Chapter 14

15.6K 528 33
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 14]

><><><><><><

Jay

"KAYA KO 'to... Kaya ko 'to!" Pagpapagaan ko sa aking loob at huminga ng malalim sa sunod kong gagawin.

Nakatayo ako ngayon sa bukas na bintana habang hawak ang manipis at mahabang kumot. Mabuti na lamang at sa sobrang haba nito ay umabot sa pinaka-ilalim, kaya gagamitin ko 'to bilang lubid upang makababa sa ground floor.

Kinakabahan pa rin ako kung itutuloy ko ang plano, dahil meron akong Acrophobia—which is fear of heights. Pero umiling ako at pilit na pinapatatag ang aking sarili, dahil kailangan ko munang i-set aside ang takot ko upang makalabas dito.

Napahinto naman ako nang marinig ko ang pagkatok ng pinto, at unti-unti naman akong lumingon dito nang may pangamba sa dibdib.

"Jay?"

Napakislot ako sa gulat. Shit! Mukhang mahuhuli pa yata ako. Muli akong lumingon sa labas, at tila nalulula ako kung ga'no kalalim ang ground mula dito sa kinatatayuan ko.

Napa-sign of the cross muna ako bago ko itinuloy ang plano. Jusko po, sana gabayan niya ang buwis-buhay na gagawin ko. Sana talaga walang masamang mangyari sa akin.

Kinapitan ko ang kumot at nag-aalangan pa ring bumaba. Sobrang bilis pa rin ng pagpintig ng puso ko, at nanginginig ako sa kaba. Ngunit bahala na, basta't makalabas lang ako dito.

"Jay?" Muling pagtawag ng babae na mas ikinaalarma ko. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras at kumapit sa kumot at tumalon.

Tila hihiwalay na ang puso ko sa katawan dahil sa bilis ng pagbagsak ko.

Napapikit na lamang ako sa takot, at ilang saglit pa ay nang imulat ko ang aking mata ay naramdaman ko ang damo sa aking mga paa.

Umapaw naman ang kasiyahan sa dibdib ko. Yes! Buti na lang successful ang pag-takas ko.

"JAY!!!"

Napalingon naman ako sa itaas nang marinog ko ang malakas na pagsigaw ni ate Rachel na mas ikinataranta ko. Sorry ate, pero kailangan kong gawin 'to. Masaya akong nakilala kita. Kaya wala na akong sinayang na segundo at tumakbo palayo.

Nalilito pa rin ako kung saan ako lalabas, dahil napakalaki ng mga pader dito. Muling sumilay ang kaba sa dibdib ko nang mapagtantong mukhang hindi ako makakalabas.

Shit! Dapat pala pinagplanuhan ko muna ang banda rito bago ko isinagawa ang plano. Ang tanga ko talaga!

Bumagsak ang balikat ko at akmang susuko na nang matanaw ko ang isang maliit na gate. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mukhang maliit na exit yata ito ng mansyon! Kaya patakbo akong lumapit dito at hinawakan ang handle, ngunit kandado ito!

Muling bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. Ngunit dumako naman ang tingin ko sa itaas, at napaluno ako nang makita ko ang mga patusok sa taas ng gate. Nagtatalo pa rin sa isip ko kung aakyatin ko ito o hindi, dahil baka matamaan ako ng mga patusok na 'yon.

Ngunit mas nataranta ako nang marinig ko ang dalawang maid na papalapit sa pwesto ko habang nag-uusap. My heart skipped a beat kaya iwinaglit ko na sa isip ko ang takot at mabilis na umakyat.

Medyo nahirapan pa akong dumaan, dahil iniingatan ko ang aking balat na matusok sa mga patalim.

"Sino 'yan?"

Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba at mabilis na bumaba. Mabilis akong nagtago sa isang banda at napasandal sa pader nang marinig ko ang yabag ng mga 'to papunta sa maliit na gate.

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon