061 | narration

456 16 10
                                    


Joyce's


Naabutan ko naman si Hyuck na nakasandal sa upuan niya. Natutulog nga siya hays. Kami lang dalawa ang nandito sa room kaya I tried to stay quiet as possible kasi ayokong magising si Hyuck. Kanina ko pa kasi siya nahahalataang sumasakit ang ulo. And I was right. Lumapit naman ako sa kanya saka tinitigan siya. I automatically smiled, mukha siyang anghel matulog.

Naupo naman ako sa tabi niya saka hinintay siyang magising. Hinawi ko nalang ang ibang strands ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

"Hmmm."

He opened one eye, and then he quickly reached out to me and hugged me. Nakaupo na ako sa lap niya ngayon habang yung mukha niya naman ay nakabaon sa leeg ko. Shet, too much skinship! Inamoy niya naman ang leeg ko that's why I tried to push him pero malakas siya eh. Para akong nakikiliti!

"H-Hyuck b-bitaw na."

Naramdaman ko ang pag-ngisi niya. "I missed you. One day felt like one year without you. Damn." namula naman ako sa sinabi niya. "Oo na, bitaw na pwede. Baka may makakita sa atin."

Napangiti naman ako nang bumitaw nga siya. "Eto oh, dinalhan na kita ng pagkain. Ubusin mo yan lahat ah, ayokong nagkakasakit ka. Mahal na ang mga gamot ngayon, tapos madali na rin mahawa sa mga sakit." pangsesermon ko kay Hyuck. Parang bata siyang tumango at kinuha ang mga pagkaing pinamili ko para sa kanya.

"Baby."

"Hm?"

He pointed his temple saka ngumuso. Napatawa naman ako sa ginawa niya. Ang kyut talaga ng mokong na to, nakakainis!

"Masakit paaaaa~" he whined. Umiling nalang ako saka dahan-dahang inilapit ang labi ko sa sentido niya. I pecked it. Umakto naman siyang nakahinga na ng maluwag pagkatapos kong mahalikan ang sentido niya. "Magaling na ako."

"Ganon lang kabilis?"

"Baby, you're my medicine. Malamang gagaling talaga ako."

Pabiro ko nalang siyang inirapan saka inabutan pa siya ng pagkain.






𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon