"Evergreen"
a written property of her0believer/GAM
---
//FOUR
[Alvin's POV]
Eh bakla ka pala eh...
...break na tayo!
Totoo ba to? Nabigla lang siya di ba?
She was just joking, gaya nung joke ko kanina di ba?
Hehehe
"Look, I was just joking. Okay sige, aalis na ako. Girl matters lang yang pinag-uusapan niyo right? Hehe...sige..."
Please...
Please...
Say that your just joking. Wala akong pakialam kung magsinungaling ka man sakin.
"I changed my mind. You better stay para marinig mo na..."
"Sige alis na ko, magsisimula na ata ang game eh."
"Nung sinabi kong break na tayo, Alvin, I really mean it. Masyado kasing kumplekado eh. I have to decide para sa ikabubuti natin."
Napalingon ako sa sinabi niya.
Ikabubuti natin? Ikaw lang naman ang nagdecide niyan ah. Baka ang ibig mong sabihin, IKABUBUTI MO!! Kahit gaano man ako mahirapan, bastat anjan ka lang, I'll be okay. Kaya ko naman tiisin lahat eh, wag ka lang mawala. Hindi kita kayang ipagpalit sa kahit ano at kahit na sino man. Ganun kita ka mahal, Stacie del Rosario.
"Wala ka bang sasabihin man lang? Magtanong ka kahit na ano."
Marami Stacie, marami.
Maraming gumugulo sa isipan ko ngayon.
Bakit?
Bakit?
Bakit ka bumitiw?
Wala ka bang tiwala sakin?
Hindi ko kayang isatinig ang lahat ng nasa isip ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Pilit niyang iniiwas ang pagkakatitig ko sa kanya. Pati ba ang pagtitig sa mga mata ko ay ipinagkakait niya pa sakin?
Napansin mahigpit ang pagkakahawak niya kay Shiela.
So siya pala...
Siya pala ang dahilan? Siya ba ang pumilit sayo para gawin mo to? Para iwan mo ko?
S***
Pinipilit kong intindihin ang desisyon mo, Stacie. Kahit mahirap, alam kong dun ka sasaya di ba? Mas sasaya ka na pagnakuha mo na ulit ang kalayaan mo di ba?
S***
"Okay nako."
What the...
Ano ba tong okay, okay na pinagsasabi ko.
Well, hindi na naman kami di ba? What's the use of telling the truth to her. Pagsinabi ko bang hindi-hindi ako magiging okay, babalikan ba niya ako?
I guess, hindi siya manhid. Alam kong alam niya na nagsisinungaling lang ako.
"Sige, Alvin. Ingat ka."
Ingat?? I grinned.
Ano to, gusto niyang bawas-bawasan ang konsensya niya sakaling may mangyaring masama sakin? Na wala na siyang kinalaman dahil sa hangad nga lamang niya ang mapabuti ako? Ingat?? Hindi mo dapat sabihin yan sakin.
BINABASA MO ANG
Evergreen
Fiksi Remajatrue love is the best thing that might happen in one's life, it never wither and can survive in all season; it is evergreen EVERGREEN, previously Perfect Timing