"Tigilan mo na nga yang libro ko, ginagawa mo na namang coloring book." hinila nya sakin yung libro.
"Kung tinuloy mo lang din sana business course edi sana sabay tayo nagrereview ngayon."
Nasa room kami ngayon kakaalis lang ng prof namin sa literature kaya nagrereview si Oliv. Hirap talaga ng may matalinong kaibigan.
"Naiinis pa din ako dun sa Noah na yun" pinunit punit ko yung papel na hawak ko.
Nalaman kong Noah pala name nung masungit na lalaking katabi ko kahapon. Madapa sana sya bwesit sya.
"Kung si Calin ba gumawa sayo nun maiinis ka din?" sinara na nya yung libro. Alam nya kasing di na sya makakapagreview pag nagkwento na ako.
"Syempre hindi!" sabi ko sabay sulyap ko sa kabilang row ng upuan kung san nakaupo si Calin kasama yung mga barkada nya.
"tsaka never naman nyang gagawin yun kasi mabait sy--" napatigil ako sa pagsasalita nung lumingon din sya sa direksyon ko. Umiwas agad ako ng tingin, nakakahiya.
---
Nasa pila kami ngayon para bumili ng pagkain, nang makita ko si Noah.
"Mas masarap yan pag may veggi" sabi ko sa kanya ng dumaan sya sa harapan ko bitbit yung tray nya.
Huminto sya maglakad sa harap ko.
"You think so?"
tumango lang ako.
"well, wala ulit nagtatanong"
then he walked away, naiwan akong inis na inis. Konti na lang talaga mapapatay ko na yung lalaking yun ugh.
Napatigil ako sa pag iisip ng masama nang may marinig akong tumawa sa likuran ko.
"Calin?"
"LQ?" sabi nya habang nakangiti sakin sabay kuha ng tray na dala ko.
"Ako na" insist nya.
Gentleman talaga nitong mahal ko.
"Di ko alam, pinagpalit mo na pala ako"
---
Kakaisip sa sinabi ni Calin kagabi, di ko nagawa yung plate ko, kaya ngayon di ako pumasok sa minors ko at dumiretso sa 5th floor para gawin yung plate na binigay ng instructor namin kahapon.
Naghanap ako ng bakanteng drafting table. Maaga pa kaya konti pa lang tao at higher years lahat ng nakikita ko. Nilibot ko ang mata ko hanggang may makita akong familiar na mukha.
"Hey!" tawag ko sa kanya. Tinignan nya lang ako. Wala talagang manners.
Sipag pala nitong taong to. Naalala ko yung mga narinig kong kuwento about sa kanya.
"Pogi ni Noah ano?" rinig kong sabi ni Ysa, isa sa mga kaibigan ni Sam.
Nakaupo ako sa malapit sa kanila kaya naririnig ko mga pinag uusapan nila.
"Mamaw pa, sabi nung isang classmate nya dati sa kabilang block perfectionist daw yan." dagdag nya pa. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa narinig ko sabay tingin sa table kung nasaan si Noah.
Napatingin sya sa direksyon namin kaya nakita nya akong nakatingin sa kanya. Nagulat ako nang bigla nya akong inikutan ng mata.
Kalma Molly, kalma. Di ka na minor kaya pwede ka ng makulong.
"Di daw sya nagpapass ng plates nya kapag panget yung drafting nya or di kompleto yung mga modules at labels nya."
"Talaga? sarap naman nyang gawing boyfriend. Pogi na, may taga label ka pa sa plates mo" pareho silang tumawa.
Nagmake face na lang ako sa mga narinig ko. Seriously?
Inayos ko na yung tracing paper sa table ko. Nakagawa naman na ako ng bubble diagram kagabi kaya idadraft ko na lang yung plano ko.
"Nagfirewall ka?" Tanong nya sakin. Magkatabi lang yung drafting table namin kaya nakita nya siguro yung floorplan ko.
"Oo, maliit lang kasi yung given space. Ayoko naman ilagay sa gitna ng lot yung building ko."
Tumango lang sya at bumalik na sa pagdadraft nya. Di ko na pinansin, Ayoko masira araw ko.
Magkakalahati na ako sa ginagawa ko nang napansin kong nililigpit ni Noah yung mga gamit nya. Tapos na siguro sya, mamaw talaga.
Akala ko aalis na sya pero umupo ulit sya pagkatapos nyang nilagay sa cannister nya yung plate nya. Natulog pala.
Magla-lunch na nung natapos ako sa pagdadrawing. Nagising na din si Noah, siguro dahil sa ingay ng mga gamit ko. Nililigpit ko kasi.
"Sakit ng likod ko"
Grabe ilang oras akong nakaupo at nakayuko. Baka kuba na ako pag graduate ko sa course na 'to.
"Aling likod mo?"
"Huh?"
Nasa hagdan na sya nung narealized ko yung sinabi nya. Ugh! demonyo talaga yung lalaking yun!
-----
Please Follow, Like and Support my first Story.
BINABASA MO ANG
Between Lines
Novela Juvenil"Chasing the wrong people means running away from the right ones." -- Ellise Please follow and support my first story ever. Thankyou! Send loves. yourjinx_