fin.

968 27 54
                                    



Joyce's



Nang makalabas ako ng bahay, wala naman sina Renjun eh. Baka nantitrip na naman tong ugok na to. Babalik na sana ako sa loob pero nagulat ako nang may nagtakip sakin ng blindfold. Inilakad naman nila ako pasakay ng van? Ewan ko, nafeel ko lang kasi eh. HALA BAKA KINIKIDNAP NA AKO?!

"hOY! SA ORAS NA MALAMAN KO KUNG SINO KAYO LAGOT KAYO SAKIN! PAKAWALAN NIYO KO NGAYON NA!"

"Hala hyung ayoko pang malagutan." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Chenle?

"Kalma mehn, we are the good guys here." sabi naman ni Lucas. Kumunot naman ang noo ko. Bakit nila ako kinikidnap? "Hoy mga ugok, anong ginagawa niyo ha? Alisin niyo nga tong piring!" pagrereklamo ko sa kanila. "Eh napag-utusan lang naman kami Joyce eh." sagot naman ng isang boses. Feel ko si Jeno yun.

"Basta, tatanggalin na namin yan. And then all you can feel and see is heaven." sabi naman ni Renjun.

"Hoy bakit parang ang bastos?!" sabi ni Jaemin. Teka naguguluhan ako, saan ba talaga kami pupunta? At bakit ako naka blindfold? Huminto naman ang kotse at naramdaman kong iniaalalayan na nila akong bumaba. Naglakad naman kami pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguraduhin talaga nilang hindi prank to kasi tatadyakin ko mga junjun nila isa-isa.

"Andito na tayo, Bessy. Mag enjoy ka ah hehehe." sabi naman ni Yang. "Hoy?! Saan na kayo? Omg ayokong maiwan dito!"

"Hindi ka naman maiiwan eh." bumilis naman ang tibok ng puso ko sa boses na narinig ko. Hindi, baka nagi-ilusyon lang ako. Naramdaman ko namang tinanggal na ang blindfold ko at nakita ko naman si Hyuck.

Si Hyuck, nasa harapan ko! Nakangiti pa siya sakin! Akala ko ba galit siya?

"T-Teka...bakit ako nandito?" inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid. Nasa loob kami ng function hall. Kami lang dalawa. May mga tables and chairs naman na nakaset-up and the theme was purple.

Maya-maya pa, nagplay naman ang kantang Euphoria.

"Joyce Kim, I have a lot of things to say to you." nakangiting sambit ni Hyuck sakin. "Pero sana wag mo akong patayin ah? Hehehe, sorry in advance." teka ano bang sinasabi niya? Iiwan niya na ba ako? Nagsasawa na ba siya sakin?

He cleared his throat, "Noong una, ayoko talaga sayo. Parati ka kasing lumalapit kay Mark na crush ko. Possessive akong tao eh. Nagulat nalang ako nang bigla mo akong chinat at ginugulo. Pinapadalhan mo ako lagi ng pagkain. Napaka-cringey non kasi ayoko pa naman sa flowers non diba?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Para akong tanga, umiiyak habang tumatawa. Luh parang timang ang lola niyo.

"Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mafafall sa flowers eh pero naging marupok ata ako sayo. I decided to be a boy, to be a man. Dang, mukhang tinamaan yata ako sayo eh. Binabaliw mo ko. That's why I accidentaly kissed you. Ang cute mo non tyaka pulang-pula ang mukha mo. So ayun, tamang pagpaparinig at panlalandi lang ang ginagawa ko para makahalata ka na gusto kita. Tapos nung nag confess ako, sinabi mo rin sakin na gusto mo ako. Alam ko naman yun eh."

Ano bang ginagawa niya? Narration ng mga nangyari between us? HAHAHAHAHAHA ano ba!

"And now, shit's going to get real. Remember the time na inalok ka ni Mark na magpanggap bilang gf niya? He asked for consent muna sakin kung payag ako. Alam ko na yun sa simula pa baby. Kaya noong party, we got invited and napagdesisiyunan kong mag acting muna hehehe."

ANO?! PAPATAYIN TALAGA KITA LEE DONGHYUCK!

Dahan-dahan naman siyang lumapit sakin at hinapit ako sa bewang. "Baby, hindi ako galit. Hinding-hindi ako magagaliy sayo okay? Parte lang talaga yon ng plano para mapasagot kita hehehe."

Hinampas ko naman siya at naiyak na talaga ako. "Gagi ka! Gagi ka talaga! Nakakainis ka alam mo ba yun?" sabi ko saka patuloy parin siyang pinaghahahampas. "A-Akala ko iiwanan mo na ako! Nakakainis ka! Ayokong m-mawala ka." niyakap niya naman ako at ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya.

"Shh, sorry na baby. Damn, sana hindi nalang ako pumayag sa plano. Stop crying please. Ayokong umiiyak ka. Sorry baby, i'm so sorry."

Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan ang noo ko.

"Joyce Kim, alam kong maaga pa but my instincts are telling me to do this. I never felt love like this, sayo lang."

"Will you be my girlfriend?"

Napangiti naman ako. "Syempre! Oo naman!" napangiti rin siya saka niyakap ako ng mahigpit. Nagsipasukan naman ang ibang mga chanak.

"YES! DALAGA NA ANG HYUCK NAMIN!"

"WHOOOOOO! MAGPAPAPARTY AKO TANGINA!"

"SANA OIL MAY LABLAYP."

"YES MEHN! WE GOTTA DREAM BIG YA KNOW?"

"PENGE RIN NG JOWA UY!"

"AKO NALANG JENOQ HIHIHI WILLING AKO."

"WHAT THE FUCK."

Natawa nalang kami sa sinabi ni Renjun. Nagkatinginan naman kami ni Hyuck bago niya inilapit ang mukha niya sakin. "Can I?" tumango naman ako. Napapikit nalang ako nang dumapo na ang labi niya sa labi ko.

"I love you so much." bulong niya. "I love you too."


finished.







𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon