054 | narration

504 13 7
                                    


Joyce's



Hindi naman namin sinabihan ang mga boys na pupunta kami sa bahay ni Chenle. Kasi pag sinabi namin yon, we would miss all the fun. At isa pa, baka may ginagawa na naman silang kalokohan. Kami lang ata yung sane dito sa barkada. Nag doorbell naman kami at nang bumukas ang pinto, nakita ko naman si Manong Suho. Siya yung private driver ni Chenle. Nagtatrabaho siya sa pamilya ni Lele pero mayaman siya. Ngumiti naman siya sa amin. "Sina Chenle ba ang hanap niyo?"

"Opo, nasaan po sila?"

Pinagbuksan niya naman kami ng pinto at iginiya kami papasok ng bahay. "Nandoon sila sa sala, naglalaro ng video games." tumango naman kami saka nagpasalamat. Agad kaming dumiretso sa sala at doon naabutan kung gaano sila kagulo.

Si Chenle at Renjun, naglalaro ng video games. Si Jeno at Jaemin naman taga-distract sa dalawang naglalaro ni video games. Si Jisung at Yangyang nagwrewrestling tapos si Mark, Lucas, at Hyuck nagwo-wormdance.

Ampota, ganito ba talaga kagulo ang mga lalaki? Natigilan naman si Hyuck sa pagwo-wormdance nang makita niya kami. Dali-dali siyang tumayo as if nothing happened. Sumunod naman si Mark at Lucas sa kanya.

Tuesday cleared her throat to get their attention. Para silang na-estatwa nang makita nila kami. Walang nagsalita hanggang sa nagsalita si Jisung. "T-Tulong."

Agad namang binitawan ni Yang si Jisung nang lumapit si Alexa sa kanila. Patay, saktan niyo na lahat wag lang si Sungsung.

Nilapitan ko naman si Hyuck. "Galing nating gumiling ah." saka nginisian siya. Napakamot naman siya sa batok saka iniwas ang tingin sa akin. "Hindi kayo nagsabing pupunta kayo." sabi ni Yang. "Bahay mo?" pambabara naman ni Mamc.

Kapag talaga nagsama tong dalawang to, nagbabangayan talaga sila. Hays. Pinaupo naman kami ni Chenle sa couch. Umupo nalang din sila sa carpet tutal malambot naman. Gusto ko sanang umupo sa carpet pero ungentleman daw sa kanila kung papaupuin ako sa carpet. Ang sweet ng mga gunggong yiieeeeeee.

Maya-maya pa, nanuod naman kami ng Horror movie. Itong si Mamc sa gilid ko, matatakutin yan kapag horror movies. Ako sa booths lang. Natatakot rin naman ako pero hindi ko pinapakita.

Inakbayan naman ako ni Hyuck. "Ako lang ba o hindi talaga nakakatakot yung movie?"

"Suspense lang siya pero hayaan mo na." sumagot naman ako. Tumango lang siya saka pinagpatuloy yung movie. Everything was peaceful hanggang sa napuno na ng tilian ang sala. Nakakatakot yung movie! Akala ko hindi! Pero nakakatakot!

Dahil nga sa takot, nagyakapan na sina Jeno at Jaemin eh. Natawa naman kami dahil dun. "Hoy ang babakla niyo! Get it together!" sigaw ni Mark saka tinapunan sila ng popcorn. Nilingon ko naman si Mamc at nakita kong nakasandal na siya sa balikat ni Yang at todo takip na ito ng mata.

Si Tuesday naman, chill lang habang kumakain ng caramel popcorn. Siya pa may ganang mag chill eh siya yung pinakamalapit sa tv. Astig talaga tong isa kong Mamc eh.

"Wag diyan tanga! May multo diyan! Omaghad!" napasigaw nalang si Chenle. "Pakipatay na ng tv please! Ayoko naaaaa!" sabi naman ni Mamc. "Tangina Jeno bakit mo ba pinili tong movie na to?!" sigaw naman ni Renjun na mahigpit na ang kapit kay Lucas. "Okay yeorobeun, calm down." alam niyo naman kung sinong nagsabi non diba?

Nakahinga naman kami ng maluwag nang matapos ang movie. Our foreheads were sweating dala ng takot at kaba. Nagkatinginan naman kaming bago kami humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA YUNG MUKHA NI JAEMIN DI MAIPINTA!"

"Si Jisung talaga! Parang hindi na makakatulog ng maayos!"

"Gago kayo HAHAHAHAHAHAHA! Natatae na ako sa takot!"

"Yucks Mark hyung! Kadiri!"

"Hoy may umutot!"

"WALANG HIYA SINONG UMUTOT?!"

"SI JENO HYUNG! EW!"

"HOY SI HAECHAN YON!"

"BAKA SI TUESDAY!"

"SAPAKAN NALANG OH JAEMIN?"

Napa-face palm nalang ako dahil sa pagiging magulo ng grupo.






𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon