Chapter 21

15.4K 703 96
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 21]

><><><><><><

"AMBER! Come here, baby!" Ang masayang pagtawag ko sa isang maliit at cute na aso habang kinakagat-kagat nito ang bolang inihagis ko. Mabilis naman itong lumingon at mabilis na tumakbo papalapit sa akin.

"Hahaha! Amber, stop!" Natatawa kong bigkas nang tumalon ito mula sa akin na dahilan upang bumagsak kami sa damuhan. Hindi ko alam kung ano'ng hilig ng asong 'to, dahil panay ang dila nito sa mukha ko.

Nandito kami ngayon sa garden at kasalukuyan akong nakikipaglaro kay Amber, my new cute pet dog. Pakiramdam ko blessing talaga ang pagpasok ng asong 'to sa buhay ko rito sa mansyon, dahil bukod kay ate Rachel siya na rin ang nakakalaro ko.

It's been a day since ibinigay ito sa akin ni Master, and I thank him for that. Para ko na rin kasing naging anak ang bulilit na 'to, dahil maging sa pagtulog ay magkatabi kami.

Ngunit mayroon pa ring katanungan ang nasa isip ko, wondering kung ano'ng klaseng breed ang asong 'to. Ang fur kasi nito ay sobrang lambot, and he's also cute and fluffy. Ngunit umiling ako, dahil wala na akong pakialam kahit ano pa siya basta't makasama ko lang siya ay okay na.

Dati ko na rin pinangarap na mag-alaga ng aso, at nang dahil kay master Keith ay natupad ito. Kaya mabilis akong bumangon at yinakap ito. Napakasarap talagang yakapin. Nakakagigil!

"Ang cute naman ng asong 'yan." Napalingon ako nang magsalita ang isang babae sa likuran ko. Namataan ko si ate Rachel na may hawak ng hose at mukhang magdidilig.

Napangiti ako at muling yinakap ito. "Syempre, ate. Mana sa Daddy niya!" Natatawang biro ko na ikinatawa naman niya.

Muli kong kinuha ang maliit na bola at inihagis, kasabay nito ang pagtakbo ng asong 'to palayo sa akin.

"Nga pala, sino ang nagbigay n'yan?" Rinig kong tanong niya.

"Si Master Keith." Maikling tugon ko.

Pansin kong kumunot ang noo niya at sinimulang buksan ang hose. "Bakit naman daw?"

"Para daw hindi ako mabagot dito sa loob ng mansyon." Maikling sagot ko at pansin ko ang pagbalik nito sa akin kaya sinalubong ko siya ng yakap. "Basta humingi na siya ng tawad sa akin, kaya siguro binigay niya sa'kin 'to as his peace offering." Dagdag ko pa.

"Siguro nga," Pagtango niya. "Pero in fairness sa'yo, Jay. Mukhang mamahalin ang breed na 'yan, ah. Ano bang klaseng breed ang aso na 'yan?" Muling tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko naitanong kay Master."

"Ayy, wait." Kumunot naman ang noo ko nang patayin niya ang hose at lumapit sa akin. Kinuha nito ang de-keypad na Nokia phone.

"Picturan ko ang cute na asong 'yan at itatanong ko sa kakilala kong pet lover at dog expert." Wika niya, na ikinatango ko na lamang.

Itinutok niya sa akin ang camera, at nag-peace sign naman ako habang yakap ang bulilit na 'to.

"Ayan," Muli siyang lumapit sa akin. "Ang cute niyong dalawa dito, oh!" Puri niya at pinakita sa akin ang mga larawan. Kahit low quality ito, napangiti na lamang ako.

The Master's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon