Chapter 44

9.8K 421 153
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 44]

><><><><><><

NAGULAT naman ang dalaga sa narinig at namula dahil pigil na pigil itong mapatili nang hindi na maitago ang labis na kilig. Sa katunayan, kagabi pa iniisip ni Rachel ang mangyayari ngayong gabi at dahil malapit na kaibigan ng dalaga si Jay kaya tumutulong na rin siya sa pag-aayos.

Mabilis naman niyang hinabol ito. "Seryoso po ba kayo, Señorito?" Nag-aalangang tanong nito nang maabutan ang boss niya, 'cause she never had a chance to witness her Señorito cooking a dish dahil sila ang madalas na nagluluto ng pagkain para dito. "I-I mean, marunong po kayong magluto?"

Tumango naman ito habang naglalakad. "Of course, Rachel. Just because I am the boss in this mansion doesn't mean I have no skills in culinary. Perhaps you have never saw me cooking before, well now this time you will." Tugon nito at muling kinindatan ang dalaga bago pumasok sa loob ng dirty kitchen, leaving her puzzled.

Nang makarating sa loob ay dumiretso ito sa mga kitchen cabinets at fridge upang maghanap ng mga ingredients na gagamitin bago niya sinimulan ang pagluluto. Pinapanood lamang siya ng ilang mga maids sa loob ng dirty kitchen after he rolled up his sleeves at sinuot ang isang pulang apron bago sinimulang nagluto.

Hindi ugali ni Keith ang magluto para sa isang tao, ngunit tila lahat ng 'yon ay nabago when he met his sweet mimosa. Kaya habang nanghihiwa ito ng sibuyas ay hindi pa rin maalis-alis ang ngiti nito sa labi.

Sa isang tabi naman ay ang tatlo maid na nakamasid sa kaniya. "Grabe, ate Rachel. Ngayon ko lang nakita si Señorito na may suot na apron. Ang gwapo talaga niya!" Kinikilig na bulong ni Maria. "Ang swerte nga ni Jay, noh?" Dagdag nito na ikinatango ng dalawa.

"Tsaka tignan mo, teh. Mukhang excited si Señorito ngayong gabi, kanina pa nakangiti. Ngayon ko lang nakitang nagluto si Señorito ng pagkain." Ang singit naman ni Alex, isa sa mga beking maid.

Napatango na lamang si Rachel matapos tikman ang niluluto nito. "Grabe, korek kayo d'yan mga teh. Kagaya nga ng sinasabi nila 'di ba, 'The way to a man's heart is through his stomach' kaya no wonder pinagluluto ni Señorito si Jay tonight para tuluyan nang mahulog ang lola Jay ninyo! Nakakaloka!" Kinikilig na tugon ni Rachel at nagsitilian silang tatlo.

Napalingon naman si Keith sa kanila ng may kunot sa noo at mabilis silang nanahimik. Kaya napailing na lamang ito bago muling ibinalik ang atensyon sa paghihiwa.

"Grabe, biruin mo 'yon. Aba'y akala ko talaga wala nang makakabihag sa puso ni Señorito, pero tignan mo nga naman dumating lang ang lola Jay ninyo gan'yan na siya kung makangiti! Iba talaga ang charisma ng lola ninyo!" Mahinang bulong ni Alexa at muli silang nagtilian.

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon