Chapter 1

54 6 1
                                    

"Nakamove on na ako" sabi ko sabay kuha ng chips sa supot na hawak nya. Mainit ngayon pero heto pa rin kami sa bench ng school namin naghihintay. Bakit kasi antagal dumating ng babaeng yun.

"Moved on your face, ilang beses mo na ba sinabi yan? Nung nakaraan sabi mo ayaw mo na pero nung sineen nya lang myday mo, todo kilig ka?" heto na naman tayo sa walang katapusang sermon.

"hindi ka ba tal--"

"Uy diba yun yung crush mo?" sabi ko at tumingin naman ang gaga. Kala mo kung sino makasermon eh mas madami namang crush keysa sakin.

"Saan? Wala nam--"

Hirap na hirap akong pigilan ang tawa ko ng bigla nya akong hampasin.

"Bwesit ka talaga!"

Tawa pa din ako ng tawa kasi napakahopeless ng mukha nya kakahanap dun sa ewan nyang crush.

Pano ko naman makikita yun? di ko naman kilala yun at isa pa malabo mata ko.

"Pano ako makakamove on? classmate kami sa lahat ng minor subjects ko?" pag iinarte ko.

"Sino ba kasing may sabing sumabay ka kay Olivia magpaenroll? It's your fault tho?" sabi nya habang linilibot yung mata sa paligid.

"Tsaka di naman kayo seatmate kaya wag kang assuming at di rin naman naging kayo para magmoveon ka." kill joy talaga nitong Jade na 'to.

Di ko alam kung magiging masaya ba ako or maiinis, after 3 years naging classmate ko yung crush ko. Pangarap ko yun dati pero ngayon di na ako natutuwa sa idea na yun dahil di ako makagalaw ng maayos sa room namin.

"Hey!" Napatigil kami magkwentuhan ng lumapit samin si Oliv ng nakangiti.

"Ayan na pala sya, alis na ako baka malate ako sa major ko" paalam ko sa kanila.

Ayoko lang talaga iwan tong babae to na walang kasama ganun ako kabuting kaibigan.

---

Paakyat na ako sa lecture room namin ng napansin kong may dalang T-square yung kasabay ko sa hagdan.

"Kuya! Architecture student ka?" kalabit ko dun sa lalaking nasa harap ko.

Napaatras ako ng bigla syang lumingon saglit at nagsimula ulit maglakad paakyat. what duh? tinignan nya lang ako? for real? Gwapo sana kaso walang manners. Magsasalita pa sana ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Molly!" Si Sam, isa sa mga friend ko sa major subject ko. Samuel sa umaga, Samantha sa gabi.

"Nabalitaan ko nadissolve yung kabilang block kasi di sila umabot sa required minimum student."

Second week pa lang pero may na dissolve na agad na block?

"Bakit daw?" Tanong ko, kahit alam ko naman talaga yung problema.

"Yung iba lumipat ng school kaya yung mga natira nilagay sa block natin." Medyo hingal nyang sabi. Di ko sya masisi, medyo malusog syang tao tapos papaakyatin mo sa 5th floor gamit ang hagdan? Ewan ko lang, baka gumarduate tong payat.

"So may bago tayong mga classmate, may mga bagong papi, nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila Matt eh"

Natawa na lang ako sa sinabi nya, kahit kelan talaga ang harot harot nitong baklang to.

Pero kung di siguro dahil sa kanya di madagdagan mga friends ko, sinama nya kasi ako sa circle of friends nya. Okay naman sila pero di ko pa rin ipagpapalit mga bestfriend ko, never.

---

Puno na yung classroom pero wala pa rin yung instructor namin.

Nakatutok lang ako sa cellphone ko habang pinipigilan yung tawa ko kakabasa sa mga kabaliwan ng mga gaga kong kaibigan ng napansin kong may umupo dun sa katabi kong drafting table, pero di ko pa rin inalis yung tingin ko sa hawak ko.

"weird"

huh? Napaangat ako ng tingin. Tumambad sakin yung mukha ng lalaki kanina sa hagdan. Kung minamalas ka naman.

"excuse me?"

Tinignan nya lang ulit ako at bumalik na ulit sa pag aayos ng gamit sa table nya.

Pinagmasdan ko lang sya hanggang matapos nya isettle yung T-square at mga Triangles nya.

May itsura rin pala tong isang to kaya pala lakas ng loob mag feeling. Kumapara kay Calin, mas maputi sya. Kala mo kung sino, maputi ka lang!

"What?" taas kilay nyang tanong nang makita nya akong nakatingin pa rin sa kanya.

"He-he buti ka pa may dalang drawing instruments, ako wala" sabi ko sa kanya.

Nakalimutan ko kasi dalhin yung mga gamit ko kakamadali kanina. Kainis kasi yung Calin na yun, di ako pinatulog sa pagseen nya ng myday ko kagabi.

"Walang nagtatanong" sabi nya sabay lagay ng earphones.

what the heck!

-----

Please Follow, Like and Support my first Story.

Between LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon