© On Going Series
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this work covered by the copyright herein may be reproduced, transmitted, stored or used in any form or by any means graphic, electronic, or mechanical without the prior written permission of the writer
"Evergreen"
a written property of her0believer/GAM
——-
//PROLOGUE
Stacie
March 17
Ang araw na noon ay bale wala lang sakin...noong una.
Ang araw na kung saan ay nakagawa ako ng isang pagkakamali.
Isang pagkakamaling pinagsisihan ko dahil sa hindi ko lubos maintindihan at mapanindigan ang desisyon ko.
Ito yung araw na kung saan...
Nagbago ang buhay ko!!
"Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Ha? Ano daw? Gusto niya ako...maging girlfriend...niya??
"Ako? Hahaha...patawa ka naman eh. Mabenta na yang biro mo, dati pa," pabiro kong sabi.
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Na binobola lang talaga kita?"
Nga naman, ang seryoso ng mukha niya tapos sasabihin kong magbibiro siya? Ano ba naman ako o!
Hindi nyo naman ako masisisi kung ganun ako magreact. Siya kaya yung unang nagtanong sakin ng ganun. HIndi ko alam kung paano tamang sumagot sa tanong nyang yun.
"Ano na?"
"Ha? Ah, eh...teka! Hindi pa ako handa"
"Ayaw mo? Sige"
"Hindi naman sa ganun"
"Gusto mo?"
Napadilat ang mga mata ko sa sinabi niya.
Hindi ako makakibo.
Naging tahimik ang lahat sa paligid namin. Ang paglalaro ng mga kalase ko. Ang pag-aawait ng ibang boys habang naggigitara naman yung isa. Ni hindi ko marinig ang mga yun.
Madalas akong tuksohin na bingi sa amin, teka! Nabibingi na ba talaga ako? Oh my gosh! Lord, wag naman sana. Ang dami ko pa namang pangarap na gustong maabot Lord.
Hahay! Nagsesenti na naman ako.
Parehong nasa third year high school kami ni Alvin, ang lalaking hindi ko lubos maisip na magkakagusto sakin. Paano ba naman, madalas niyang sabihin sa akin ang paghanga nya sa isa pa naming kalkase. Ano ba yun, pabago-bago ang nararamdaman? Tsk. May nakain siguro itong hindi tama.
HIndi siya yung tipong gwapo para sakin, pero cute siya. Nakakaaliw kasi yung mga hirit niya, masyadong nakakatawa. Ewan ko ba, magaan ang loob ko sa kanya. Tapos may sense pa siyang kausap, di gaya ng mga kalase ko.
Masyadong isip bata, pero hindi naman lahat karamihan lang.
Napatitig ako saglit sa kanyang mga mata. Mga matang hindi ko maintindihan kunga no ang gusto nitong ipahiwatig.
"Pwede...siguro" sagot ko sa tanong niya.
"Eh di...tayo na?"
"Uhm...oo?"
"So girlfriend na nga talaga kita, no?"
Duh! Paulit-ulit lang talaga?
"Ayaw mo ata eh"
"Siyempre gusto ko, naninigurado lang. Basta wala ng bawian ha," pasimple niyang sabi sabay ngiti sakin.
"Tayo na nga di ba? HIndi mo na kailangan pang magpacute okay."
"Sorry, hindi ko mapigilan. Masaya lang talaga ako ngayon."
Nah! HIndi ba talaga nakakaintindi ang taong ito? Sabing itigil na niya yung kakangiti eh. Ngayon ko pa lang napagtanto, san hindi ko na lang yun sinabi. Bakit ba kasi alam ng lalaking ito ang kahinaan ko.
STOP SMILING!! Urgh!
Natigilan ako
At napaisip
Teka...sinagot ko na siya? Agad-agad? Urgh!
Hindi pa ako nililigawan nun ah!
Binigla ba naman ako
Siyempre, Pilipinas kaya tong tinitirhan ko at hindi Amerika. Kinakailangan din naman niyang maghirap para mapa-oo ako di ba?
Hindi man lang ako nagpakipot.
Ah ewan.
Bahala na nga si Batman.
Marami siyang pinagsasabi kung saan ko daw gustong pumunta bukas. Bukas na rin kasi magsisimula sng summer break namin yapos weekend pa. Tapos nagkwento lang siya ng nagkwento ng kung ano anong bagay na hindi nagsisink-in sa isipan ko. Wala sa kanya atensyon ko eh. Hindi naman porque't kami na eh siya na lang ang pakikinggan ko parati di ba?
Nagtataka lang talaga ako.
Sa dami namin dito sa loob ng clasroom na ito, ni isa walang nakapansin sa amin ni Alvin! As in grabe!
Haay! Ganun ba talaga kami ka invisible sa mga mata nila?
Heeelllooooowwwwwwww...gusto ko sanang isigaw.
Wag na lang.
Mapapaos boses ko eh, sayang naman ang maganda kong boses. Hehehehe...
Baka isipin din nilang nagpapakaimportante ako masyado. Hindi kaya ako trying hard no!
"Stacie..."
Mahina lang ang pagkakatawag niya sa akin. yung tipong sakto lang para marinig ko siya.
Bakit kaya?
Oops!
Hinalikan niya ako...sa pisngi!!
Bingo!!
Napansin na din kami ng lahat.
May mga nagbubulungan, yung iba hindi makapaniwala. Tapos tinitukso-tukso pa kami ng ilang boys. Ewan ko ba, hindi maintindihan ang nararamdaman ko.
Bigla akong kinabahan.
Lumakas pintig ng puso ko.
Gusto kong matuwa, pero parang I don't feel it!
Parang may mali kasi eh...
May mali talaga.
Take it Stacie! Pinasukan mo na yan.
Press on!!
BINABASA MO ANG
Evergreen
Novela Juveniltrue love is the best thing that might happen in one's life, it never wither and can survive in all season; it is evergreen EVERGREEN, previously Perfect Timing