4

8 1 0
                                    

BOYFRIEND

PADABOG kong isinarado ang pinto ng apartment ko nang nakapasok na sina Sophia at Jaydee. Naiinis talaga ako sa kanila. Nahihiya nga akong kumanta sa harap ng parents ko at maging sa kaibigan ko, sa maraming tao pa? Binigyan nila ako ng sakit sa ulo.

"Please don't be mad..."

Paglalambing ni Sophia. Umirap ako at itinuon ang atensyon sa librong binabasa.

Love. A four letter word. The reason of your mixed emotions and sweet smiles. The reason of your unstoppable laughters. The reason why you can feel heaven here on Earth. Yet, Love also can be the reason to your unstoppable tears and hurtful heartbreaks.

I have never been inlove. Infatuations, yes pero love? Hindi pa.

Nasaksihan ko ang lahat-lahat sa love story ni momma and dad. Hindi siya perfect. May mga times na nag-aaway pero kung kayo siguro ang tao para sa isa't-isa, magagawan niyo ng paraan para magkasundo ulit.

"Ewan ko sa inyo!"

"UY, pwede namang hindi ka sumipot bukas. Sasabihan na lang ni Jaydee si Adrian."

Pwede naman... pero nakakahiya naman kung hindi sumipot at hanggang ngayon, hindi parin ako nilulubayan ng panghahamon ng lalakeng 'yun. Sa lahat ng naghamon sa akin ay ito lang yung gusto kong kagatin. Gusto kong lumaban at ipakita na kaya ko... na kakayanin ko.

"Nakakahiya, Sophia! Kasalanan niyo 'tong dalawa eh."

I crossed my arms. Nakailang irap na ako sa kanila. Hindi ako ready! Wala rito yung gitara ko tas hindi ko pa macontact si Jace. Nakakairita na talaga.

"Hindi, Bea. Okay lang. Sasabihin ko na lang kay Adrian na hindi ka pwede."

Agad akong umiling sa sinabi ni Jaydee.

"Eh ano ba kase ang ikinagagalit mo?"

Naguguluhang sabi ni Sophia.

"Hindi ako ready eh. Wala yung gitara ko dito. I don't want naman na keyboard yung gagamitin ko."

Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

"Akala ko ba ayaw mo? Hmmmmn? Ano ba talaga, Bea?"

Ngising aso na ngayon si Sophie. Bahagya akong napatalon nang biglang tumunog ang phone ko. It's Momma. Hating gabi na sa kanila ah? Bakit napatawag ito? Sinenyasan ko ang dalawa na tumahimik.

"Hey, mom! Are you okay?"

Kinagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Yes, we're okay,dear. Don't you worry."

Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi naman kase palapuyat sina momma.

"Eh bakit gising pa kayo?"
Tanong ko. Agad namang sinagot ni dad.

"Well, your mom is very busy with her work right now, Aurora. Pagsabihan mo nga...Tsss."

Sabi niya sa matigas na tono. Kahit na dito siya pinalaki ng mga Australian niyang parents ay hindi parin nawawala yung accent niya. Namana niya ito.

"Momma. It's already midnight there! Bukas na 'yan, mom. Magkakasakit kayo eh."

"Okay nga lang kami. Ikaw? Kumusta first day?"

Kinabahan ako dahil magpapaalam pa ako na mag-aaudition bilang singer sa banda.

"It's okay. But may offer po sa'kin, momma, dad."

SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon