilang oras na akong naka alis kaya dapat na akong mag madali.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at hinanap ang cabinet niya. Nang makita ko ang kailangan kong makuha ay isinara ko na ito. Napatalon ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang malakas na sigaw ng pusa. Hindi ko alam na sinusundan pala ako ng pusang ito!

Nilagay ko sa kama ang hawak kong panty at kinuha ang pusa. Namimilipit ito at alam kong nasaktan ko siya. Sinuri ko ang katawan niya at napag alaman kong naapakan ko pala ang kamay nito. Wala sa isip kong hinagod ang kamay niya. Buti nalang talaga at malaki laki na ang ito. Dahil pag nagka taon, talagang makaka patay ako ng pusa ng wala sa oras! Agad ko na siyang ibinaba ng hindi na gaanong masakit ang kamay niya. Akmang hahakbang na ang paa ko ng bigla akong hinarangan ng pusa.

"Meawwww." Aniya at ikiniskis ang katawan sa binti ko.

Lumuhod ako para kunin ito "are you hungry, little?"Tanong ko dito. Agad ko itong binuhat at dinala sa kusina. Siguro kailangan ko muna itong pakainin bago ako umalis. Nag hanap ako ng pwiding makain sa loob ng ref ni Alexa but sad to say ay wala akong nakita. Tinignan ko rin ang mga cabinet pero wala rin itong mga laman. Paano nang yari iyon? Saan siya kumakain? Binabantayan ko naman siya araw araw at nakikita ko siyang kumakain sa kusina. Maliban nalang kahapon na wala ako sa secret room ko at nasa original house ako natulog.

Natigilan ako sa pag hahanap. Paano kong nalaman na niya? Dali- dali kong ibinaba ang pusa at patakbong pumunta sa taas. Halos madapa na ako sa pagmamadali sa pagtakbo. Pagkarating ko agad sa kwarto ay agad kong hinanap ang cabinet na naka connect sa kwarto ko. Sinadya kong lagyan ito ng makapal at maraming kurtina kaya natagalan ako sa pag halungkat. Nang matapos ako sa pag alis ng curtain ay halos matigil ako sa aking paghinga. Wasak na ang harapang bahagi ng pinto at para bang sinubukan itong buksan gamit ang isang matigas na bagay. Agad kong tinignan ang lock ng pinto pero salamat naman at hindi ito tuluyang nabuksan. Gawa sa isang mamahaling materials ang lock na ito kaya hindi agad nagiba. Sinuri ko ulit ang pinto at wala namang nabutas na bahagi.

Huminga ang ako ng malalim. Ngayon ay naka upo ako sa kama kaharap ang cabinet ang cabinet. Ilang minuto na akong naka upo dito pero halos hindi parin matanggal ang mata ko sa tinititigan ko. Paano kapag tuluyan niya itong nabuksan? Siguradong matatapos na ang lahat. Ayaw kong mang yari iyon at iyan ang kinatatakutan kong mangyari. Hindi niya dapat itong malaman sa pinaka madaling panahon. Naramdaman ko nanaman ang paghagod ng katawan ng pusa sa binti ko. Nandito nanaman siya. Naka limutan kong hindi ko pa pala siya napakain. Agad ko siyang dinampot at dinala sa baba. Dadalhin ko nalang ito at duon nalang pakaka inin. Nandoon naman ang amo niya kaya walang problema.


*********************************

PLEASE DONT FORGET TO LEAVE A COMMENT AND VOTE :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psychology Fact: He ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon