"Evergreen"
a written property of herObeliever/GAM
——-
//ONE
[Stacie's POV]
*ring bells*
RRrrriiiinnggg
"Since lunch break na, I'll give you more time to finish it. Dapat tapos na kayo pagkatapos ng break dahil babasahin niyo pa yan sa harap ng klase. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Miss naman eh! Kailangan pa ba talaga to? Palagi nalang kaming nagsusulat ng ganito taon taon ah."
Sa school namin, we prefer calling our female teachers as 'Miss' rather than 'Ma'am', ewan bakit ganito sa school namin
"Class, ano ba! Hindi naman porque't nagsasawa na kayo dito eh kailangan ko talaga kayong sundin. Sino bang guro dito?"
"Miss, pwedeng assignment na lang to? Tinatamad ako eh"
"Ah, so tinatamad ka ngayon," tumango naman yung kaklase ko. "Eh di umuwi ka sa inyo! Hindi ako nangangailangan ng mga estudyanteng kagaya mo!" Yun na nga at umalis siya bigla.
Ayon, dahil sa sinabi ni Miss ay natahimik ang lahat. Grabe pala talaga itong gurong to. Akala ko noong sinabi ng pinsan ko na mataray itong si Miss Azarcon ay yung simpleng pagtataray lang yung ginagawa niya. Napakataray pala talaga niya as in, hindi naman halata sa mukha niya na mataray siya. Napakaamo ng mukha niya, di lang masyadong halata dahil sa salamin niya. Pero pag mamasdan mo ang mga mata niya, makikita mong kalungkutan ang bumabalot dun.
Ngayon na adviser na namin itong si Miss Azarcon, wala na talagang kawala ang mga classmates kong pasaway. Hangad ko na sana may kabaitan pa ding natitira kay Miss. Sana lahat kami makapagraduate ng high school.
My Unforgettable Experience During Summer
Patuloy kong tinitigan ang mga salitang iyon sa white board, nag-iisip ng kung ano ang maaari kong isulat. Tinitigan ko ang mga kaklase ko kung may naisulat na sila. In fairness, marami na rin ang nakapagsulat ng mahaba-haba. Parang ako na lang ang walang naisusulat ah. Kahit si Marvin, itong seatmate ko na pinagalitan dahil sa katamaran ay may naisulat na kahit na kaunti. Sa pagkakaalala ko ay hindi basta bastang sumusunod si Marvin sa activities na binibigay sa amin ng mga teachers. Si Miss Azarcon pa lang talaga ang nagpatino sa kanya.
Okaay! Limang minuto na ang lumipas, wala pa rin talaga akong maisulat. Eh sa wala naman talaga akong ginawa masyado sa amin. Tulog, kain, manonood ng tv...mga ganung bagay lang naman ang pinagkakaabalahan ko nitong bakasyon. Tumutulong din naman ako sa amin pagdating sa gawaing bahay, eh anong napaka-special doon? Madalas ko naman yung ginagawa eh.
Akala ko magiging abala ako sa mga panahong iyon dahil nga sa may boyfriend na ako. Na araw-araw ay yayayain ako ni Alvin lumabas. At sa tuwing monthsary namin ay may gagawin siya para isurprise ako.
Pero wala eh!
Wala talaga siyang ginawa.
Nagkausap lang kami minsan sa text, ngunit bago pa man ang araw ng 1st monthsary namin, bigla na lang siyang nawala at naglaho na parang bula. Ni hindi siya pumunta man lang sa amin para mag-explain. Alam niya kaya kung saan ang bahay namin. Inabangan ko kung may message siya sa fb account ko, kaso wala eh. Hindi ako nagalit, sinubukan ko muna siyang intindihin, baka nahihirapan siyang mag-adjust. Nasabi niya kasi sa akin na may summer class siya. Tamad kasi yung gumawa ng assignments tsaka projects, though he's linguistically intelligent.
Matapos ang 1st monthsary namin, inantay ko siya.
Lumipas ang isang araw...
Isang linggo...
BINABASA MO ANG
Evergreen
Dla nastolatkówtrue love is the best thing that might happen in one's life, it never wither and can survive in all season; it is evergreen EVERGREEN, previously Perfect Timing