Sino sila??? o_O
Napatingin naman ako sa kanan ko, isang nakatalikod na lalake.
"K-kio??" Sambit ko.
"Anong Kio ang pinagsasabi mo Miss?" Tanong lalakeng mukhang matured na.
"Tsaka papaano ka nakapasok rito?" Tanong naman ng mukhang childish na lalake.
"Hoy! Sino yan?" Napabaling naman ang mga ulo namin sa lalakeng nakatalikod pa rin.
Nagsink in na naman muli sa utak ko, si Kio!
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sa likod.
"Kio.." Wala na, bumuhos na ang mga luha ko..
Kinalas niya ang mga braso ko mula sa pagkakayakap sa kanya at hinarap ako. Hinawaka niya ang mga balikat ko at tiningnan akong mabuti sa mata.
Huli na para marealize ko.. Marealize ko na all along, guni-guni ko lang talaga ang lahat.
Napa-upo ako sa sahig habang umiiyak. Bakit nga ba kase umasa pa ako? Bakit ba kase ang tanga ko? Naka-move on na nga ako diba? T*nginang buhay naman 'to o-oh!
"Sorry. Sorry talaga.." Sabi ko sabay pilit na tumatayo pero nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako ulit.
Ano ba 'to?! Bakit ang lampa lampa ko?! Isa akong leader. Isa akong matatag na tao. Malakas ako. Pero ang hirap! Ang hirap kapag dinadanas mo ulit yung sakit, yung sakit na nararanasan mo dati rati.
Pinilit kong tumayo ulit.. "Aish!" Nagulat na lang ako nung binuhat ako ng lalakeng inaakala kong si Kio.
Pinaupo niya ako sa sofa nila at tumabi siya sakin. Nasa tapat naman namin ang dalawang lalake.
"Lee, kumuha ka ng towel. At ikaw naman Min, kumuha ka ng tubig. NOW!" Sabi nito ng may awtoridad sa dalawa.
Tumango naman ang mga ito at sinunod ang utos niya.
Mabilis pa sa ala's-kwatro eh nakalahad na ang mga kinakailangan nitong lalake na inakala kong si Kio.
Kinuha niya ang towel at aakmang pupunasan niya yung mukha ko pero pinigilan ko ang kanyang mga kamay at tiningnan siya sa mga mata, pero wala na akong lakas at mas ma-awtoridad yung mga mata niya nagsasabing 'wag ko siyang pigilan kaya hinayaan ko na lang siya.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha ko. Binalik niya sa lalakeng si Lee 'kuno' yung towel at kinuha naman kay Min 'kuno' ang tubig tapos nilahad sakin.
Kinuha ko naman ito at nilagok, pagod rin ako kakatakbo at kakaiyak no. Haaaays.
Isinauli ko naman sa kanya yung baso pagkatapos kong ubusin ang tubig."Now, could you explain why are you here? How did get inside here?" Sabi nito sakin.
"Wait! Can you please introduce yourselves?" Sabi ko.
"Sure. I'm Lee." Panimula ni Lee 'kuno'.
"Min here." Singit naman ni Min 'kuno'.
"Okay. I'm Sabby. Wag mong sabihin Ho ang pangalan mo" Sabi ko.
Napahagikhik naman sina Lee at Min. "Stop this nonsense. Please answer my questions." Sabi nito ng seryoso.
Kinwento ko naman sa kanila ang buong pangyayari. Nothing more, nothing less.
"So, ikaw pala yung babaeng yun. Cool." Sabi ni Min.
BINABASA MO ANG
Still Gangsters With Heart (AGHIAP Sequel) UNFINISHED
TeenfikcePara sa mga nabitin sa Book 1. Hihi! *U* Sana magustuhan niyoo! B O O K 1: A G a n g s t e r H i d d e n I n A P r i n c e s s ~ N O C O M P i L A T i O N S & S o f t C o p i e s ~ This is a work of fiction. Any names, characters, places...