Chapter 05

17.1K 665 25
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 05]

><><><><><><

"HI, KUYA!" Pamungad ni Clive sa bartender na nasa harap namin. "Isa nga pong vodka, 'yung matapang, please. 'Yung sa sobrang tapang kayang ipaglaban ang isa d'yan." Gumuhit naman ang kunot sa noo ko dahil sa sinabi ni Clive.

Ako ba ang pinariringgan niya?

Nandito kami ngayon sa harap ng bar counter at kasalukuyang nakaupo sa stool chair. Kami lang dalawa ni Clive ang naiwan dito, at hindi na ako nag-abala pang hanapin si Kenji at ang mga barkada niya.

Baka may mangyari pang masama. Mas okay nang kami na muna ni Clive ang nandito ngayon.

"Anong meron?" Labis na pagtatakang tanong ko.

"Ayy nako," Kinuha niya ang isang bote ng vodka at nilagyan ang shot glass ko. "Kailangan mong uminom dahil mukhang hindi mo kakayanin ang sasabihin ko sa'yo tonight."

Wala sa sarili akong napatango at kinuha ang shot glass. Ngunit akmang lalagukin ko ito nang pahintuin niya ako.

"Wait," Napahinto naman ako sa pag-inom nang pigilan niya ako. Kumuha siya ng isang sliced lemon sa gilid at ibinigay sa akin.

"Straight mo 'yan, then sipsipin mo 'to." Utos niya sa'kin, na ikinatango ko naman.

Hindi na ako nagdalawang-isip na inumin ito, at dumaloy sa lalamunan ko ang init ng alak na 'to. Ampait! Sobrang pait. Mabilis kong sinipsip ang lemon at mabuti na lamang ay namatay ang lasa.

Ilang sandali pa ang nakakalipas ay unti-unti nang bumigat ang ulo ko. Napahawak na lamang ako dito habang nakatingin kay Clive na kasalukuyang inaantok na rin.

"A-Ang tapang p-pala n-nito. M-Mas sanay a-ako sa r-red horse." Natawawa at utal-utal na pahayag niya, na ikinatawa ko naman.

"Clive," Napalingon naman siya sa'kin. "Ano nga pala ang sasabihin mo sa'kin?"

Napalunok naman siya. "Ganito kasi 'yon," Tuluyan na siyang humarap sa'kin at tinitigan ako ng seryoso sa mata. "H'wag kang mabibigla sa malalaman mo, okay?" Tugon niya at tumango naman ako.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling tumingin sa mga mata ko. "Tama ang hinala ko. Ginagamit na lang ni Kenji."

Nanlaki ang mga mata ko sa kaba dahil sa sinabi niya. Ano?!

"A-Ano?"

"You heard it right," Kumuha siya ng shot glass at muling uminom. "Narinig ko ang usapan ng mga barkada niya na may dare silang magt-tropa. Kailangan magkaroon kayo ng sex tape ni Kenji ngayong gabi upang ibalik ni Skyler ang sports car niya."

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon