Chapter Six

15 3 0
                                    

"Evergreen"

a written property of herObeliever/GAM

—-

//SIX

[Ashley's POV]

[ ZN : Hindi isa sa mga main characters ng storyang to si Ashley. Bigla lang siyang pumasok sa utak ko kaya may POV siya. ]

"Stacie..."

"Oh, ano?"

Gosh! Paano ko ba sasabihin to?

Kung sino man yang nasa taas tulungan mo naman ako o...hirap nito!

"Hoy Ashley! Ano ba kasi?"

"Uhm...Stay..."

"Ano?"

"Alam mo na ba?"

"Nakita mong sinasagotan ko pa to tapos tatanungin mo ko akong..."

Masyado talagang focus sa pag-aaral tong taong to.

"Hindi naman kasi tungkol diyan ang tinatanong ko eh... Itigil mo nga yang kakasagot sa Math problem na yan."

"Okay fine," isinantabi niya ang notebook niya at humarap sakin. " Eh ano ba yung pinagsasabi mo?"

Ashley, take a deep breath.

Inhale...

Ex...

"Stacie, may girlfriend na pala yung si Alvin? Oh my... Anjan ka pala Ashley," sabay ngiti sakin ni Dianne.

Ano ba tong babaeng to, wala man lang introduction yung sinabi niya. Agad, agad talaga? Parang ambush lang, ganun.

Hindi ko talaga alam kung papaano ihandle ang mga ganitong sitwasyon. Thanks to Dianne, mas pinalala pa kasi niya. Paano na lang kung magwala tong si Stacie tapos sugurin yung babae? Di magkakagulo pa sa campus. Kung magkaganun, baka makick-out pa tong kaibigan ko. Once makick-out siya...

Erase, erase, erase...

Ano ba tong pinag-iisip ko?

"Talaga? Good for him."

Ha?? Ganun lang yun?

May bahid ng pagkabigla ang mukha ni Stacie nung una na bigla din namang nawala. Isa pa tong babaeng ito. She's so unpredictable! Hindi ko malaman-laman kung nagseselos siya, naiinis, o nanghihinayang man lang. Baka naman talaga wala lang yun sa kanya.

"Ano nga ba yung sasabihin mo?" pagtatanong niya sakin.

"Yan lang ba ang reaksyon mo?"

"Huh? Teka, what do you mean?"

"Matapos mong malaman na may bago na yung ex mo, yun lang masasabi mo?"

"Ikaw na nga ang nagsabing ex ko siya. Sabihin mo nga, how am I suppose to react? Anong gusto mo, magwala ako dito tapos susugurin ko yung babaeng yun? That's so mean!" she gave me this silly smile.

"I guess?? You're acting so peculiar."

"Oh come on Ash, may pa peculiar ka pang nalalaman diyan. You're the one whose acting so strange this time. Hindi ka naman dating ganyan ah."

Aba! Bakit napunta sakin ang usapan dito?

Nakakapagtaka siguro kung bakit alam ko ma may girlfriend na si Alvin. Narinig ko lang naman ang usapan nila ng bestfriend niyang si Martin, which happens to be my classmate and at the same time boyfriend ko. Ayeee...enough with this! Hindi naman love story ko ang pinag-uusapan dito. Ang hindi ko lang alam, paano kaya nalaman ni Dianne. Tsaka kilala pa talaga niya yung babae.

EvergreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon