PARANG batang nginatngat ni Samara ang kuko ng hinlalaki niya habang hinihintay sa lobby si Ivan. Pakiramdam niya ay tinatambol ang dibdib niya. Hindi naging madali ang pagdedesisyon niyang pumunta sa Maynila. Maraming agam-agam sa isip niya pero ikinonsidera din niya ang mga sinabi ng kanyang pamilya at ni Telai.
Pagkaalis ni Ivan ng bahay nila ay sinabi niya ang napag-usapan nila sa kanyang pamilya. Pinayagan naman siya ng mga ito na tanggapin ang iniaalok ni Ivan. Bihira lang daw ang ganoong oportunidad kaya huwag na niyang palampasin. Ang sabi pa ni Mira, kung ito ang inalok ng ganoon, ay hindi na ito mag-iisip pa, tatanggapin agad nito ang trabaho.
Pero ang pinakanagtulak sa kanya ay ang sinabi ni Telai. “Tulungan mo ang sarili mong ma-overcome ang kung anumang kinatatakutan mo. Iyang insecurities at lack of confidence mo ang nagiging balakid sa personal growth mo. Pag-isipan mong mabuti. Alin ba ang mahalaga? Ang hiya at takot mo o ang ikagaganda ng buhay mo?”
“Sam!” malakas na tawag sa kanya ni Ivan na kalalabas lang ng elevator.
Napatuwid siya ng tayo nang makita ito. Ngiting-ngiti itong lumapit sa kanya at ganoon na lang ang gulat niya nang yakapin siya nito.“Thank you for saving my neck,” sabi nito nang humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
Ngumiti siya nang matipid.
Mababakas ang relief sa mukha nito. “Muntik na akong mawalan ng trabaho kanina.”
“I’m sorry, kahapon lang kasi ako nakapag-decide.” Kahapon ng tanghali siya nagpasyang sumunod kay Ivan. Nang sabihin niya iyon sa kanyang pamilya ay natatarantang tinulungan siya ng kanyang inay sa pag-iimpake ng mga gamit. Nag-alok pa ang kuya niya na ihatid siya sa Maynila pero sinabi niyang kaya na niya.
“It doesn’t matter.” Kinuha ni Ivan ang traveling bag niya. “Let’s go. Ipapakilala na kita kina Kara.”
Hindi siya nakaimik nang hawakan siya nito sa kamay at akayin patungo sa elevator. Pareho silang walang imik habang paakyat sila. Hindi mawala-wala ang ngiti nito.
Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay na hawak pa rin nito. Let go of my hand, please? I’m not going anywhere, tahimik na pakiusap niya. Baka maramdaman mo pa ang panginginig ko.Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator at magkahawak-kamay pa rin silang pumasok sa opisina ni Ivan. Sinalubong sila ng tingin ng mga kasamahan nito. Walang nagsalita pero mababakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito. Ipinatong ni Ivan ang bag niya sa isang mesa, bago siya hinila patungo sa isang silid.
“Here she is!” malakas na sabi nito.
Napatingin sa kanila ang dalawang babaeng nadatnan nila roon.
“Good morning po,” nahihiyang bati niya sa mga ito.
Ang isang babae na nakakulay-orange na damit ay hinagod siya ng tingin at saka binalingan si Ivan. “Niloloko mo ba ako?”
“What?” balik-tanong ni Ivan.“Anong joke ito? Is that Sam?” sabi pa ng babaeng pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. “Siya 'yong nasa pictures?”
Nakagat ni Samara ang ibabang labi, nagpipigil na tuktukan ang sarili. Gaga ka talaga! Hindi ka man lang nag-ayos bago ka pumunta rito! kastigo niya sa sarili. Nakasuot siya ng eyeglasses, wala siyang makeup, at nakapusod ang buhok. Pero maayos naman ang puting polo shirt at maong na pantalon na suot niya.
Tiningnan siya ni Ivan at saka ibinalik ang tingin sa dalawang babae. “Yes, she is Samara Benitez.”
Hinubad niya ang eyeglasses na suot. “I’m sorry, kagagaling ko lang po kasi sa biyahe kaya hindi na ako nakapag-ayos,” mahinang sabi niya.
Hindi umimik ang mga ito.
“Sam, sila ang mga boss ko. Kara, the owner of Manrique Publishing, and Wynona, editor in chief of Fresh magazine,” pakilala ng binata sa dalawa.
BINABASA MO ANG
❤Finding Samara (COMPLETED; Published under PHR)
Romance"Sana ang puso katulad ng kotse na puwedeng mag-detour. Para kapag nahihirapan nang dumaan sa highway, puwedeng umiwas." Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang...