009 | narration

863 30 30
                                    



Joyce's



Habang abala sa pagpipili ng partners si Prof para sa project namin, kinuha ko muna ang phone ko tyaka minessage si Alexa na sabay kaming uuwi bukas. Saklap lang kasi hindi kami classmates at tanging si Yangyang at Haechan lang ang ka-close ko rito sa room. Lahat sila nasa kabilang section eh. Gagi, saksakan na ata ako ng malas.

Nang mag reply si Alexa, sakto namang tinawag ni Prof ang atensyon ko.

"Miss Kim!"

Dahil sa gulat, hindi ko namalayang nakatayo na pala ako. "Po?"

"Umupo ka nga diyan, bakit ka ba nakatayo?" nakayukong akong umupo ulit. Narinig ko naman ang mga kaklase kong tinatawanan ako kaya umirap nalang ako. "As I was saying Miss Kim, kayo ni Haechan ang magiging partners para sa project. Hindi ka kasi nakikinig sakin eh."

Humingi naman ako ng sorry kay Prof at tinaggap naman niya. Binigay lang daw niya yung partners in advance kasi magiging busy na kami next week para sa intramurals namin. So bale mga next month pa ata deadline ng project namin.

Chineck ko naman ang phone ko para mabasa yung reply ni Alexa. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magtatampo sa reply niya eh. Sabi niya kasi na ihahatid na raw siya ni Yangyang simula ngayon. Kahapon kasi, muntikan nang may mangyaring masama sa kanya tapos sakto namang dumating si Yang para iligtas siya.

"Gagita." I looked up to see Haechan staring at me. Natapos na pala yung klase at lunch na. Hindi ko ata namalayan. "Oh? Aawayin mo na naman ba ako? Magseselos ka samin ulit ni Mark?" sunod-sunod kong tanong. At ang bakla, pinandilatan pa ako ng mata. Wow ha!

"Hinaan mo nga boses mo!" saway niya sakin. "AT BAKIT?! SINO KA BA PARA UTUSAN AKO? SI YANGYANG KA BA? SI ALEXA BA AKO?"

"KAKASABI KO PA LANG NA HINAAN MO BOSES MO EH!"

"SUMISIGAW KA RIN NAMAN!"

"EH SUMISIGAW KA RIN EH!"

"HOY ANG IINGAY NIYO! MANAHIMIK KAYO!" sabi ng isang estudyante na dumaan lang sa room. "WALA KANG PAKE!" sabay naming sigaw ni Haechan kaya tumakbo yung estudyante palayo.

"Back to the topic, ano bang gusto mo?" tanong ni Haechan sakin. "Ikaw, yiieeeeee kilig junjun mo noh?" sagot ko kaya binatukan naman niya ako. "Gaga ka! Pagkain kasi!" tanong niya naman ulit.

"Si Mark, ayiieeeeee!"

"Isa nalang Joyce Kim at makukutusan na talaga kita!"

Vaklang twouh di na mabiro eh! Napaka-kj! "Oo na! Oo na! Kahit ano. Teka lang, manlilibre ka ba?"

Inirapan naman ako ng bakla, "Obvious ba?" lumiwanag naman sandali ang mundo ko. MANLILIBRE SI CRUSHIE KO?! WAAAAHHH IS THIS A MIRACLE?!

"Oh edi tara na!" sabi ko saka lumingkis sa braso ni Haechan. At ang bakla? Napangiwi lang. Gaga to!

Pero atleast diba nakasama ko naman siya for lunch hihihi







𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon