"Alexis?" Sabi ni IKSK.
Naguguluhan ako. Papaano niya nalaman ang pangalan kong yan? Si Kylah lang ang tumatawag sakin niyan eh. Bakit may iba akong nararamdaman?
SINO KA BA TALAGA?
"A-anong tawag mo s-sakin?" Nauutal kong tanong.
"Ikaw ba si Alexis?" Sabi niya sakin.
"P-paanong?? Paano mo nalaman ang pangalan kong yan?" Sabi ko.
Napatigil naman siya dahil dun. Iniwas niya ang kanyang tingin at winagayway ang kamay niya sabay sabing, "Wala. Wala 'to." Sabi niya.
"Samantha Alexis Bassette ang buong pangalan mo diba?" Sabi niya. "Sikat ka kaseng gangster kaya kita kilala, pero sa pangalan lang." Sabi pa niya.
Tumango naman ako ng marahan. "Pero hindi pa rin kita kilala. Ano bang pangalan mo?" Sabi ko.
"Call me Eun." Sabi niya sabay lakad, sumunod naman kaming tatlo sa kanya.
Unang beses ko pa lang mapuntahan ang lugar na 'to, I mean yung gala talaga. Ibang iba yung atmosphere rito eh, parang may aurang hindi maganda but not as dark as grungy. Napatigil naman ako nung mabangga ako sa isang matigas na pader, ay hindi, likod pala ni Min yun. Tumingin ako sa paligid at nasa isang.. CARENDERIA kami!
Agad akong tumakbo papunta sa mga pagpipilian ng mga pagkain. Maraming putahe tulad ng adobong baboy, chicken feet, menudo. May fishball rin, kikiam, kwek-kwek, isaw, adidas. Agad kong binigay ang sangkatutak kong order at umupo sa sa isang mahabang mesa. Nagbigay na rin ang tatlo ng kanilang mga order sa tindera.
Di naglao'y, dumating na rin ang mga inorder namin. Agad ko namang nilantakan ang mga ito pagkatapos ilapag ng boy ang mga ito sa mesa namin. Inangat ko ang ulo ko nung mapansin ko may nakamasid sakin at silang tatlo pala yun
"Bakit? Anong meron?" Sabi ko. Napadako naman ang mata ko sa mga pagkain nilang hindi pa nagagalaw. Bakit sila ganyan? o_O
"Tao ka pa ba?" Tanong ni Min. "Unbelievalable." Sabi naman ni Lee. "You still haven't change." May binulong si Eun pero hindi ko narinig, nakita ko na lang na napa-iling na lang lamang siya.
Bumalik naman ako sa pagkain at sinimulan na rin nilang tatlong kumain. Nauna na akong matapos sa kanila. Naisipan naman nilang tumambay muna rito upang magpatunaw ng mga kinain.
"Let's get some shots?" Natinag naman ang mga tenga ko nung marinig ko ang sinabi ni Lee kay Min at Eun. Tumango naman at dalawa kaya't tinaas ni Lee ang kanang kamay niyang upang tumawag ng boy pero pinigilan ko ito. "You'll love this." Sabi ko sa kanya sabay lakad papunta sa boy na tinawag niya..
Humingi ako ng mga kinakailangan ko sa boy, tulad ng gin, kalamansi, asin, pulang asukal, crushed ice, shot glasses, lata, platito at kutsara. Nilapag niya ito sa isang maliit na mesa at sinimulan ko na ang paggawa ng inumin.
Nagsalin ako ng gin sa lata, nagpiga ng kalamansa, naglagay ng kapat na kutsarang asin, kalahating kutsara ng pulang asukal at crushed ice. Tinakpan ko ang lata gamit ng platito at minix ko ito. Sinalin ko na rin pagkatapos sa apat na shot glass ang inumin at dinala sa mesa namin.
"Oh, inuman na." Sabi ko sabay lapag ng apat na shot glass. Kinuha ko ang isang shot glass at ininom ko ito. Isa lang ang masasabi ko, MASARAP! *o* Pero nagtatanong ang kanilang mga mata. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Still Gangsters With Heart (AGHIAP Sequel) UNFINISHED
Teen FictionPara sa mga nabitin sa Book 1. Hihi! *U* Sana magustuhan niyoo! B O O K 1: A G a n g s t e r H i d d e n I n A P r i n c e s s ~ N O C O M P i L A T i O N S & S o f t C o p i e s ~ This is a work of fiction. Any names, characters, places...