Joyce's
Halos magtatatlong oras na ako dito sa bahay ni Hyuck. Natutulog kasi yung gaga ngayon tapos ako? Eto nanunuod lang ng Creepy Videos tas nagchachat rin kay Mamc. Ewan ko ba, natatakot ako sa videos pero wala na ata kong pake. Things you do when you're bored. Nag ikot-ikot rin ako sa bahay ni Hyuck. Siya lang pala mag-isang nakatira dito noh? Tapos may nakita rin akong mga lumang pictures na nakasabit sa pader.
May ate pala si Hyuck? Hehehehe taray may sister in law pala ako. Charaught!
So ayun nga, naging abala lang ako sa pamamagitan ng pagtitig sa mga pictures ni Hyuck noong bata pa siya. Kita ko nga yung old group picture ng NCT Dream kasama si Yangyang at Lucas. Oy hindi dream si Lucas ah, pero I assume na magkababata sila.
"Kanina ka pa ba nakatitig diyan?" muntik na akong tumalon dahil sa gulat. Paano ba naman? Bigla na lang tong susulpot si bakla eh! Napahawak naman ako sa dibdib ko, kahit wala ako non, joke hehehehe. "Gaga! Aatakihin ako sa gulat dahil sayo eh! Baklang to!"
Aba! Tinawanan lang ako ng bakla oh! "Maka react ka naman wagas! Anong akala mo sakin, multo?"
"Oo, black lady. HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Aray! Gaga ka, maka hampas ka naman wagas!" sabi ko saka akmang hahampasin si Hyuck pabalik pero hinawakan na niya ang kamay ko saka hinila palapit sa kanya. Ayyy ano bang trip ng baklang to? Magpapakalalaki na ba siya? Oemji!!!!!
His eyes scanned my whole face kaya I suddenly felt shy. Hindi naman kasi pang beauty queen tong mukhang to eh. Sakto lang. Tyaka pake ko ba sa mga beauty standards eklabu nila diba?
He scanned all down to my lips. He stopped there. Dahil sa kaba at kilig, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na namalayan na hinalikan na niya pala ako.
AY TEKA, HINAHALIKAN AKO NI DONGHYUCK?!
BINABASA MO ANG
𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝
Short Story❝ipagtabuyan mo pa ako't lahat, ikaw parin ang hahabulin ko.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 05/10/19