1

8 1 0
                                    

AKALA

"ANONG ginagawa mo dito?"
Mariin ang pagkabigkas niya ng mga salita. Hinawakan ko agad ang braso ni Jace para malaman niyang ayaw ko ng gulo. Bumulong ako sa kaniya.

"Jace, paalisin mo na lang siya."

Nanghihina na ako. Nilingon niya ako ngunit bumalik agad ang mga mata nito kay Adrian. I can't look at him straight in his eyes. Yumuko na lang ako.

"Umuwi ka, Adrian."

Pero parang hindi pa rin siya natinag sa salita ni Jace. Tiningnan ko siya at naabutang nakatitig sa akin nang mabigat. Nakita ko rin ang namumugto niyang mga mata. Umiyak ba siya? Isang beses lang siya umiyak sa harap ko.

"Wala ka na dito, Jace"

"Umalis ka nga!"

Umambang susuntukin siya ni Jace pero hinigpitan ko ang hawak sa braso niya. Kinagat ko ang labi at yumuko. Tumula na naman ang mga luha ko. His voice... kumirot ang puso ko nang nagsalita siya.

"U-umalis ka na... Parang awa mo na, Adrian."

Hirap na hirap kong sabi sa kaniya. Bakas sa boses ko ang pagod. Halos hindi na nga ako huminga.

"Beatrize, please. I'm begging pakinggan mo ako."

Hindi ko siya tiningnan dahil pagnakita ko na naman siyang umiiyak, alam kong magiging marupok lang ako, ulit.

"No. YOU. Leave."

May diin sa boses ko pero hindi siya natinag. Nawala naman agad ang tapang sa mga mata niya.

"Akala ko mahal mo ako."

Malungkot ang boses nito. Kinagat ko ang gilid ng aking pisngi. Ayokong magpadala sa sinasabi niya.

"Akala ko rin mahal mo ako."

Suminghap siya. He shaked his head na para bang mali ang nasabi ko.

"Now. Leave, Adrian.", si Jace iyon.

"Let me explain, PLEASE."

Pagmamakaawa niya. Umiling lang ako. Ayoko na talaga. Pagod na pagod na ako emotionally and physically.

"Sabi mo.... sabi mo mahal mo ako. Why did you leave me?"

Tinakpan ko ang mga labi para pigilan ang paghikbi. Nasasaktan ako dahil binabalik niya sa akin ang lahat-lahat. Nasasaktan ako dahil sa presensya niya.

Nasasaktan ako dahil akala ko mahal niya ako.

"Mahal kita, Adrian."

Tinignan ko ang mata niya. Umaliwalas ito pero nagmamakaawa pa rin.

"Then why?"

Pumiyok ang boses niya. Nakita ko rin ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Sinusubukan niyang kumalma.

"Mahal kita pero hindi na sapat ang pagmamahal ko para ipaglaban ka ulit."

I'm strong, kaya ko ito. Ito ang iniisip ko habang sinasabi ko ito sa kniya. Si Jace naman ay nakikinig lang sa aming dalawa.

"Do you want me to leave?"

Bigong tanong niya. No! Iyon dapat ang sasabihin ko.

"Yes."

"Okay then."

Umalis na siya at isinarado na rin ni Jace ang pintuan. Tinakpan ko ang mukha ko at humikbi.

Ang sakit-sakit na. Hindi naman sana darating sa ganitong point kung hindi niya 'yon ginawa. Alam kong mahirap magbago pero umasa ako na magbabago siya.

Umupo ako sa upuan at naglahad si Jace ng panyo. Hindi niya na hinintay na kunin ko, siya na ang nagpunas ng luha ko.

"Ayoko talagang nakikita kang umiyak. Hindi ka naman kase ganito dati."

Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Beatrize... Napakamasayahin mo noon. Sana lang ay huwag mong iwala ang sarili mo para lang sa isang lalake."

Tumango-tango ako sa kaniya. Nakita ko ang itsura ko sa salamin at namumugto talaga ang mga mata ko, pula ang ilong at maging ang buong mukha.

"Bea, may mga pagmamahal na nakakasama. May mga pagmamahal na nakakasakita. May mga pagmamahal na nakakawala ng sarili. At sana, ang pagmamahal mo kay Adrian ay wala diyan sa mga pagmamahal na nasabi ko."

Mas lalo akong naiyak. Mahal na Mahal ko si Adrian pero hindi naman yata tama yung ginawa niya. Bakit niya naman 'yon gagawin kung mahal niya ako? Bakit niya naman 'yon gagawin kung alam niya masasaktan ako?

"Sabi ko kay Cheryl na dito na dumiretso sa apartment mo. Alam kong kailangan mo siya".

Tinikom ko parin ang bibig ko. Oo nga pala. Darating ang isa ko pang pinsan.

"Thank you, Jace."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya at dumiretso sa kwarto. Umupo ako sa kama habang inaalala ang lahat ng sinabi niya.

"Akala ko mahal mo ako."

"Let me explain, PLEASE."

"Sabi mo.... sabi mo mahal mo ako. Why did you leave me?"

Nakita ko ang CD na binigay niya sa akin noong unang buwan namin. Kinuha ko ito at pi-nlay sa laptop.

You can't lose yourself while healing someone's heart. You can't lose yourself while completing his heart. And lastly, you can't lose yourself while loving him more than yourself.

Life is full of maybes. Maybe, he loved me. Maybe, he cared for me. Maybe, he fell for me. Pero wala namang kasiguraduhan. Ang tanging nakakaalam lang naman nito ay yung taong mahal mo.

Kapag unti-unti ka nang nasisira, learn to let go. Kung unti-unti ka nang nasasaktan, learn to let go. Kung unti-unti ka nang nadudurog, please let go.

Hayaan mo nang sumaya ang puso mo. Hayaan mo nang makawala ang lungkot at sakit na tinatago mo. Hayaan mo nang sumaya siya, sumaya sa piling ng iba.

Dahil sabi ko nga, full of maybes. Hindi tayo sigurado. Tanungin mo na lang ang sarili mo after how many years, if naging worth it yung paglet go mo. Dahil kung kayo, kayo talaga. Walang sino man ang makakapaghiwalay sa inyo.

-NallyRiv-

SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon