TAHIMIK na hinihintay ni Ivan na lumabas si Sam mula sa fitting room ng dress shop kung saan nila ito pinagawan ng damit na isusuot nito para sa launching. Ongoing na ang paglilimbag ng magazine at siniguro sa kanila na matatapos iyon sa Huwebes. Humupa na ang tensiyon sa opisina at ang big day na ang pinaghahandaan nila.
“You look wonderful!”
Narinig niya ang sinabing iyon ng designer kaya agad siyang napaharap sa pinto ng fitting room. Nahigit niya ang hininga habang pinagmamasdan si Samara. Nakasuot ito ng silver evening gown. Humahapit iyon sa katawan nito. Simple iyon pero eleganteng-eleganteng tingnan si Samara.
“Umikot ka, hija,” sabi pa ng designer.
Sumunod si Sam at nakita niya ang makinis na likod na nakahantad sa backless na gown.
“Perfect!” Napapalakpak pa ang designer. Pagbalik ni Sam sa loob ng fitting room ay iniabot na niya sa designer ang tseke bilang bayad. “Thanks, Ivan,” nakangiting sabi nito. “Anyway, nakausap ko si Kara. 'Sabi niya, ipadala ko na rin daw sa 'yo 'yong damit niya.”
“Yeah. Nasabi rin niya iyon sa akin. Anyway, this is for you.” Iniabot niya sa designer ang invitation para sa launching.
Tinanggap nito iyon. “Siyanga pala, saan ba ninyo nahanap si Samara? I heard nahirapan kayong maghanap ng gagawing cover girl ninyo.”
Tumango siya. “Yeah. Kung hindi pa ako umuwi sa probinsiya namin, hindi ko makikita si Samara.”
“You mean, hindi talaga siya model?”
Umiling siya. “She’s a teacher.”
Ilang sandali pa ay lumabas na ng fitting room si Sam. Bitbit na nito ang malaking paper bag na kinalalagyan ng gown nito. Paalis na sila nang habulin sila ng designer.
“Wait, Ivan!” sabi ng designer. “Puwede ko ba munang makausap si Sam?”
Pareho silang napatingin ni Sam sa babae.
Lumapit ang designer at may iniabot na calling card kay Samara. “Magkakaroon ako ng fashion show next month. Gusto sana kitang kunin para isama sa mga modelo na magsusuot ng creations ko,” nakangiting sabi ng babae.
“Ho? Hindi naman po ako talaga model, eh,” sabi ni Samara. Halata sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang offer ng babae.
“Nasabi nga sa akin ni Ivan kanina. Pero pag-isipan mo rin, ha?” Pinisil pa ng designer ang braso ni Samara.
Napatango na lamang ang dalaga.****
KAPWA tahimik sina Samara at Ivan habang nasa daan sila pauwi. Napansin ni Ivan na hawak pa rin ni Samara ang calling card na ibinigay rito ng designer. Ilang sandali pa ay inihinto na niya sa labas ng gate ng mansiyon nila ang kotse.
Tiningnan siya nito. “Hindi ka ba papasok? May lakad ka pa ba?”
Pagbalik nila mula sa Bicol ay doon muna siya tumutuloy sa bahay ng mga magulang niya. “Wala. Hindi kasi tayo makakapag-usap nang maayos sa loob, eh.”
Kumunot ang noo nito. “Ano’ng pag-uusapan natin?”
Hindi kaagad siya sumagot. Napabuntong-hininga siya. Masyado na siyang binabagabag ng nararamdaman niya para sa dalaga.
“Ivan…?”
“Lately I’ve been…” Napahinto siya sa pagsasalita at napabuga ng hangin.“May problema ba?”
“Oo, ikaw—I mean, no.”
Naguguluhang nanatili itong nakatingin sa kanya.
Napabuntong-hininga uli siya. “Sa Saturday na ang launching.”
BINABASA MO ANG
❤Finding Samara (COMPLETED; Published under PHR)
Romance"Sana ang puso katulad ng kotse na puwedeng mag-detour. Para kapag nahihirapan nang dumaan sa highway, puwedeng umiwas." Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang...