Chapter Two

21 3 0
                                    

"Evergreen"

a written property of herObeliever/GAM

——-

//TWO

[Stacie's POV]

"Halika sa canteen. Nagugutom ako eh."

"Pero on duty ako ngayon eh."

"Eh di sa canteen ka na magpaassign. Mahirap ba yun?"

"Nakakatamad kaya dun, ikaw ang magliligpit sa mga pinag-iwanang kalat ng mga estudyante. Daig ko pa ang ulirang maid ng mundo."

"Ano ba, masyado kang mareklamo. Libre ko naman eh," sinabi niya sabay hila sakin.

Ano ba tong lalaking to, hindi ba niya magawang kumain mag-isa? Namimilit pa talagang samahan ko siya. Mabuti na lang libre niya, dun kasi ako magaling eh. Madali akong makumbinsi kapag libre na ang pinag-uusapan.

Halos isang buwan na kami ni Alvin, yung tipong totohanan na talaga ang status ng relasyon namin. Nagtaka nga ako kung bakit kami nakatagal ng isang buwan. To think, we don't have much time for each other. Masyado akong busy sa studies ko, I hope siya din. We once talk about this matter. Naaalala ko pa nga yun eh...

*flash back*

"Ano nga pala yung standing mo last year," natanong niya noon sakin.

"Fifth ata yun eh. Bakit ba?"

"Ang baba mo naman pala."

"Kung makapagsalita ito, para ka namang kasali sa mga outstanding students. You're too lazy para mapasama dun."

"Sinabihan kasi kami nung adviser namin na yung third year records will not merit or take affect in our grades this year. Sinabi ba sa inyo yun?"

"Uhm, oo. So?"

"So...it means, pwede kitang malampasan. Baka this year, down swing na ang ranking mo,"pabiro niyang sabi.

"Then sa tingin mo natatakot ako? Huh!" tama ka nga. Nangangatog na nga tuhod ko eh, pero hindi ko yun sinabi sa kanya.

Gosh!!

"We'll see," ngayon tawa na siya ngtawa.

"Stop laughing! Hindi kaya nakakatawa," yun lang sinabi ko tapos umalis na din ako.

Hamunin ba talaga ako? Okay, tignan na lang natin.

But I hope...

Hindi niya totohanin. Baka magkatoto predictions niya.

Gooodd!!!

*end of flash back*

"Anong gusto mong kainin?"

Ha? Nabigla ako.

Nandito na pala kami sa canteen, di ko man lang napansin.

"Kahit ano," sagot ko.

"May pagkain bang kahit ano ang pangalan? Bakit ngayon ko palang nalaman na may ganyan dito. Anong lasa?"

Gosh! Minsan gusto ko ng batukan tong taong ito. Namimilosopo na naman eh. Gusto mo pala ng asaran, pwes game ako diyan.

"Gusto ko nung roller coaster, piatos, tapos samahan mo na rin ng dalawang chocolates. Sa drinks naman, nalilito ako if tropicana or chuckie. Pwede both na lang?"

"Wow! Ang dami naman."

"Sabi mo kasi libre mo. I was just taking advantage of it, you know," tapos ng smile ako ng pagkatamis-tamis, syempre parapagbigyan niya ko dun sa mga request ko. Hehehe...

EvergreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon