Chapter 1- The Stranger

14 0 0
                                    

Nagpunta ako sa kanto para mag-abang ng taxi just to find a bunch of people waiting for taxi, too. Ok lang, I thought. Maaga pa naman e.

3:29PM

May mga nakasakay na ng taxi pero ako nandito pa rin. And take note, nadadagdagan pa ang mga nag-aabang. Nangawit ako sa kakatayo so nag-step-step ako para hindi mangalay. Step to the left. Step to the right! Until-

"Aray!"

OMG. May naapakan ako. I turned around. OMG 2x! A tall, handsome guy is standing in front of me. Well, pinupunusan nya yung sapatos nang hindi umuupo habang nakakunot yung noo dahil sa sakit ng pag-kakaapak ko sa kanya.

"Sorry kuya. Nangangawit na kasi ako kaya palakad-lakad ako."

"Ah. Ge."

Ge daw. Yun na yun? Walang, "Ok lang" sabay smile? Pretty naman ako ha. Naka-dress pa nga e. Bakit kailangang supladuhan? Nakapang-formal sya at punas pa rin ng punas sa sapatos. Ang suplado. Check na sana e. Nako.  Baka mamaya friend to ni Yza. Pero siguro college student at mag-dedefense lang.

"Taxi!" Tumakbo ako papunta sa taxi dahil nga nangangalay na ko. Bubuksan ko na sana ang pinto pero kamay ang nahawakan ko. Si Supladito. Aba, makikipag-unahan pa ata.

"Miss nauna ako. Kailangan ko na umalis."

"Sorry? Nauna ako. And kailangan ko na rin umalis. Nako naman, kay lalaki mong tao. Basta sasakay na ko"

"Sige ba."

Akala ko tatantanan na ko ni Supladito. Pero sumakay ang loko. Ano to, feeling close sakin?

"Bakit ka sumakay? Ako nga ang naun-"

"Manong sa XT Hotel po. Sa tapat ng E mall."

"Hala. Dun rin ang punta mo? Friend ka pala ni Yza e. Pano mo nalaman na dun din ako? Kilala mo ba ko?"

No response. Nag-earphone ang supladitong mayabang na hindi naman gwapo. (Binabawi ko na yung sinabi ko kanina)

Ang sungit nito mukha namang piniritong bato.

Nang malapit na kami sa XT Hotel, bigla syang nagsalita. Habang nagsasalita sya, naisip ko na hindi ko rin sya papansinin.

"Hoy hati tayo ha. Diba dapat pantay pantay lahat? Kaya kahit babae dapat nagbabayad din."

Ang gentleman nya diba? Hindi ko rin sya pinansin at may plano ako na tumatakbo sa isip ko. Tumatakbo sa isip ko. Tumatakbo. Tatakbuhan ko sya. Hindi ako magbabayad. Sana kulang pera nya para yari sya kay manong.

The SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon