"Sometimes we need to believe the observation and wise counsel of other people before we jump into something stupid." – AMAZONA KAFAGWAY 2019
CHAPTER 6
Lexie's POV
"Good Morning Cher Athena," narinig ko na bati ni Kyle kay Athena.
"Good Morning Cher Kyle," sagot naman nito.
Nakaupo na ko sa may sofa sa loob nang office kaya rinig ko yung batian nila , nung pumasok na si Athena tinignan ko siya nang may pagdududa.
"A bright morning!," masiglang bati niya.
"Bright morning ka dyan," sagot ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Kakausapin ka namin ni Cher Valerie ha." sagot ko na medyo masungit para kabahan siya.
"Eh ? Bakit nga?" pangungulit niya.
Umupo na si Athena sa upuan niya at iniwan ko muna siya para naman mag-isip siya . Nag-usap kami ni Cher Valerie tungkol sakanila ni Kyle , medyo kinakabahan na kami , siguro. Ilang araw na din kasi naming naoobserbahan na unti- unti lumalapit si Kyle kay Athena at syempre dahil marupok yung kaibigan namin nag-aalala kami.
Bumalik na din ako sa office pag katapos ko chineck yung room. Nagkasabay naman kami ni Cher Yna sa pagpasok , nagulat ako nang bigla niya nilapitan si Athena na para bang sasabunutan.
"Bata ka!" sabay hawak nito sa buhok ni Athena .
Nagulat naman si Athena pero nakita ko naman na tumatawa si Cher Yna.
"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Athena.
"Nagulat ako! Boyfriend mo pala si Kyle , kunwari pa kayo na hindi magkakilala."natatawang sabi ni Cher Yna.
Makikita sa mukha ni Athena yung pagtataka.
"Cher? Huh? Si Cher Kyle po? Hindi ko nga po kilala yun eh." paliwanag niya.
"Kunwari pa kayo na hindi kayo magkakilala ha. Magbf at gf pala kayo, Charot lang! Kahawig mo girlfriend niya," tawang tawa naman si Cher Yna at napagtripan nanaman niya si Athena.
"Hayst. Cher Yna akala ko ano yun!" tawa ni Athena .
Bigla naman yung dating ni Kyle sa office namin.
"Cher Kyle , di ko alam na girlfriend mo si Cher Athena ," natatawang sabi ni Cher Yna.
Tumingin lang si Athena saakin na parang nagtataka at natatawa nalang.
"Ano po?," natatawang tanong ni Kyle at sabay tingin niya kay Athena.
"Kahawig nung girlfriend mo, akala ko nga siya girlfriend mo eh." natatawang sabi ni Cher Yna.
"Hala. Hindi ko pa nakikita." nasagot nalang ni Athena.
"Cher Athena," tawag ni Kyle.
"Uyy. Instant jowa mo ko," biro ni Athena kay Kyle.
Natawa nalang din ako kasi hindi ko pa nakikita yung picture at pakiramdam ko malapit na din manuntok itong si Athena.
"I need to go. Check ko muna mga estudyante ko ," sabi ni Athena.
"Kahawig ba niya," tanong ko naman.
Lumabas naman din si Kyle sa office.
"Oo nga!," sabi ni Cher Yna , sabay naman yung pagsearch ko sa pangalan ni Kyle.
"Ano name niya sa facebook?," tanong ko.
"Sino bakla?" tanong naman ni Cher Valerie na kakadating lang.
YOU ARE READING
The Moon Embracing The Sun
Teen Fiction"I want to be that person for him.I want to be the one who keeps him going during this difficult time.I want to be his lighthouse keeper." - Lara Jean Are you willing to risk everything for someone you barely know? Are you willing to give it a try...