020 | narration

876 32 19
                                    

Joyce's

Pinagbuksan naman ako ni Hyuck ng pinto. Tumambad sakin ang namumutla at mukhang zombie na si Hyuck kaya naman wala sa sarili ko siyang hinawakan. "Huy okay ka lang ba talaga?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Matamlay siyang tumango. Gagang to oh, kung hindi sana siya nilalagnat ngayon kukutusan ko talaga siya pero wala akong panahon para mambara ngayon dahil may sakit si bebe quogh.

"Punta tayo sa kwarto, Joyce."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. A-Anong kwarto?! "H-Ha? Eh anong gagawin natin dun?"

"Gagawa ng anak."

"ARAY JOKE LANG! GAGA TO!" ayan ang gaga, pinagpapalo ko na dahil sa sinabi niya. "Joke nga lang eh! As if naman papatol ako sayo." wow nagawa pa niyang mambara habang nilalagnat siya ah. Baklang to.

"Sige na, humiga ka na don sa kama mo. Magluluto na ako ng pagkain." tumango naman siya saka dumiretso sa kwarto niya. Napabuntong-hininga nalang ako saka dumiretso sa kusina. Hayy Donghyuck, kung hindi lang sana kita crush.

Simple lang naman ang niluto ko, mushroom soup lang tapos fried chicken. Payts na to, basta ang importante makakain si Hyuck. Ayos lang kung hindi ako kakain. Pagkatapos kong magluto, pinuntahan ko na si Hyuck sa kwarto niya dala-dala yung mga pagkain.

Naabutan ko siyang nakataklubong ng kumot tyaka nakatalikod sakin. I wanted to melt right on the spot kasi inaalagaan ko crush ko! Gigisingin ko ba siya? Ano itatawag ko sa kanya? Gaga or Babe? Honey or Husband? Charet!

I cleared my throat and called him, "Hyuck, kain kana. Nagluto ako ng food." wala naman akong response na nakuha galing sa kanya kaya inilapag ko yung tray sa lamesa ng kwarto niya saka nilapitan siya. "Huy, gusto mo bang magpalipas ng gutom? Bangon na diyan." I heard him groan and faced me. Kita ko na ang mukha niya pero hindi parin siya dumidilat.

"Aba ang tigas ng ulo mong bakla ka." akmang yuyugyugin ko na sana siya pero mabilis niya akong hinila pahiga kaya nasa taas na niya ako ngayon. OMAYGHAD !!! BATA PA PO AKO !!! WAG !!!

"H-Huy teka lang! Bitawan mo nga ako! Tyaka bumangon kana diyan ah! Kukutusan talaga kita bakla ka." kunwari hindi ako kinakabahan. Kunwari hindi ako kinikilig.

He opened his right eye saka nginisian ako, "Goodmorning din." mabilis naman akong umalis sa kama. "G-Gaga! Afternoon na!"

At sa wakas naman, bumangon na siya. Pero ang problema, naka topless siya!!! I grabbed the chance na magwala at mag pantasya kasi nakatalikod naman eh. Ang ganda ng katawan niya! Lalo na yung likod! Bakit ka pa kasi bakla? Sayang!

Dahil sa pagfafangirl ko, di ko na namalayang tinatawanan na pala ako ni Hyuck. "Hinay-hinay lang sa pagtitig, Joyce. Baka maglaway ka." sabi niya saka nilampasan ako. Hindi na ako nakareact pa dahil sa hiya. Feeling ko ang pula na ng mukha ko ngayon.

Nilingon ko naman si Hyuck at kung kanina matamlay siya, ngayon sobrang lapad na ng ngiti niya habang kinakain ang mga niluto ko.







𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon