10

4.3K 118 20
                                    

Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw na ayaw ni Mak kay Eun. As far as I know, wala pa namang nagagawang masama si Eun kay Mak at magkakilala pa lang sila.

Pero sa pagkakaalam ko kay Mak, approachable naman siya. Madali lang siyang makipagkaibigan. Pero tuwing may insticts siya, nagkakatotoo madalas.

Andito kami ngayon sa garden, part pa rin 'to ng resto ko. Ang ganda ng simoy ng hangin. Beach kase ang nasa likod nito, tanaw na tanaw ang bawat agos ng tubig sa dagat mula rito.

Nakaupo lang kaming lahat dito sa bermuda grass. Kanya-kanyang gawain. May nagbabaraha. May nagsispin-the-bottle, may lumalamon pa rin. Katabi ko ngayon si Sab at nasa kandungan ko naman ang natutulog na si Mak.


"Pansin mo Sab, ayaw ni Mak kay Eun." Sabi ko.


"Oo nga eh, bakit kaya? Hindi naman siya masyadong inaano ni Eun." Komento pa ni Sab habang umiinom ng mocktail.

Haynako, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kay Mak at Eun. Sa tuwing mapapadako ang mga mata nila sa isa't isa, nagsa-smile lang si Eun, ito namang si Mak maka-death glare wagas.

Hindi nagtagal, nagkayayaang magsiuwian na. As usual, magkasabay lahat ng mga lovebirds, yung tatlo namang sina Eun, Lee at Min ang magkakasabay. Tahimik naman sa passenger seat si Mak, pakiramdam ko nga konting hikab na lang at makakatulog na yan.

Sinimulan ko ng paandarin ang makina ng sasakyan ko at nagdrive ng matiwasay. At tulad ng inaasahan ko, knock out si Mak. Napailing na lang ako habang ngumingiti. Pa'no kung nandito pa kaya si Kio at Mik? Mas masaya pa siguro, di ba?

Pinarada ko muna sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko. Tinukod ko ang dalawang siko ko sa manibela habang sapu-sapo naman ng mga kamay ko ang aking noo. Ano ba naman yan! Bakit ba nagkakaganito pa rin ako??! Dahil sa inis, nasuntok ko pa ang manibela. Nakalimutan ko, kasama ko pala si Mak. Nagising siya at kinusot-kusot muna ang mga kamay niya sa kanyang mata.


"Mami, anong nangyari? Nasa'n tayo??" Takang tanong niya. Iling na lang ang sagot ko sa kanya. Nawawalan na naman ako ng focus. Ugh! Gusto kong sumigaw sa inis!

Unti namang kumandom sakin si Mak at niyakap ako. "Anong problema Mami?" Tanong ni Mak habang hinahagod likod ko. Hindi ko na napigilan at napayakap na rin ako sa kanya, hindi ako naiiyak. Pero bakit bigla akong nalungkot? Parang sobrang bigat ng dibdib ko.


"Wala 'to Mak." Pilit kong sabi sabay ngiti. Bumalik naman siya sa kanyang inuupuan. Ngumiti naman siya pabalik sa'kin at pinaandar ang radyo. "Andami mo naman sigurong iniisip kaya nagkakaganyan ka, hay." Sabi niya sabay slouch sa upuan.


"Siguro nga. Yaan mo na." Sabi ko sabay tingin sa orasan. "Malayo pa ang gabi, sa'n mo gusto tumambay Mak?" Sabi ko pa. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya at mukhang na-eexcite pa.


"Sa flower shop, Mami. Yung malapit sa simbahan. Tsaka yung may green house. Yun napuntahan natin dati." Tuloy-tuloy niyang sabi. Pinaandar ko muli ang makina at nagsimula ng magdrive, dahil sa pagmumuni-muni ko naihinto ko uli ang sasakyan. This time sa gitna ng kalsada. Buti na lang at kokonti lang ang dumadaan.


"Mak, yung seryoso, bakla ka ba??!" Takang tanong ko. Kasi naman eh, flower shop??! Huli ko na narealize yung gusto niyang puntahan.

Humalagapak naman siya ng tawa. Naluha pa nga ang loko. "Mami naman. Hahahahahahhahahah! Hindi ah! Hindi ako pinalaking ganun ni Dadi nu." Sabi niya na nakapagpa-isip naman sa'kin. Oo nga naman nu? Hindi naman ganun ang pagpapalaki ni Kio kay Mak. Ang tanga ko talaga. Ba't ko nga ba inisip ang ka-shungahang yun?  "Naku, tara na nga." Sabi ko na lang habang naiiling-iling, hindi pa rin kasi tumitigil si Mak sa kakatawa. Titigil nga pero hahagikhik naman.

Nakarating rin kami sa destinasyon namin. Malapit lang 'to sa simbahan na madalas naming puntahan. Nakapunta na rin kami rito ng kasama si Mik, enjoy pa nga siya kakatingin sa mga bulaklak.

Nabalik naman ako sa katinuan nung hilain na ni Mak ang kamay ko at pumasok na kami sa loob. Tumunog naman ang mga door chimes nung masara ang pinto kaya napadako ang mata ng nagbabantay sa desk sa'min. Lumapad naman ang kanyang mga ngiti nung marealize kung sino ang mga pumasok sa flower shop na pagmamay-ari niya.

Dali-dali naman siyang lumabas sa kanyang desk at binigyan kami ng mainit na yakap. "Samantha! Buti at napadaan kayo rito ni Mak!" Sabi niya. Napakaenergetic talaga nito kahit kailan.


"Oo eh, ito kasi, nagyaya." Sabi ko naman habang ginugulo ang buhok ni Mak. "Ikot ka muna dito sa store, Mak." Sabi ko pa.

Nga pala, yung may-ari nito, si Mae. Isang malapit na kaibigan ni Ivy. Kaya yun, medyo naging close rin kami kase dito ako madalas nag-oorder ng mga bulaklak kung may okasyon.

"Ikaw, kamusta ka na? Mukhang mas dumami ata ang mga binebenta mo ngayon ah?" Sabi ko sa kay Mae. Napa-smile naman siya ng konti at sinabing, "Kailangan eh, lam mo na, inaasahan ng pamilya. Pero keri rin ano!" at nanghampas pa sa braso. Loka talaga 'to.

"Sus! Tiwala lang. Mukhang papatok rin 'tong shop mo eh." Pag-eencourage ko sa kanya. Ngumiti siya ulit, "Oh, sa'n na kaya napadpad yung inaanak ko?" pag-iiba niya ng pag-uusapan. Nag-shrug na lang ako. Siguradong nag-ikot ikot lang naman siguro yun.

Inikot namin ni Mae ang buong shop para hanapin si Mak, kaso wala. "Ang bata talagang yun." Sabi ko ng naiiling-iling at tumawa naman bahagya si Mae. "Baka nasa green house." Sabi ni Mae, oo nga no? Pumunta naman kami agad dun.

Laking gulat lang namin yung anong nadatnan namin dun. Bakit sila nandidito??!

A/N: Hello! Sobrang sorry talaga sa lahat ng mga naghintay ng update ko (kung meron man. XD). Medyo pilit nga lang ang update na 'to eh, pero sana nagustuhan niyo. Yun. Mwa!

Still Gangsters With Heart (AGHIAP Sequel) UNFINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon