Chapter 7- Hanging Out

4 0 0
                                        

Nakarating na kami sa mall. Lahat kami ay napagkasunduan na Annabelle nalang ang panoorin. We bought foods- fries, chips, pizza & burger. Walang popcorn. 'Di kami mahilig sa popcorn except Drake. But since sya lang ang maiiba, hindi na rin sya bumili.

We entered the theater, as usual, madilim pagpasok pero nag-adjust din naman agad ang vision namin. Sa gitna kami pumwesto. Katabi ko si Yza, nasa kaliwa ko sya, then sa kanan ko naman si Tom. Nasa dulo sa kaliwa si Drake, katabi ni Yza.

"Kapag natakot ka Yza, just feel free to hug me," Drake said. Landi.

"No thanks. Di ako matatakutin. Pero pag nagulat ka, wag kang tumili. Kagatin at kurutin mo nalang itong braso ko," Yza said while laughing.

"Matatakutin ka pre?" Tom asked.

"Nag-papaimpress ka pa ikaw pala tong matatakutin," I said.

"Sabihin mo wala ka lang mayayakap dyan pag natakot ka, nandito kasi ako sa dulo," Drake said.

"Manahimik ka piniritong bato," I said. Yza and Tom laughed.

"Haha. Bakit piniritong bato? Pero don't worry, Khaye, pwede mo kong yakapin pag natakot ka," Drake said.

"Si Yza nalang yayakapin ko. Lalandi nyong dalawa kalalaki nyong tao."

"E sis, bakit nga piniritong bato?"

"Tignan mo nga sya. Di nyo ba mahalata? Ang yabang kasi nyan nung birthday mo, feeling gwapo."

"Hoy ang ingay nyo magsisimula na yung palabas," sabi ng nasa likod namin. Nagtawanan kami at tumahimik na.

So far, nasa kalagitnaan na nung movie, pero wala pa namang hinihimatay samin. Nakayuko yung mukha ko sa balikat ni Yza. I had this bad habit, watching a scary movie tapos matatakot at yuyuko, but then sisilip pa rin.

Ako lang ata natatakot, normal lang kasi yung tatlo. Nakatitig sila sa screen. Umayos ako ng upo at lumapit kay Yza. Then I whispered to her.

"Tingin ka lang sis. Gugulatin ko tong si Drake."

"Go," she said.

So para akong baliw na giraffe, paunti-unting tumataas ang leeg at katawan. Buti di ako nakakaharang sa nasa likuran.

Hinawakan ko si Drake sa batok at sumigaw. "BWAHHHHHH!!!"

Nakatitig sya sakin. Hindi nagulat. Di ko pansin na nakaupo na ko sa armrest namin ni Yza. Nakadress pa ko nakakahiyaaaa. Pagtingin ko sa kanan, nakatingin sakin yung mga tao sa harap namin. Ganun din sa kaliwa.

"Miss kanina ka pa ha. Irereklamo na kita."

Pahiya ang lola nyo.

"Sis, ayos ka na ng upo..."

So umayos na ko ng upo. Nakakahiya talaga

"Khaye," he called me. "Nakakagulat ka."

He said and the 3 of them laughed. I eyed Yza, but she just shrugged. Sa sobrang hiya ko, nagtakip ako ng panyo sa mukha para matulog nalang throughout the movie. But Tom removed it.

"Hey," he said while smiling.

"Ayoko na manood nakakahiya. Ikaw rin, you laughed at me!"

"Wag ka na mahiya. You looked cute while sitting on the armrest tapos nakapoker face ka pa."

I smiled.

Sa wakas, tapos na rin ang movie na naglagay pa sakin sa kahihiyan. We decided to eat dinner. On the way to the restaurant, inaasar nila ko. Pero mostly, si Drake ang satsat ng satsat.

"Buti wala akong sakit sa puso, kung meron baka patay na ko sa sobrang gulat."

"Sayang naman," I said.

"Guys enough na. Mamaya mag-away nanaman kayo."

"Tara order na tayo," Drake said. Tinawag nya yung waiter.

"Lasagna at Carbonara yung akin. Then chocolate cake. Mango shake yung drinks. Thank you," sabi ko sa waiter.

"Takaw nito. Ganun nalang din yung akin," Drake said.

"Gaya gaya ka talaga."

"Ganun nalang din yung atin Tom," Yza said.

"Sure."

"Four orders of Carbonara and Lasagna. Plus chocolate cake, and mango shake for drinks. Wait lang po Ma'am and Sir ha," he said then left.

"I enjoyed the movie naman so sagot ko na yung bayad," Drake said.

"Thanks Drake!" Yza said.

"Thank you bro," Tom said.

"Buti di ka na kuripot," sabi ko.

"Is that your way of thanking me?"

"What do you think?"

Sasagot pa sana si Drake but Yza interrupted.

"Khaye, san nga pala gagawin debut mo?"

"I don't know pa e. Pero gusto ko sa Eastwood."

"Oy sama ako ha," Drake said.

"FC ka talaga. Ininvite ba kita?"

"Sus. Damot naman nito. Di pa kasi ako nakakapunta sa Eastwood, e sabi ng mga pinsan ko maganda daw dun."

"May kotse ka naman. Punta ka na ngayon," I said and they laughed.

"Edi wag. Basta punta ka pa rin sa Batangas next month. Yza pinayagan ka na diba?" Yza nodded. "Tom sana ka na din pre."

"Sure."

"50 days pa bago yung sa Batangas diba? Nagpaalam na ko. Pumayag si Mama."

And then we ate.

Since wala naman kaming balak bilhin sa mall, umuwi na kami after kumain. Hinatid nila ko, then umalis na sila. I thanked them.

Sa sobrang pagod, pagkabless ko kay Mama, nagpunta na ko sa kwarto ko. Then naalala yung panaginip ko. I was with someone, watching the sunset. Pero di ko maalala yung face nya. Pati yung boses di ko rin matandaan. I fell asleep trying to remember his face but I failed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon