"I thought I saw... I saw something in you."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ayokong umiyak kahit na napakabigat na nang nararamdaman ko. Kahit na namumuo na ang mga luha sa mata ko. Nakita ko siyang yumuko, kumunot ang noo nito. Ipinagpatuloy ko ang sinasabi.
"Akala ko nagbago kana... Akala ko ako lang... Pero bakit may iba?"
Humakbang siya papalapit sa akin upang mahawakan ang mga kamay pero agad ko inilayo ang mga ito. Tiningnan niya ang mga mata ko at nakita ko ang takot at lungkot. His shoulders sagged with disappoinment, siguro?
"Hindi naman ganiyan eh, Beatrize! Nagkakamali ka lang"
Naririnig ko ang frustrations sa pagkabigkas niya. Hindi ko na kayang patawarin siya. Dahil hindi ko naman inakala na magagawa niya ito sa akin. Kung patuloy ko siyang patatawarin, paulit-ulit na lang kaming dalawa.
"Guess what, Adrian? I have enough with these bullshits. I'm done with your fucking game!"
Hindi ko alam kung paano ko ito nasabi. Kung saan ako kumuha ng lakas. Agad ko siyang tinalikuran. Hindi ko nakita ang reaction niya. Agad namang bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Iniwan ko siyang nakatunganga doon. Gumalaw ang mga balikat ko dahil sa paghikbi.
Marami ang tumingin sa akin dahil sino ba namang hindi? May naglalakad sa daan habang umiiyak. Yumuko na lang ako para hindi ko sila makita. Agad kong tinawagan ang pinsan ko.
"Jace, asan ka?"
Sabi ko nang sinagot niya na ang tawag. Tinigilan ko ang paghikbi.
"HUh? Bakit? Tsaka ano ang nangyari sa boses mo? Umiiyak ka ba?"
Damn. Halata pala sa boses ko. Tiyak akong papaulanan niya naman ako ng mga tanong mamaya.
"Just tell me the fucking place, Jace! Wala ako sa mood para mag-explain"
Agad niya namang sinabi ang lugar. Malapit lang ito sa mall kaya sa mall na lang kami magkikita. Daig ko pa ngayon ang mga artista sa isang teleserye o movie. Umiiyak habang nakadungaw sa labas ng taxi. Nahihiya nga ako sa driver eh pero bahala na. Nasasaktan ako eh, anong magagawa niya?
Nang nasa harap na ng mall ay nakita ko agad si Jace. Nakatayo at naka crossed arms. Kumunot ang noo niya sa pagbaba ko nang makita siguro na umiiyak ako. Agad ko siyang niyakap at sa dibdib niya umiyak.
"Na pano ka, Bea?"
Tanong niya nang nakabawi na ako mula sa pagkaiyak. Umiling lang ako. Nasa parking lot kami ng mall."Eh anong gagawin natin dito? Uwi na tayo"
Pag-anyaya niya. Sasang-ayon na sana ako ngunit may naalala akong dapat bilhin.
"Sandali lang, Jace. May bibilhin lang ako."
Inayos ko muna ang sarili ko habang siya ay nakatitig lamang.
"Sasamahan kita"Pinal niyang sabi. Umiling-iling ako sa alok niya. Gusto kong mapag-isa muna.
"Bakit naman hindi?"
Tumaas ang kilay nito. Loko eh!
"Girl's thing, Jace! Huwag na nga!"
Umirap ito. Ngumiti ako sa kaniya at nagbeautiful eyes. Haha. ew. Dito ko siya madadaan eh.
"Sige! Bilisan mo! Mag-uusap pa tayo!"
Bahagya akong tumawa dahil kunot na kunot ang noo nito.
He is my cousin and I'm very thankful to have him in my life. Dahil kung wala siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
BINABASA MO ANG
Something
Teen FictionI was born to love this bad guy. But the big question is, "Kakayanin ko bang mahalin siya hanggang sa huli?"