chapter 6

12 0 0
                                    

Chapter 6

Simula ng araw na iyon nabuo ang matibay na pagkakaibigan namin. Lagi kaming sabay na umuuwi. Sabay gumawa ng homework,gumawa ng project at magkasabay pang gumawa ng mga research papers. Akala nga ng mga kaklase namin ay magsyota kami. Palagi nila kaming tinutukso na ang sweet namin sa isat isa.

Pero isang araw may nagpabago ng aking damdamin. Gusto daw akong makausap ni Chandria. Hindi ko alam pero may kaba akong nararamdaman.

"Ahh. Prince pwede ba kitang makausap? iyan agad ang bungad niya sa akin pagkakita niya sa akin.

"Napaka seryoso mo naman Chandria. Ngumiti ka muna."

"Tama  na ang biro seryosong bagay ito. Kahapon lang nakatangap ako ng tawag kay nanay. Pinapauwi niya na ako sa probinsya. Doon ko na daw ipagpatuloy ang pagaaral ko dahil may nagbigay sa akin ng scholar ship."  Bukas na ang uwi ko dahil minamadali ako ni nanay. Gusto ko lang sabihin sayo para makapagpaalam ako sayo ng personal. "

"So that explain kaya ka aligaga kanina."sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kasi alam kung pano sasabihin sayo eh."

"Haist lung kailan naman ako nagkaroon ng bestfriend dun pa siya mawawala. "hindi ko inaasahan na may pumatak na luha sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na aalis siya agad.

"Promise me Prince,kahit na wala na ako dito sa Maynila lagi mo akong itetext. Balitaan mo ako sa mga nangyayari sayo."

"Sige promise ko sayo yan. Basta ilibre mo muna ako bago ka umalis."pinilit kong maging masaya sa biro kong iyon

"Sige,ang takaw mo talaga. Saan mo ba gusto kumain?

"Khit saan basta makakakain ako ng marami para maubusan ka ng pamasahe at hindi ka na makauwi.

"Baliw ka talaga. Tara na nga"

Dinala niya ako sa KFC. Dun na lamang kami kumain at sinulit ang oras ng isat isa. Ng maubusan kami ng kwento niyaya ko na siyang umuwi para makapagpahinga siya ng maaga. Niyaya k9 muna siyang pumunta sa bahay. May gusto kasi akong ibigay sa kanya para lagi niya akong maalala kahit na magkalayo na kami.

"Anung bang ibibigay mo sa akin? pangungulit niyang tanung sa akin.

"Ibibigay ko sayo yung mga teddy bear na gusto mo para maalala mo ako kahit na magkalayo na tayo."

Hindi ko inaasahan ng bigla niya akong niyakap. Kaya niyakap ko na rin siya. Ito na ang huling pagkakataon namin na magkasama

Hinatid ko na siya sa bahay nila pagkatapos ko ibigay sa kanya ang regalo ko. Bukas na ang alis niya. Pagkahatid ko sa kanya doon lang ako nakaramdam ng pangungulila. Hindi ko inaasahan na iiyak ako ng gabing iyon. Siya ang una kong naging kaibigan.

Kinabukasan hindi ko siya naihatid sa terminal dahil napuyat ako sa sobrang kaiiyak. Nakatangap lang ako ng text niya na sasakay na siya ng bus. Sinabi niya sa akin kung anung biyahe ng bus na iuon. Ang plate nunber at ang kulay. Hindi ko na nagawang magreply dahil sobrang okupado ang utak ko.

Hindi ko inaasahan ang susunod na nagyari. Habang nanunuod ako ng balita bigla na lamang nanaigas ang katawan ko. May naaksidente daw na bus at lahat ng sakay ay namatay. Tinitigan kong mabuti ang screen ng celphone ko. Hindi ako maaring mgkamaili,iyon ang sinasakya niyang bus pauwi ng probinsya ayon sa plate number ng bus.

Hindi ko alam kung paano ko napalampas sa utak ko na wala na ang bestfriend ko. Sa tuwing tinitingnan ko ang mga teddt bears sa secret place siya lamang ang naaalala ko. Mga alaala namin ang nakikita ko. Ngayon ang tangi ko na lamng kayang gawin ay balikan ang masasaya naming alaala. Alam ko kahit nasaan man si Chandria masaya na siya. Alam kong hindi siya masay sa nangyari sa kanya pero alam kong tangap na niya iyon. Wala man siya sa tabi ko alm kong binabantayan niya ako. Sayang nga lang dahil may hindi ako nasabi sa kanya. Ang mga katagang MAHAL KITA CHANDRIA.

WANTED TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon