Chapter 10

16.4K 648 18
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 10]

><><><><><><

NANATILI lamang ako na tulala at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang lumandas ang mga luha sa aking pisngi at muling dumaloy ang kaba sa buong katawan ko.

"P-Please p-po, k-kuya! G-Gagawin ko a-ang lahat, b-basta't  h-h'wag niyo lang akong i-ibenta... Please!" Naiiyak kong pakiusap.

Ngunit nag-matigas sila at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Wala ka nang magagawa, bata. Ikaw na ang nahuli namin, kaya ikaw ang ibibigay namin kay Boss. Wala ka nang kawala sa'min."

Napahikbi na lamang ako dahil sa kaniya at napayuko. Mukhang wala na talagang pag-asa para makaalis doto at ito na talaga ang nakatadhanang mangyari sa'kin.

Minsan hindi ko maiwasang mapa-isip, na kung kailan nakawala ako sa kamay ni Tito Eric at ng demonyong si Kenji, saka pa nangyari ang lahat ng 'to. Una, ang panloloko sa akin ni Kenji, pangalawa naman ang pagkaka-kidnap ko, at ngayon iba-bargain ako sa mga taong hayok sa laman.

Napayuko na lamang ako at napahikbi, dahil tila sumagad na sa sukdulan ang kamalasan ko sa mundo. Nakalimutan na ba ako ng Diyos? Hindi ko alam, pero pilit pa rin akong naghahanap ng kasagutan sa nag-iisa kong katanungan na 'Ano ba ang kasalanan ko at bakit pinagdurusahan ko ang lahat ng 'to?'

"Malapit na raw matapos ang auction. Pinapapunta na tayo ni boss doon." Rinig kong pahayag ng isang lalaki at napahinto naman sa pag-kain ang isa pang lalaki dahil sa sinabi ng kasamahan nito.

Tumango ito at lumapit sa akin. "Hahayaan ka naming maglakad ngayon. Pero sa oras na magtangka ka pang tumakas, hindi lang bugbog ang aabutin mo. Naiintindihan mo?!" Pagbabanta niya sa akin.

Sa sobrang takot ay napatango na lamang ako. Muli itong lumapit sa akin at kinalas ang mahigpit na tela sa paa ko. Napalingon ako sa kasamahan niyang lalaki at pansin kong may kinakausap na ito sa telepono.

Doon ay nakaisip ako ng plano. Matapos kalagin ng lalaki ang pagkakatali ko ay mabilis kong sinipa sa mukha niya at tumilapon ito sa sahig.

"PUTANG INA!" Sigaw pa nito at bumagsak sa sahig.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumayo. Akmang tatakbo ako palabas ng kwarto nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng isa pang lalaki sa buhok ko. Tuluyan na akong nanghina nang muli niyang suntukin ang sikmura ko, at napahawak na lamang ako sa tyan ko at napalunod.

Sa sobrang sakit ay napapikit na lamang ako at napaluha. Unti-unti akong lumingon sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang tutukan niya ako ng baril.

"Sige, subukan mong tumakbo ngayon at sasabog 'yang ulo mo!" Pagbabanta niya. Kumabog naman ng mabilis ang puso ko sa takot at kaba at mabilis na napailing.

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon