I turned around to look at Drake. May gasgas yung kamay nya but I didn't see any blood. Or meron atang konti. Shocks. Malapit na sya so yumuko na ko pera nag-aabang sa kung ano ang gagawin nya.
Wala.
Tumabi sya sakin. Hindi ako sinakal. Hindi ako sinabunutan. Hindi ako kinonyatan. Walang saksak.
Hindi rin sya nagsasalita. Naka-titig lang sa pagkain. Kumakain lang din ako, at pasulyap-sulyap sa kanya pero nakakailang na hindi sya umiimik.
Maya-maya, bigla ba namang kumain ng sobrang bilis. Hindi na ganun kaseryoso yung mukha nya. Away-away muna. Ang lakas kumain ng loko. Parang galing sa gyera. Well, in our situation, galing talaga kami sa war.
After the dinner
Yza went at our table para magpicture.
"Smileee!"
Then nag-stay na sya sa table namin kasi kami yung last. She saw Drake's right hand.
"Drake! What happened to your hand?"
Lumingon sakin si Drake. Then he stared. He talked to Yza while staring at me. I held his gaze.
"Itong best friend mo na kinuha lahat ng chicken gusto ata akong patayin."
"Kahit kunin ko pa ang chicken ng lahat ng taong katable natin, mas marami pa rin yung pagkain na nasa plate mo. And hey, dalawa lang yung kinuha ko. Kinain mo ng buo yung pangatlo, diba?" I said with a smile.
"Okay enough," Yza said but she is laughing. "Bagay talaga kayo Drake kasi ikaw lang nagpadaldal dyan kay Khaye. Ang hinhin nyan tapos dahil sayo naging fierce. Taray!"
"Pwede ba? I-pierce kita dyan e."
"Yan mahinhin? Wala sa hitsura. Parang lalaki e. Parang yung mga tambay na nakikipagsapakan."
"Oops tama na," Yza said. "Drake, since it's my birthday, can I ask you a favor?"
"Sure. Wag lang makipagbati dito kay Kheyngkoy."
"Ihatid mo sya pauwi. Please. Sa condo kasi kami mag-sstay ngayon e."
"Magtataxi nalang ako Yza. Ano ka ba?!"
"Ok lang sakin," Drake said with an evil smile.
"Ayoko. Mamaya pagsamantalahan mo pa ko no!"
"I trust Drake, Khaye. Favor, magpahatid ka na. Para magka-ayos na rin kayo. I have to go na."
"Hey! Yza!" Whaaaaaat. Babaeng yun talaga.
"Hoy Bato. Wag mo na kong ihatid. Sasabay nalang ako kay Jas."
"Umuwi na e," He said while smiling. "Gusto mo magjeep ka nalang para maholdap ka. Or better, magtaxi ka para makidnap ka."
Maayos naman tong lugar kaya lang malayo ang sakayan ng jeep. Tama rin sya, baka maholdap ako. Mukhang kailangan kong makisama sa kanya. Hays.
"Sige una na ko ha. Wag ka mag-alala, sasabihin ko kay Yza na nakidnap ka pag di ka pumasok tomorrow para naman mapahanap ka nya."
"Wait! Oo na sasabay na ko. Nananakot pa e."
"Good."
At his car
"Sana pala nagdala ako ng pepper spray. Mamaya may pampatulog ka dyan-"
Tinakpan nya yung bibig at ilong ko ng panyo. Pumipiglas ako pero ang lakas nya. Hindi ako humihinga para di maamoy yung gamot sa panyo. Nagdesisyon ako na maghimatay-himatayan para pag akala nya tulog na ko, makakatakas ako.
Binitawan nya ang panyo at ang ulo ko. Nauntog ako sa bintana. Tatakbo na sana ako ngunit bigla syang tumawa ng malakas.
"Hoy di ka magaling umarte. Walang pampatulog yung panyo ko. Kung ikaw rin lang ang pagsasamantalahan, wag na lang."
Hinampas ko sya sa braso. "Hindi kaya nakakatuwa! Ano bang problema mo sakin ha?! TANTANAN MO NA KO PLEASEEEEE."
Di sya sumagot. Nagdrive lang as if walang nangyari. Bakit ganito ugali nya? Tumingin ako sa bintana, naluluha. Siguro tama nga si Yza. Na mahinhin ako at maramdamin. Kilalang kilala nya talaga ako.
"Hey. San ba yung bahay nyo?"
Huminga ako bago sumagot. I don't want him to know na I'm crying. I don't want to show to him my vulnerabilities.
"Sa next intersection. Kumaliwa ka and then bababa na ko. Wag mo na ko ihatid sa mismong house namin."
"No. Hatid na kita. Baka kung ano pa mangyari."
"Wag na. Yung kagaya mo nga kinaya ko e. Marami naman akong kakilala."
"Sorry."
He stopped the car. "Sorry," sabi nya ulit. "Please stop crying."
And maybe because I got tired on everything that happened today, I cried. I looked at him. He looked concerned. I wiped my tears.
"Okay lang. Pero next time, sasapakin kita para makabawi," I said and forced a smile. Hindi sya tumawa or ngumiti. He still looked serious.
"Okay. So san na yung bahay nyo?"
Final destination
"Thanks," bababa na sana ko But I saw his right hand. Bukod dun sa pagkakagasgas sa tinidor, parang nadagdagan. Nagdugo yung isang line. Kanina siguro nung tinakpan nya mukha ko ng panyo.
"May pang-gamot sa bahay. Gusto mo muna pumasok?" I know he would say no.
"Sige. Kasalanan mo rin naman to e."
What. Inaantok na ko e. Akala ko tatanggi ang loko. Pumasok kami sa bahay at pinaupo ko muna sya sa sala habang kumuha ng alcholol. ALCOHOL. Syempre may bulak rin. Tignan natin ang pagkalalaki nito.
"Surpriseeeee!" Nakangiti kong sabi habang tinaas ang alcohol at bulak.
"Seriously? Pinapasok mo pa ko e marami namang alcohol at bulak sa bahay. Uwi na ko."
"Sabihin mo takot ka sa alcohol. Sabi ko na nga ba e. Una, pumapatol sa babae. Pang-"
"Ikaw pa mag-lagay. Ibuhos mo pa lahat yan."
Galit nanaman. "Sure. Pag di ka naman tumili, may surprise ka sakin."
Hinawakan ko kamay nya. Ang kinis. Binuhos ko ang alchohol sa kamay nya. Hindi umilag. Hindi tumili. Hindi ako sinampal.
"Naks. Edi ikaw na strong. Ayos na nga," gumamit na ko ng bulak.
"O, nasan na yung surprise?"
"May chicken dun sa kusina. Bilisan mong kumain inaantok na ko."
Nahiga ako sa sofa sa sobrang pagod. Ang daming nangyari. Lagot sakin bukas si Jas, siguro inutusan yun ni Yza na iwan ako.
Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa nakatulog na ko.
BINABASA MO ANG
The Sparks
Teen FictionWhat will happen when you meet someone na may ugaling sobrang kaaasaran mo, na unti-unti ka ng mafafall sa kanya? Sparks na yan <3