Chapter 3- Food Wars

10 0 0
                                    

"Hey," sabi ng katabi ko. Hindi si bato ha. "Ang pretty mo naman sa dress mo Khaye. Parang terno pa kayo ni Yza."

"Uy Jas. Ikaw pala yan. Thanks. Ikaw rin kaya. Buti naman katabi kita."

"Kanina pa nga ko walang kausap. Sila Aliza kasi nasa ibang table. Nakakahiya naman pag pumunta ako dun."

I saw tita Anna, Yza's mom. She smiled and then walked towards us.

"Jas and Khaye. How are you?"

"Hi tita. We're doing good naman."

Tumingin sya sa tabi ko. Yeah, kay Drake Fried Stone. "Drake! Ikaw pala yan."

"Hi tita," tumayo sya at kiniss si tita sa cheeks. "I'm enjoying the place so far. Can't wait to get to the foods, though," He said with a smile.

Kung hindi mo sya kilala, at kung walang gyerang nangyare samin kanina, you'd think na napakasweet nyang tao. He flushed his smile with enough charisma. A smile that is not too childish nor too shy.

"Matatapos na ang 18 roses. Then we can get to the food," Tita Anna smiled at Drake. "16th ka right? Better prepare."

Umalis na si Tita Anna to entertain the other guests. Nag-CR si Supladito, mag-mamake-up ata.

"Khaye. Kilala mo yung katabi mo? Ang pogi noh?"

"Di naman. Tapos hindi pa gentleman. Nadapa kaya ako kanina dahil hinahabol nya ko. Tapos iniwan lang ako sa lapag!"

Jas laughed. "What happened? Pero mukhang may something na ata kayo. Di ko na sya crush. Iyo na sya," she said while smiling.

"No way. Iyong iyo sya. I don't like the kind of people who do not respect girls."

"Okay girl. Easy."

16th Rose

The 15th rose guy passed Yza's hand to Drake and left. Drake handed his rose to Yza. They danced. Sa totoo lang, bagay sila. Maganda si Yza and yes, I'll admit it, gwapo si Drake. They were talking at first pero puro smile nalang sila at sayaw hanggang matapos.

17th Rose

I saw Drake mouthed the words, "Happy Birthday!"

He kissed Yza, and then handed her hand to the next guy. It was Tom. The one who helped me. Diba usually yung 18th rose ay yung dad nung debutant kasi yun yung pinaka-special na lalaki sa buhay nya. So ibig-sabihin, special si Drake at Tom sa kanya.

Mabait si Tom. I know na kakakilala ko lang sa kanya. Pero halata mo naman kung mabait ang isang tao o hindi. Gwapo rin sya. Mas gwapo sya ng di hamak kaysa kay Drake.

Ano to? Sabi ko sa isip ko. Nagkakagusto na ba ko sa kanya?

"Hey ano ba," kanina pa pala ko kinakausap ni Jas.

"Sorry friend. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Oh my god. Kanina pa ko nagkkwento wala kang narinig? Tara nga kumain muna tayo. Gutom ka na."

The Foods

Nakapila kami ni Jas, nasa likod nya ko. Maya-maya, dumating si Drake at kinausap si Jas. Feeling close talaga.  "Hi miss. Pwede ba makisingit? Kanina pa kasi ako nagugutom e."

"Sige ayos-"

"Hindi pwede." Napalingon silang dalawa sakin. "Hindi pwede. Hindi lang kami ni Jas ang nakapila rito. Maraming kanina pa nakatayo tapos ikaw sisingit lang?"

"Hayaan mo na Khaye. Mabilis lang naman eh."

"Oo nga. Ang damot mo talaga e no. Edi dyan ako sa likod mo. Sabihin mo lang na ayaw mong maunahan ka e."

Pumunta sya sa likod ko. Walang nagalit. Kanina rin sumingit ako sa entrance at walang nagalit. Ang babait naman ng mga tao rito.

"Carbonara ma'am?"

"Yes kuya. Padamihan kasi di ako mag-ririce. Thanks."

"Pero mamaya kukuha rin yan ng kanin. Takaw mo."

Tumawa yung nagseserve dahil sa sinabi ni Drake. Lumingon ako patalikod. Punong-puno yung plate nya ng mga pagkain, tapos ako yung matakaw?!

"Khaye konti nalang tong chicken bilisan mo!" Jas said.

Nagmadali ako pumunta sa chicken station kasi carbonara at chicken lang ang balak kong kainin. Tapos puro chocolate cake na. Tatlong chicken nalang yung natira. Nilagay ko sa plate yung dalawa. Nang tutusukin ko na yung pangatlo, nagkatamaan ang tinidor namin ni Supladito.

"Hep-hep. May dalawa ka na. Wag masyadong matakaw. Matutong mag-bigay," sabay tusok sa chicken habang nakatitig sa akin.

"Kahit sampung chicken pa ang kunin ko, wala pa yun sa kalahati ng mga pagkain na nasa plato mo," sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi rin ako lumingon para itusok ang aking tinidor.

Parehas nakatusok yung tinidor namin. Nagsimula kaming maghilahan. Hila to the left. Hila to the right! Then hinto ulit sa gitna. Yung mga tao nilalagpasan lang kami. Nakita ko si Jas tawa ng tawa samin habang kumakain. Nasa table na sya.

"Chicken lang to. Ibigay mo na. Kanina pa ko gutom. Baka ikaw ang makain ko," sabi nya. Habang nakatusok ang tinidor, tinaas nya ito at sinaksak ulit. Napataas rin ang kamay ko dahil nakatusok rin ang tinidor ko. Hindi kami tumitingin sa chicken. Titigan war ito.

"LA-LA-KI ka ba talaga? GUTOM RIN AKO KAYA TANTANAN MO NA KO!" Hinila ko rin ang tinidor ko kaya lang natanggal ito sa pagkakatusok. Kaya nun sinaksak ko na ulit, kamay ni Drake ang natusok. Sisigaw sana sya ngunit kinamay ko ang chicken at pinasok sa bibig nya.

Nagmadali akong tumakbo papuntang table. Oh my God bakit ang daming nangyayari today.

"Khaye muntik na kong mabilaukan. HAHAHA. Bakit mo naman sinaksak? Chicken lang yun, edi sana binigay ko nalang sayo tong akin."

"Gaga. Hindi ko sinasadya. Ewan ko. Basta pag umupo dito tulungan mo kong sabunutan pag may balak na saksakin ako ha. Ayaw ko pa mamatay."

"Haha. Kumain ka na nga."

The SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon