Chapter 3

63 3 6
                                    

"Ayoko na" sabay punit ulit ng panibagong papel. Kanina ko pa sinosolve to pero hanggang ngayon di ko pa rin makuha yung sagot.

Nasa library ako ngayon dahil wala ang magaling namin prof at nag iwan lang ng seatwork.

Tumingin ako sa kabilang table, nakita ko si Noah. Parang easy easy lang sa kanya yung sinasagutan nya, samantalang ako?

Dahil nasa mood ako, nagdecide akong lumipat sa table nya para magpaturo.

"Paturo naman" nilagay ko sa harap nya yung notebook ko. "last number na lang naman eh"

"close ba tayo" inalis nya yung notebook ko na nakapatong sa papel nya.

"sige na" pamimilit ko sa kanya.

"bakit ba ang kulit mo?" halata yung inis sa boses nya.

"sige na kasi or bigay mo na lang yung sagot para di na kita guluh--"

Napatigil ako ng nahagip ng mata ko si Calin sa kabilang table kasama mga kabarkada nya. Paalis na sila nang napansin kong may nalaglag na itim na papel mula sa mesa nila.

Mukhang di nila napansin kaya agad akong tumayo sa kinakaupuan ko para pulutin.

Nakalayo na sila nang napulot ko yung papel. Tinignan ko yung itim na papel na hawak ko pero wala akong nakitang nakasulat.

Effort ko pang pulitin, scratch paper lang pala.

Dinala ko yung itim na papel sa upuan ko. Sayang rin naman kasi pwede ko pa gawing pangdesign sa scale model na gagawin namin this finals. Napakaresourceful ko!

"6 kasi dapat, not  4"

Di ata nakatiis sa katangahan ko si Noah kaya sya na nagsagot. Evil laugh. Tutulungan rin pala ako, pabebe pa.

"Cube has 6 faces"

"Salamat!" sabi ko habang tinataas yung notebook. Masaya ako dahil natapos ko yung seatwork namin!

"Ano 'to?"

Nakita kong hawak hawak ni Noah yung itim na papel na napulot ko kanina. Nalaglag ata nung tinaas ko yung notebook ko.

"Itim?"

"What I meant is para saan, di anong kulay"

Kahit kelan talaga walang tatalo sa kasungitan ng lalaki na yun.

--

Nasa tapat ako ng laptop ko habang ginagawa yung reviewer ko sa minors ng nalaglag at mapunta sa screen yung black paper kanina.

Nagulat ako dahil tumama sa papel yung light mula sa screen dahilan para makita kong may mga nakasulat. Wierd. Bakit ganito?

"Natalia De Guzman"

"Joyce Harison"

Binasa ko mga name na nakasulat sa papel. Para saan kaya to?

"Molly Elli--"

Di ko pa natatapos basahin ang pangalan ko ng biglang nagvibrate yung phone ko.

Noah Frances Suarez is waving at you.

Woah? Ano kaya kelangan nito.

At dahil marupok ako, nagwave back ako. Papatalo ba tayo?

send mo space requirements para sa design
seen  12:30am

Ayoko nga, close ba tayo?
sent  12:32am

Hinintay ko talaga mag 2 minutes bago ko isend yung reply ko. Ayoko isipin nyang special sya. Duh?

Number 10, Solid Mensuration Seatwork
seen  12:32am

Lakas din makasingil nitong lalaking to. Kung alam ko naman na 6 lang pala yun, di naman ako magpapaturo sa kanya. Kala mo naman!

Dahil sa galing nyang mangonsensya sinend ko din. Mahirap na baka makalimutan ko din ilang sides ng bilog, walang tutulong sakin.

You sent 2 pictures.
seen  12:35am

What the? Sineen nya lang ako? Hindi man lang marunong mag-thankyou! Konti na lang talaga mahahampas ko na to ng T-square.

---

"Visual Dictionary of a Architectural Student" bigkas ko sa hawak kong puting libro. Nasa NBS ako ngayon, mamimili sana ako ng mga tracing paper pati na rin sana ng drafting table ko kaso out of stocks raw kaya andito ako ngayon sa book section.

Linggo ngayon kaya medyo maraming tao, family time. Napangiti ako ng mapakla. Almost one month na rin pala yung last na uwi ko samin.

Five hours yung travel time mula samin hanggang sa University na pinapasukan ko ngayon kaya para iwas gastos at pagod, naghanap ako ng dorm na pwede kong matuluyan. Every other week lang ako nakakauwi samin kaya namimiss ko na din ang family ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Alone?"

I smiled, "Oo eh, ikaw?"

Di pa sya nakakasagot ng marinig kong may tumawag sa pangalan nya.

"Calin!" masiglang tawag nya habang kumakaway sa direksyon namin.

"Sinamahan ko si Joyce" sabi nya bago pa man makalapit samin yung babae.

Familiar yung name nya. San ko ba narinig yun?

Kung titignan, bagay silang dalawa. Di rin naman makakaila na maganda si Joyce. Halata mo sa kanya na inaalagan nya yung sarili nya.

Ngumiti na lang ako, tsaka lumingon ulit sa mga libro. Anong laban ko dun? may skin care routine yun samantalang ako, tamang hilamos lang minsan nakakalimutan pa dahil sa mga plates namin.

"I said I like you!"

Galing ako ng cr at pabalik na sana sa table namin pero napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ko si Joyce na umiiyak.

Nasa fast food chain kami ngayon. Niyaya nila ako kumain at dahil ayokong masolo ng bruha si Calin, pumayag ako.

Nalaman ko kasi na di pala sya girlfriend ni Calin. Civil Engineering din ang course nya, magkaklase sila at kelangan nila bumili ng materials para sa experiment na gagawin nila bukas sa major nila.

Nasa may bandang dulo kami ng hall nakapwesto at konti lang ang taong kumakain, kaya siguro di masyadong naririnig ng iba yung pag iyak ni Joyce.

"Sorry"

Iyon lang ang narinig kong salitang lumabas sa labi ni Calin.

Sa tatlong taon kong pagkakagusto sa kanya, normal na sakin na may marinig na balitang may nagtatapat sa kanya. Pero iba ngayon, first time ko na encounter yung live action.

Humihikbing lumabas si Joyce ng chain dahil sa sinabi ni Calin. Umupo agad ako sa katapat kong table para di nya ako makita.

Nang lumingon ulit ako sa table namin, nakita kong may kinakausap si Calin sa phone nya. Sakto lang yung layo ng kinakaupukan ko ngayon para marinig yung mga sinabi nya sa kausap nya.

"Cross-out nyo na si Joyce" nakangiti nyang sabi.

"Who's next?"

Dahan dahan akong tumayo sa kinakaupuan ko para makalayo sa kanya ng di gumagawa ng ingay.

Not because of what happened to Joyce, kundi dahil alam ko kung sino yung next sa list.

"Molly Ellise Grey"

-----
Please Follow, Like and Support my first Story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon