♥♥♥♥♥♥♥♥♥chapter 3☆☆☆☆☆☆☆
Prince POV.
Nakatulog na si Chandria. Ang tanga ko talaga hindi ko natanung kung saan yung bahay niya. Siguro dadalhin ko nalang siya sa may sea side para medyo relaxing. Wala naman akong gagawin sa bahay dahil maisa lang ako sa bahay.
Kanina nung pinagmamasdan ko siya parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko sana siyang biruin na malulunod na ako sa iniisip niya o sasabihin ko sana na ako ang iniisip niya. Pero natigilan ako nung nakita kung seryoso siya. Parang nawalan ako ng
Lakas ng loob na kausapin siya. Parang maiiyak siya na hindi ko maintindihan. Nang makatulog siya hindi ko maiwasang humanga sa ganda niya. Napakaliwanag ng mukha niya. Ngayon ko lang siya napgmasdan ng sobra. Maamong mukha,makinis na mukha. Napatingin ako sa labi niya. Siguro malmbot ang labi niya. Nakakatuksong halikan. Hahawakan ko na sana yung labi niya ng bigla siyang gumalaw. Napatitig ako sa mata niya. Siguro sa lahat ng perfect sa kanya ang pinaka perfect eh yung mata niya. Hindi ko magawang ibaling ang atensyon ko sa iba mabuti nalang at agad siyang nakabawi.
"Ahh. Nasaan tayo?" Tanung niya sa akin.
"Ahh.ehh. nasa sea side tayo. Dinala kita dito kasi nakalimutan ko itanung kung saan ang bahay mo. Gigisingin sana kita kanina kaya lang mukhang masarap ang tulog mo."mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Ahh,pasensya na mukhang naistorbo pa kita,sana ginising mo nalang ako para marami ka ng nagawa sa bahay mo. "
"Okay lang yun. Wala naman ako gagawin. Hatid na kita,san ba bahay mo?
Sinabi naman niya kung saan ang bahay niya. Malapit lang din sa subdivision na tinutuluyan ko. May kaya sila. Hindi mo masasabing mayaman sila o mahirap. Batay sa bahay nila at sa pinapasukan niyang eskwelahan may kaya sila.
"Tuloy ka muna" alok niya sa akin upang pumasok sa loob ng bahay nila.
"Hindi na. Aalis na ako kasi,ahh,mag papa-magpapacarwash pa ako kaya hindi na ako makakasama sa iyo sa loob."pagtangi ko. Nakakahiya kasi pumasok pa sa loob ng bahay nila,makaka abala pa ako. Gumawa na lang ako ng dahilan kahit na di totoo. Mukhang naintindihan naman niya na ayaw kong pumasok kaya pumayag na rin siya.
"Sige. Ingat ka nalang"
★★★
Dali dali na akong umalis sa bahay nila. Pakiramdam ko kasi naiilang ako sa kanya minsan. Lalake ako,baka matukso ako ng kung anuman yun.
Habang andito ako sa sa sasakyan hindi ko maiwasang hanapin ang presensya niya. Ang sarap niya kasi kausap kahit na first time ko lang siya nameet formally nakakatuwa siya. Inlove na ba ako? Nakakatawang pakingan at katanungan. Pano naman mangyayari ang sinasabi kong love sa unang beses palang naming magkasama. Siguro natutuwa lang ako sa presence niya. Hahayaan ko na lang muna itong nabubuo o anu man na nararamdaman ko.
♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣
Chandria's POV
Hindi ko maintindihan si Prince kanina,siguro ayaw niya na lang ako maistorbo. Mas mabuti na siguro yun kasi naiilang din ako sa kanya. Kanina nung naalimpungatan ako nakaramdam ako ng kakaiba. Biglang tumibok bigla ang puso ko. Alam ko naman na talagang tumitibok ang puso ko pero kanina kakaiba talaga yung naramdaman ko eh. Gusto ko sana tanungin kung anu ang gagawin dahil ang lapit niya sa akin. Kulang naang mahalikan na niya ako. Anu kayang mangyayari kung hindi ako nagising? Mahahalikan kaya niya ako. Haist, ang assuming ko talaga. Bakit naman niya ako hahalikan eh hindi ko naman siya kasintahan. Kakakilala pa lang namin tapos ganun agad. Anu naman ang panama ko sa mga chicks niya,siguro ihahampas niya lang ako. At malabo din na magustuhan niya ako dahil hindi naman ako maganda. Napaka aga ko talaga mag isip ng mga imposible na mng yari. S8guro dala lang ito ng pagod ko sa eskwelahan. Kailangan ko na sigurong magpahinga. Hindi ko namalayang nakatilulog na ako sa sobrang pagod.
