★★★★chapter 7★★★★
Pero ang mga iyon ay kathang isip ko lamang. Nasasanay na kasi ako sa mga nababasa kong mga love story. Halos ganun ang nangyayari,happy ending at tragic ending lang naman ang pagpipilian. Pero sa akin mas gusto ko ang walang ending. Sabi nga ni Vice Ganda dapat happy lang walang ending.
Hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala Si Jezriane Kaizer Renovo. Kung anu yung kinaganda ng pangalan ko ganun naman daw yung itsura ko. Mataba daw ako,panget at maitim. Pero kahit ganun tao din naman ako ahh. Palagi na lang akong tinutukso ng mga kaibigan ko. Pati mga ka schoolmate ko ayaw sa akin dahil panget daw ako. Sa tuwing sinasabi nila yung mga salita yung nasasaktan ako. Maypakiramdam din naman ako,nasasaktan. Pero tinangap ko na yung mga pangungutya nila. Hindi ko sila pinapansin,sinanay ko na ang sarili ko. Balang araw hihingi din sila sa akin ng tawad sa lahat ng ginawa nila. Balang araw hahangaan din nila ako.
Kasalukuyan akong nagaaral sa ArchemistAcademy. Mga mayayamang tao lang ang nakakapagaral doon. Mayaman kami pero hindi ko kailan man ipinagyayabang ang yaman namin. Wala akong kaibigan dahil para sa akoin kaya ka lang kakaibiganin dahil mayaman ka. Walang pa akong totoong tao na ankikita. Pero mga luho nila ang nasusunod. Mga hindi sila nagaaral ng mabuti dahil alam nilang madadaan nila sa yaman ang mga grades nila. Kaya lang naman ako nagtyatyagang pumasok dito dahil ng crush ko eh. Kahit na ganito ang itsura ko may karapatan din naman akong magmahal. Popular siya sa school pati na rin ang mga kagrupo niya. Talented na singer kasi kaya may banda sila. Ang the MUSICKEROS,sikat na banda dahil sa galing nilang kumanta at dahil na rin sa kagwapuhang taglay nila. Sila ang mga tinitilian ng mga babae sa school namin pero ako isa lang ang gusto ko sa kanila si JEREN GLANCE KOTERO. Ang lider ng bandang Musickeros,ang gwapo kasi niya. Napakaganda pa ng boses niya,mala angel ang mukha kaya lang napakabaluktot ng ugali niya. Bully siya minsan kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na lapitan siya. Natatakot kasi ako sa maaari niyang gawin sa akin. Mas gusto ko na tingnan at mahalin na lamang siya sa malayo. Hindi rin naman niya ako mapapansin eh. Ang alam ko ang gusto niya sa babae eh maganda,maputi,matalino at mayaman. Pero anu namang laban ko sa mga kababaihan dito eh ang gaganda ng mga makakalaban ko.
"Hoy baboy na panget,umalis ka nga dyan,uupo ako" pagtataboy sa akin ng isa sa mga classmates ko. Hindi ko nalang pinansin ang panglalait niya at umalis na dun sa inuupuan ko. Malapit na namang maguwian kaya ayos lang sa akin.
Pagkatapos ng klase nagpunta agad ako sa may mini garden sa likod ng school. Bakit? Dito kasi malimit pumupunta si Jeren kapag tinatamad o maaga silang umuuwi. Dun lamang kasi ako nagkakaroon ng pagkakataon na makita siya ng medyo malapit kahit na hindi ko siya nakakausap atleast may moment na kami lang dalawa. Hindi ko namamalayan na napatagal na pala ako doon,siguro naramdaman ni Jeren na may nakatitig sa kanya kay bigla siyang humarap sa may pinagtataguan ko. Sa gulat ko buti na lamang nakapagtago ako agad dahil kung hindi baka lagi niya akong abangan dito at pagtawanan.
Kinabukasan abala ang lahat sa paghahanda para sa concert ng The Musickeros. Nagrequest kasi ang mga kababaihan na magkaroon sila ng concert para sa school. Ito na rin ang pagkakataon ng mga babae na makapgtapat ng nararamdaman nila sa mga miyembro ng banda. Nakasanayan na kasi dito na kapag binigyan ka ng bulaklak ng isang babae ib8g sabihin may gusto siya sa iyo. Kapag sulat naman ibig sabihin may crush ka sa taong yun. Ngayon na nakatakdaa para mapansin ako ni Jeren,bibigyan ko siya ng sulat para malamn niya na crush ko siya. Pinagpuyatan ko pa nga ang sulat na iyon para sa kanya. Sana naman mapansin niya ako kahit kaunting panahon lang.
Papaunta ako ngayon sa Gymnasium upang dumalo sa concert. Naeexcite ako na kinakabahan sa gagawin ko. Pagdating ko sa gym grabe ang daming tao. Karamihan doon ay puro babae,hindi na ako magtataka. Sa likod ako pumuwesto dahil alam ko na hindi sila papayag na ako ang mauna. Itataboy lang nila ako kapag nagkaganun.
Pinapanuod ko lamang siya sa likuran. Napakaganda talaga ng mga ngiti niya. Para siyang si Mario Maurer kapag tinitigan sa malayo. Habang tinitingnan ko siya hindi maiwasang kabahan para sa gagawin ko mamaya. Hindi na ako mapakali. Hihintayin ko na lamang siya sa may garden at doon ko ibibigay ang ginawa kong sulat para sa kanya. Para naman walang ibang makakakita.At hindi ako mapahiya.
Dali dali akong lumabas ng gym para magantay sa garden pagkadating ko doon sakto namang walang tao. Mabuti na yon para makapag practice ako at hindi ako mabulol mamaya .
Hindi ko namalayan na limilipas ang mga oras masyado kasing okupado ang utak ko kaya ganun. Nakarinig ako ng ingay na papaunta sa aking kinaroroonan. Napatayo ako agad dahil boses pa lang niya alam ko na. Padating na si Jeren,inihanda ko ang sarili ko.
"Ahh.Jeren para sa iyo sana magustuhan mo"
"Sayo galing. Haha eh ang panget mo naman ehh. Pano ko ito magugustuhan eh nangaling ito sa panget."
"Pero crush kasi kiya eh kaya tangapin mo na please."pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ayaw ko. Sayo na yan. Alam mo ang bagay sa iyo maligo ka sa tubig para magising ka." Dali dali siyang kumuha ng hose at itinutok sa akin. Nag makaawa ako sa kanya na wag niya akong basain pero ginawa pa rin niya.
"Yan ang bagay sayo. Maligo ka."paulit ulit niyang sinasabi sa akin habang binabasa ako ng tubig.
Wala akong magawa kundi umiyak. Bago ako umalis may sinabi ako sa kanila.
"BALANG ARAW GAGANDA DIN AKO. AT KAPAG GUMANDA AKO AT NAGKAGUSTO KA SA AKIN. TANDAAN MO HINDI HINDI KITA SASAGUTIN HANGAT HINDI AKO NAKAKAGANTI. HINDI KITA PAPANSININ."
Yan ang sinabi ko bago ako umalis sa lugar na iyon.Tuloy pa rin sila sa pagtawa at pambabasa sa akin habang sinasabi ko iyon.
Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa akin ng araw na iyon. Ipinangako ko sa sarili ko balang araw gaganti din ak9 sa kanya. Sa pangaapi nila sa akin.