HAMON
NAALALA ko pa yung una kong nakita ang gwapong mukha ng lalakeng mahal ko.
It's my second year in college that time.
Hindi ko kasama si Jace dahil mas gusto niyang sa kabilang school para maging independent.
Si Cheryl naman ay nasa Germany, nag-aaral and also nagtatrabaho. Nitong mga nakaraang araw ay hindi siya nakapagparamdam. Well, sana okay lang siya.
Tumingin ako sandali sa salamin bago pumuntang campus. Naka navy blue pants lang ako at plain white shirt. Naglagay ako ng konting lipshiner para hindi ako magmukhang patay.
Pumasok ako sa gate ng campus. Naramdaman ko agad ang paninitig ng mga schoolmates ko. Obviously, ayaw na ayaw ko talaga ng attention mula sa kanila. Kung si Jace at si Cheryl ay gustong-gusto kapag pinupuri sila, ako naman ay yuyuko lang at mahihiya.
Hindi naman ako napansin noong first year ko dahil pag-aaral lang ang inaatupag ko. Hindi ako sumasali sa mga events sa school kapag hindi kailangan. Hindi rin ako masyadong nakapaglibot dito sa campus dahil mabilis akong umaalis kapag tapos na ang klase at mga gawain ko.
"Beatrize!"Narinig kong sigaw ng isang morenang babae. Si Sophia... kasama niya naman ang kaniyang boyfriend na si Jaydee. Ngumiti ako at kinawayan sila.
"How's your summer?"
Tanong ko nang nakalapit sila sa akin. Magkasama kaming naglakad sa hallway. Si Sophia ay medyo... medyo naiiba sa akin. Mas mataas ako ng konti sa kaniya. Kulot ang buhok ko habang ang kaniya naman ay straight and shiny. Dark brown na malapit na sa black yung mata niya habang ang akin naman ay brown ngunit dahil may dugong banyaga ay parang nahaluan ng gray kaya medyo smoky. Sa pananamit naman ay mahilig siya sa dress, well kaya ko namang magdress pero mas komportable talaga ako sa pants.
"Nagtravel kami ni Jaydee sa Palawan. See this?"
Ipinakita niya sakin ang balat niyang hindi pantay ang skin color.
"Iyan ang nakuha ko sa Palawan, Bea! Naku! Mahihirapan ako nito!"
Ngumisi lamang si Jaydee sa madrama niyang girlfriend. Tumawa na lang ako at umiling.
"Hindi ba uso ang sunblock, Sophie?"
Panunuya ko sa kaniya. Mas lalo siyang nainis.
"Kung alam mo lang, Bea! Halos laklakin ko na ang sunblock! Hindi talaga."
Mas lalo akong natawa sa kaniya. Siya na yata ang pinakamadaldal kong kaibigan. Kahit nasa hallway kami ay wala siyang pake sa lakas ng boses niya.
"Damn, hahaha. Ikaw 'tong gustong-gusto na magPalawan. Syempre iitim ka dahil beach iyon... babad sa araw, Sophie!"
Singit ng tumatawang kasintahan niya. They are cute. Sigurado akong sila na ang magkakatuluyan. Hmmmn, kase iba yung tingin nila sa isa't-isa eh.
"Ikaw, Bea? Kumusta summer mo?"
Baling niya naman sakin."It was okay. Pumunta ako ng Seattle, kila mom. Plano sana naming umuwi ng Autralia kaso hindi naisingit dahil sa work nila ni dad."
"Wow! Kayo na talaga ang mayaman! Nakakapag-ibang bansa ka ng walang ka effort-effort."
Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.
"Hindi naman, Sophie. Alam mo namang doon nagtatrabaho ang parents ko."
"Sus! Ohsya! Heto na tayo sa bagong room."
Pumasok kami roon and dahil college na, natural na walang prof or class sa first day.
Humikab ako. Magkatabi kami nina Sophia at Jaydee. Napakunot ang noo ko nang may pumasok na hindi pamilyar sakin ang pustura.
"Sino sila?"
Tanong ko sa nakangangang Sophia. Umirap lang si Jaydee at siya na ang sumagot.
"Really, Bea? Nakaisang taon ka na dito pero hindi mo pa sila kilala?"
"Eh sino na nga"
Umirap na lang ako sa insulto niya sa akin.
"Banda ng school!The Irrevocable."
Inirapan rin ako ni Jaydee. Bahagya niyang tinampal si Sophia dahil hindi pa rin nakabalik sa ulirat nito.
"So hi guys..."
Nagsalita ang medyo hindi kalakihan ang katawan. Gwapo na man siya pero siya yung pinaka payat sa banda.
"Yan si Enrique."
Sabi ni Sophie at tinanguan ko lang siya.
"We are here dahil naghahanap kami ng babaeng lead singer. Since si Alicia ay wala na sa banda, naghahanap kami ng pamalit sa kanya."
"Yes, and alam niyo naman guys na kapag lead singer ay dapat maganda ang boses. At sana marunong din sa instruments."
Dagdag ng lalakeng medyo may katangkaran, at gwapo! Halos lahat naman sila may itsura eh.
"Siya naman si Gabe."
Sabat ulit ni Sophia. Alam kong may banda ang school pero hindi ako familiar sa kanila.
"May kilala ba kayo?"
Napansin ko na ang isang kagrupo nila sa likod ay hindi nagsasalita. Nakapamulsa lang ito at nakasandal sa pader. Hindi ko makita nang husto ang mukha niya dahil nakayuko ito.
"Hey, Bea! Diba kumakanta ka?"
Namilog ang mata ko at mabilis na umiling-iling sa kaniya."Oo nga, Bea! Magandang chance na 'yan para sa iyo."
Singit naman ni Jaydee.
"Hindi ako magaling... at nahihiya ako so... No!"
I rolled my eyes on them. Ayaw ko! Kakahiya.
"Sus. Ang ganda-ganda mo naman eh. Magaling kang kumanta! Aminin mo."
Nakangisi si Sophia at kumbinsido talaga siyang ipasok ako.
"Hell no! Hindi kaya. Marunong lang."
Nagulat ako nang sumigaw siya.
"Oo! Si Beatrize! Hindi daw siya magaling pero marunong daw!"
Nakakahiya na talaga. Narinig ko pa ang pagsang-ayon ng mga nakakakilala sa akin.
"Asan siya?"
Agad na tanong ni Enrique.
"Heto oh!"
Lahad sa akin ni Sophia. Bumaling ang buong banda sa akin, maging ang lalakeng nakasandal kanina. Madilim ang titig niya at nakakapagpakaba. Ngumiti naman si Gabe sa akin at sabing...
"See you tomorrow, Bea? Bea, right? Music room lang. 4pm. Bye"
Kumaway naman na nakangiti si Enrique at kumindat. Ang lalakeng nakasandal kanina at nakatitig pa rin... Kinakabahan talaga ako sa titig niya. Tumaas ang kilay nito at makikita sa mga mata ang panghahamon.
"He's Adrian... Adrian Landon Cortez."
-NallyRiv-
BINABASA MO ANG
Something
Teen FictionI was born to love this bad guy. But the big question is, "Kakayanin ko bang mahalin siya hanggang sa huli?"