Chapter Three

10 3 0
                                    

"Evergreen"

a written property of her0believer/GAM

———

// THREE

[Stacie's POV] 

"Grabe talaga! Class, narining niyo ba yung issue about sa dalawang second year students ni Ms. Dizon?"

Garbe din tong teacher namin sa Physics, masyadong chismosa. Mas inuuna pa ang pagkakalat at pagkukwento ng mga nasagap niyang balita kay sa pagtalakay ng bagong lesson.

"Miss, ano bang issue yan?" Bigla kong sambit. Hindi naman talaga ako chismosa, nakikibalita lang.

"So meaning hindi niyo pa alam?"

Duh! Magtatanong ba kami kng alam na namin? Common sense Miss.

Nais ko sanang isatinig, pero baka sabihan akong walang galang ni Miss. Formalejo. Naturingan pa naman akong honor student.

Hindi na lang ako kumibo.

"May babae't lalaki daw na natagpuan sa loob ng CR. Pinaghihinalaan nga namin silang magkasintahan. Baka may ginawa sila doon sa loob."

"Nag-urinate lang yung dalawa, natural CR yun eh. Masyado niyong binibigyan ng malice Miss eh," sabi ng isa kong kaklase.

"Urinate? Sa loob ng iisang CR? That's insane! Sabihin niyo nga sakin, sinong matinong tao ang gagawa ng ganun? At sa loob pa talaga ng campus naiisip ng dalawang iyon na gumawa ng immoral na gawain. Tsk. Tsk. Tsk."

"Miss, ano naman ang nagyari sa kanila?"

"Ayun, kinakausap ni Sir Castro. Sa tingin ko, pareho silang masususpende or wost baka makick-ot pa. Walang gustong magsalita sa kanila tungkol sa nagyari eh. Ipapatawag na nga ang mga parents ng dalawa."

"Baka naman wala talagang nagyari."

"Pwede ba yun? Sabihin mo nga. Kaya kayo, tandaan niyo malapit na kayong grumadweyt. Wag kayong gagawa ng kung anu-anong kabulastugan ha. Wala munang ligaw-ligaw boys ha, kung gusto niyong makapagtapos. I've heard maraming nagkakamabutihan dito sa batch niyo. Pigilan niyo yang nararamdaman niyo kung maaari, hanggang sa grumadweyt na kayo ok?"

Anong okay dun?

I was like   —->  O.O

Miss, bakit ba kami nadamay? Hindi naman kasi lahat ng magkarelasyon ganyan kung mag-isip. It depends on how the both of you control and handle your actions, with limitations dapat. Wag mo naman sanang lahatin.

Kainis!

Nasira mood ko ngayon

——-

"Huwag ka nga paapekto sa sinasabi ni Miss kanina."

Napalingon ako sa pinangagalingan ng boses. Hindi ko namalayan, recess na pala. Nakita ko si Mark na nakaupo sa tabi ko. Nakakailang, wala kasing ibang tao bukod sa aming dalawa. To recall, siya yung lalaking hinahangaan ko nung third year pa kami. Grabe sa sobrang hanga ko nga sa kanya eh, my dignity becomes at risk. But that's another story. Nakakailang kng ikukwento ko pa siya.

"Ha?"

"Wag aka ngang denial, masyadong halata eh. Kanina pa kaya kita pinagmamasdan."

Pinagmamasdan...niya ako???

Aye!!!

Kung nasa ibang sitwasyon lang sana kami, kikiligin na talaga ako ng bongang-bonga. Hindi ko rin naman ikinakaila na kinilig ako. Konti lang naman eh. Promise, slight lang talaga.

EvergreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon