Chapter Nine

4 2 0
                                    

"Evergreen"

a written property of her0believer/GAM

—-

//NINE

[Stacie's POV]

To forget you is hard to do

And to forget me is up to you

Forget me never, never

Surely you will never regret forever

Oo nga! Bakit ba ang hirap mong kalimutan?

Wala ka namang dating sakin noon ah.

Nakakainis!

Siguro kabayaran na to sa pagpapasakit ko noon sayo.

Baka gumawa na talaga nang paraan ang universe para unti-unti akong konsensyahin sa mga nagawa kong mali sayo.

Tama... Oo, nakokonsensya lang talaga ako.

Nakokonsensya ako dahil hindi tama ang pag-iwan ko sa kanya ng walang malalm na rason.

Nakokonsensya ako kasi ang selfish ko.

Nakokonsensya ako kasi...kasi...basta yun na lang yun, wala ng iba.

Hindi naman siguro ako pag-ibig itong nararamdaman ko sa kanya, hindi ba?

Ugh! Kainis!

"Oi Cee, ang aga mo ata ah."

"Maaga kasi akong nagising eh, so pumasok na lang din ako ng maaga."

"Siguro hind ka nakatulog ng maayos no? Sa pagkakatanda ko kasi hindi mo ugaling magising ng maaga, ang himbing mo kaya matulog."

Shoot! Alam niya yun?

Kilalang kilala talaga ako ng taong to.

Tumingin ako sa may kanan ko para malaman kung nakatingin ba sakin si Shiela.

Mabuti na lang talaga at doon siya sa mga nagbabasketball nakatingin. Bale di niya nakita ang pagkabigla ko.

Nakaupo kami ngayon sa may hagdan, yung katapat ng classroom nila Shiela which is opposite side ng basketball court.

Tinitignan para kumpermahin kung sino ba yung tila hinahanap ng bestie ko at hindi nga nagkamali ang hinala ko.

"Babain mo na kaya yun, siguradong matutuwa yun pagnakita ka niya."

"Nah! Nag-away kami niyan kagabi. Ayoko nga, nagtatampo pa ako."

"At ano namang pinag-awayan niyo ng boyfriend mo?" sabi ko na parang naghahamon.

Tinutukso ko si Shiela.

Alam ko kasing siya na naman ang may pasimuno ng somewhat away daw nila ni Troy.

Naku! Umandar na naman siguro ang pagkatigas ng ulo niya.

Kawawang Troy... Tsk.

"Basta, wag na lang natin siyang pag-usapan. Masisira lang ang araw ko."

"Para namang mabubuo ang araw mo kapag palagi mo siyang iiwasan."

"Tumigil ka nga!"

Sabi ko na nga at mapipikon to eh.

Hahahah.

"Teka nga," pagtitigil ni Shiela sa pagtawa ko. "Wag mo nga iniiba ang usapan."

"Huh! Wala naman tayong pinag-uusapan Shee ah."

EvergreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon