Chapter 02

31.4K 719 72
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 02]

(WARNING: The following scenes in this chapter contains written depiction of attempted abuse and sexual violence, which are not suitable for young or sensitive audience. If you still insist to continue reading this chapter, it'll be implied by default that you have agreed that the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading session.)

><><><><><><

NANATILI lamang ako na nakayuko at hindi makatingin ng diretso kay Tita Kaycee habang nandito kami sa loob ng bahay nila Clive. Pagpasok namin ay unang bumungad sa'min ang salubong na kilay ng Mommy niya habang nakapawemang ito, na mas lalong ikinabahala ko.

"Clive, halika ka nga ritong bata ka." Napalingon ako kay Clive na kasalukuyang kinakalikot ang hawak niang phone. Ibinaba niya ito sa table bago tumayo at lumapit kay Tita Kaycee.

"Ano bang naisip mong bata ka at bakit nagdagdag ka pa ng palamunin dito? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong layuan mo na 'yan? Ano bang nasa kokote mong bata ka at bakit dinala mo pa 'yan dito?!" Iritableng bulong ni Tita sa kaniya. Ngunit kahit mahina ang boses nila ay rinig na rinig ko mula rito.

Napakagat na lamang ako ng labi at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, na siguradong hindi ako tatanggapin ng Mommy ni Clive sa bahay nila. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa bag kung saan nakalagay ang mga damit ko, at pilit na pinapatatag ang sarili ko.

Kailangan kong magpakatatag! Para sa akin din naman 'to.

"Pero Mommy, sandali lang naman siya rito. Tsaka, I know na kapag nakahanap na siya ng matutuluyan, aalis na din siya dito." Hinawakan ni Clive ang kamay nito. "Kaya please, Mommy. Accept him here kahit ilang araw lang!" Rinig kong pakiusap ni Clive sa Mommy niya.

Nanatili lamang akong nakayuko at hindi gumagawi ng tingin sa kanila. Nabuo ng katahimikan ang buong silid at matapos ang ilang saglit, narinig ko ang mga yapak ni Tita Kaycee papalapit sa akin, kaya unti-unti akong napatingala at sumalubong sa akin ang galit nitong mukha.

"Ikaw," Napakislot naman ako sa gulat nang dinuro ako nito. "Sige. Pagbibigyan kitang tumira dito, pero tatlong araw lang! Alam mo kung ga'no kainit ang dugo ko sa inyo ng stepfather mo, 'di ba? Kaya sa tatlong araw kung hindi ka pa makakakita ng bago mong tutuluyan, I have no choice kun'di ako mismo ang magpapalayas sa'yo. Kuha mo?"

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon