WINASAK
"Beatrize Aurora Stillman! Kanina pa ako tumatawag sa iyo!"
Nagulat ako sa mataas na boses ni Momma sa phone. Chineck ko ang oras and it's 9 AM! What? Ilang oras ba ako nakatulog? Nihindi rin ako na kapag dinner.
"Mom! Sakit sa tenga."
Tamad kong sabi sa kaniya.
Dapat ay 7:30 siya tumatawag kaya siguro medyo galit na siya.
"Anong ginawa mo buong gabi at anong oras ka na nagising?"
Iniimagine ko, kung nandito siya siguro ay kunot na kunot ang noo nito. Oh I miss my parents so much!
"Wala mom. Happy mother's day! Kumusta si Dad?"
Huminga naman siya nang malalim. Nasa Seattle kase sila eh. Matagal na rin noong huli ko silang nakita.
"Thanks, dear. Your dad is okay. Sige na. Magpakabait ka diyan. Huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si Jace. Nandiyan na ba si Cheryl?"
"Hindi pa ako nakakalabas, momma. Update po kita later. Ingat kayo, mom. Iloveyou both."
Nagpaalam na rin si momma. Napatay na rin pala ang laptop ko dahil siguro nalowbat na. Hays... yesterday was a really long day. Ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko.
Pumasok ako sa bathroom para maligo at pagkatapos ay nagmake up para matakpan ang namumugto kong mata na may kasamang eyebags. Namumutla ako. Ngumiti ako sa salamin pero pagod ang sinisigaw ng mga mata ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cheryl. Napatayo naman ako sa presensya niya. Nakita ko agad ang magagandang mga mata niya. Gray eyes! Her cheeks were natural, pink lang walang halong blush on. Yung lips niya na pinakintab lang ng lip shiner pero halata na mapula ito. Nakuha niya yung features niya sa daddy niya na kuya ni dad. Filipino rin yung mom niya pero we're both half Australian. Ang pinagkaiba lang namin ay yung mata ko, brown siya pero katulad ng kaniya... parang may halong gray. Si Jace naman ay pure Filipino pero hindi mo naman mahahalata. Parang may features siyang banyaga siguro sa genes namin.
"Hey baby girl! Good morning!"
Maligaya niyang bati. Kung mahinhin ako, mas mahinhin ang isang ito. Napakababae niya talaga.
"Mornin'. Anong oras ka dumating?"
Tinagilid niya ang ulo habang bino-blower ko ang kulot kong buhok.
"8pm kahapon. Bakit ba ang aga mong natulog kagabi? Sabi ni Jace ay huwag raw muna kitang gambalain dito."
Kuryosong tanong niya. Parang wala siyang alam. Hindi sinabi ni Jace sa kaniya and thankful ako doon. Huminga ako nang malalim. Ang bigat talaga ng dinadala ko ngayon.
"Napagod lang ako kahapon... Uhhhhhmmm-"
"May lakad ka ba? Bakit ang heavy ng make-up mo?"
Kumunot ang noo niya. Hindi naman kase ako ganito kung magmake up noon eh.
"Feel ko lang magmake up ngayon, Che."
Ngumiti naman siya sa akin at inanyayahan niya na akong magbreakfast. Nang makalabas ako ay nakita ko si Jace na nasa dining table. Tinitigan niya ako at umiling. Tumango ako dito. Ibig sabihin, hindi niya talaga sinabi.
"Kain muna tayo..."
Lumapit sa akin si Jace at may ibinulong.
"Hindi ko sinabi sa kaniya dahil gusto kong ikaw. Baka isumbong ka pa niyan sa parents mo."
BINABASA MO ANG
Something
Teen FictionI was born to love this bad guy. But the big question is, "Kakayanin ko bang mahalin siya hanggang sa huli?"