"Wake up , little girl," the love repeated.
"I am a little bit scary," the girl reasoned out.
"Wake up , I am already here waiting and knocking on your door," the love pleaded.
"I will think about it. Are you going to hurt me?"the girl asked.
"No, I will be your knight in shining armor and your sanctuary," the love proudly answered.
"Is it happy to be someone's princess and being protected? ," the girl was puzzled.
"It is for you to find out ," the love answered teasingly.
-AMAZONA KAFAGWAY 2019
Chapter 7
Lexie's POV
Natapos na ang intramurals at balik na ulit sa pagtuturo. Andito na din sila Cher Athena at Cher Valerie kaya buo nanaman ang aming samahan. Ilang araw ko na din napapansin si Kyle na lagi may kausap sa cellphone pero lagi naman niya kaaway o kaya naman ibaba niya yung cellphone niya. Nagkwento din siya na nakakatext niya na si Athena.
"Lexie lalim naman ng iniisip mo," pagsasabi ni Valerie.
"Bakla, naisip ko lang may something na ba kay Athena at Kyle?" tanong ko.
"Wala pero ito si Kyle kasi nagtetext na kay Athena," sagot niya.
"Nakausap mo na ba si Athena tungkol sa naoobserbahan natin?" tanong ko.
"Oo naiinis na din siya na kung ano-ano tawag sakanya, totoo naman na wala siya ginagawa eh," pagpapaliwanag ni Valerie.
"Babantayan pa din natin yan si Kyle ," pagsisigurado ko.
"Uyyy. Bakit niyo babantayan si Kyle?" bigla naman na pagtatanong ni Athena na kadarating lang.
"Bakla, pakiramdam namin binabakuran ka na eh." paliwanag ni Valerie.
"Diba sinabihan ka na wag ka muna magboyfriend?" tanong ni Valerie.
"Sinabi sayo yun?" pagtataka ko.
"Oo kaso joke lang siguro yun , eh wala naman talaga ako balak magboyfriend." inosenteng sagot ni Athena.
"Ano ba mga napag-uusapan niyo?" tanong ko.
"Yung mga problema niya sa girlfriend niya , sa buhay at sa pagtuturo." sagot ni Athena.
"Oo nga pala sabi ni Cher Ashley mag-Baguio tayo kasi may free time naman tayo , bago daw mag-exam at madami nanaman gawin," dagdag at pag-iiba ng topic ni Athena.
"Sasama kami.Si Bea hindi makakasama may reunion daw. Ikaw ba?" tanong ko.
"Oo naman diba hindi pa ko nakakapunta dun?" sabi ni Athena.
"Oo nga pala kasi itong si gaga pinagpalit yung Baguio sa pag-ibig."pang-iinis ni Valerie.
"Sige ha. Ipaalala niyo pa na nagpakatanga ako sa pag-ibig noon,'' sabi ni Athena.
"Malay mo naman magsecond demotion pa," natatawang sabi ni Valerie.
"Iwish mo lang." patawang sagot ni Athena.
"Mga chers sino sasama sa Baguio," tanong ni Cher Ashley na kadarating lang.
"Kami pong tatlo," sagot namin.
"Oo sumama kayo tutal wala naman masyado gagawin pa , tapos exam na next week," pagkukumbinsi pa ni Cher Ashley.
"Sino- sino po ba sasama?" tanong ni Athena.
YOU ARE READING
The Moon Embracing The Sun
Novela Juvenil"I want to be that person for him.I want to be the one who keeps him going during this difficult time.I want to be his lighthouse keeper." - Lara Jean Are you willing to risk everything for someone you barely know? Are you willing to give it a try...