First year college ako noon. Bagong salta sa Maynila,yung bang manghang mangha kapag nakakita ng mga naglalakihang gusali at malalwak na department store. Palibhasa,nasanay na sa probinsya na mangilan ngilan lamang ang nakikitang gusali. Lumipas ang ilang linggo at nagpasukan na. Madyo ninenerbyos pa nga ako,dahil ibat ibang mukha ang makikita ko. Pero nang pumasok ako sa classroom namin, ang agad kong napansin ay isang lalaking hanggang tenga ang buhok. Nang titigan ko siya ay nasigurado kong siya nga-ang lalaki sa pila. Kaklase ko pala siya.
Nang matapos ang aming klase,dumiretso ako sa canteen at kumain.
"Hello miss,ako nga pala si Prince Jezrael Santos. If you remember, ako ang humiram sa iyo sa pila."
"Oo nga. Akala ko tinakasan mo na ako." Ang pabiro kong sinagot.
Matipid ang ngiting isinukli niya sa akin. Sa pag ngiti niyang iyon ay napansin kong may hitsura pala siya .
Gwapo,matipunung katawan,magagandang mata at ang kanyang matangos na ilong ang nagpabighani sa akin.
Sa pagtitig ko sa kanya hindi ko napansin yung inaabot niya sa akin.
"Eto nga pala yung utang ko. Pasensya na natagalan hindi kasi kita nakita eh. At hindi din kita nalapitan kanina.
"Okay lang. Thank you."
Ako nga ang dapat na magpasalamat sa iyo eh. Sobrang nakatulong yung 200 na inutang ko sayo. Siguro kung iba yon hindi siguro ako papansinin at hindi ako papautangin ng pera.
"Wala yon. Buti nalang din medyo good mood ako at napahiram kita"
"Teka kanina pa tayo naguusap hindi ko pa alam ang pangaln mo,samantalang ako alam mo na ang pangalan ko."
"Chandria Mendoza" ung pangalan ko.
Oh,so panu Chandria,mukhang naaabala na kita at yung recess mo. Kitakits nalang tayo bukas at sa klase.
"Sige. Ingat."
