SECOND CHANCE
TULALA ako habang nakasakay sa taxi. Hindi ko pa alam kung ano ba ang talagang nangyari dahil hindi ko macontact si Mateo, yung nagdala kay Jace sa ospital. Kinakabahan ako dahil si Jace na lang ang maituturing kong kamag-anak dito sa Pilipinas. Ayokong mawala siya. Hindi lang siya pinsan sakin, he's my brother, my bestfriend, and my boyfriend... Sana lang. Please, G... Help him... Sana okay siya.
Nang papalapit na ako sa room ay nakita kong nakasandal si Mateo. Sumulyap siya sa akin at agad na dinaluhan.
"What happened?"
Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hininga at...
"He attempted to kill himself... Bea, he's too broken."
Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sikip nito. Please tell me that he's okay.
"K-kumusta siya? Is he okay? Mateo, bakit niya ginawa?".
Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Namumuo ang luha ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kina Tita Anally.
Nanginginig ang mga kamay ko nang kinuha ko ang phone mula sa bag.
"Okay na siya, Bea. Nagpapahinga na siya sa loob. Marami ang dugong nawala at malalim ang sugat pero naagapan naman."
"Ako lang ba ang tinawagan mo?"
Tanong ko sa kaniya dahil kilala niya naman ang ibang pinsan ni Jace.
"Ah ikaw lang ang nacontact ko dahil number mo lang yung nakasave sa phone ko... este nakita ko agad sa phone ni Jace."
Huh? Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, hindi pinapaopen ni Jace sa kahit sino yung phone niya. Kahit kina tita at tito, kahit sa amin ni Cheryl. Pero bakit nabuksan ni Mateo? Syempre friends sila, Bea! Best friends nga diba?
Mukhang matagal akong natigilan sa sinabi niya kaya kinuha niya ang kamay ko. Nagulat ko ang kamay niya kaya agad kong binawi ito.
"I'm sorry. Hali ka na. Puntahan na natin siya."
Malamig niyang tugon at nauna nang pumasok sa kwarto yata ni Jace.
"Jace..."
Ani ko nang nakita ko siyang nakahiga habang nakatulala sa labas.
"Alis muna ako, Bea, Jace."
Malamig pa rin ang boses ni Mateo. Slowly, he closed the door. Nanatili roon ang mata ko at tinignan siya habang lumalabas. Anong problema non?
"Jace... Anong nangyari?"
Mariin siyang napapikit. Umupo ako sa gilid niya. Nakita ko ang nagamot na niyang sugat sa wrist.
"Bea... iniwan niya ako..."Humagulgol siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin lalo na't wala akong karanasan sa pagmamahal. Hinawakan ko ang braso niya.
"Jace. Pwede mong sabihin sa akin. Makikinig naman ako eh."
Umiling-iling lang ito. Hindi ko kaya, habang naririnig ko ang paghikbi niya ay nasasaktan ako.
Sa aming tatlo, siya itong napakasayahin at napakamatapang pero hindi ko alam kung gusto niya bang tawagan ko si Cheryl tungkol dito.
"Hindi mo naman kailangang magpakamatay para sa isang babae, Jace."
Kumuyom ang kamao niya. Alam kong masasaktan siya sa sasabihin ko pero ayokong nakikita siyang nasasaktan. Hindi dahil iniwan tayo ay sasayangin na natin ang buhay natin. Duh!
BINABASA MO ANG
Something
Teen FictionI was born to love this bad guy. But the big question is, "Kakayanin ko bang mahalin siya hanggang sa huli?"