9

5.3K 166 65
                                    

Mabilis akong nag-drive patungo sa bahay pagkatapos ibigay sakin ni Eun ang susi sa kanyang sasakyan. Agad akong lumabas ng kotse at 'di na hinintay si Eun.

"Mak?! Maaaak?! Maak." Sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay.

"MAK!" Sigaw ko nung mahapit ng aking tingin si Mak.

Naka-upo siya sa sahig at sinusuri ang aking baril ng naka-ngiting aso. Damn! Ano ba'ng pumasok sa isipan ni Mak? Bakit niya kinuha yan?

Ang ibang mga maid at ang yaya niya ay nasa gilid lang at nanginginig sa takot.

Dahan dahan naming binaling ni Mak ang tingin niya sakin at ngumisi(?)

"Mami.. Astig 'to diba?" Sabi pa niya.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at dahan dahang naglakad papunta sa kanya, naramdaman ko naman na pipigilan sana ako ni Eun.

"Pero Mak, alam mo naman ang gamit niyan diba? Makakasakit ka ng tao kung sakaling matamaan siya ng bala na iyong mapapakawalan kung hihigitin mo ang gatilyo." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya hanggang sa umabot ako sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakatayo at niyakap ako. Nagulat naman ako dahil dun.

"Mami naman.." Sabi niya at humalagapak ng tawa.

Gulong gulo naman kaming lahat na nandito sa bahay, pati si Eun eh bakas rin sa mukha niya ang pagkalito.

"Pfft--Haha--Tek-Puahahahaha!" Tawa pa niya kaya binatukan ko. "Aray naman!" Komento pa niya.

"Anong tinatawa-tawa mo?" Sabi ko.

"Mami naman. Hahaha. I was just making fun with them" Sabi niya sabay turo sa kanila na nasa gilid at halos malupsay na.

Kinurot ko namana ng ilong niya. "Ikaw talaga! Ang kulit mo!" Sabi ko.

Tumawa naman siya dahil dito. "Mami?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Sino siya?" Sabi niya sabay turo sa likod na deriksyon kaya napabaling naman dito ulo ko.

Ahshit! Nakalimutan ko siya Eun. Ngumiting paumanhin naman ako kay Eun at binaling muli ang ulo ko kay Mak. "Mak, siya si Kuya Eun." Pagpapakilala ko naman kay Eun.

"Eun. Eto naman si Mak." Sabi ko naman.'

Lumapit naman silang dalawa sa isa't isa. Yumuko naman bahagya si Eun at inabot ang kamay nito. Tinanggap naman ito ni Mak pero sa mabilis na pangyayare eh pagkatapos ng kamayan nila, biglang kinwelyuhan ni Mak si Eun.

Bahagya namang napatawa ng lihim si Eun sa ginawa ng bata sa kanya. Alam naman niyang hindi siya kaya ng bata pero sumeryoso naman agad ang mukha nito ng mapansin na seryoso talaga ang bata sa pagtitig sa kanya.

 Third Person's POV:

 Pero bilib rin siya sa reflexes ng batang ito. Hindi niya inakalang ganun na yun kabilis, sa edad lamang nito na tantya niya eh nasa 10 pataas.

Tiningnan niya ng mabuti ang mga mata ng batang ito, kitang-kita dito ang pangamba at ang pagproprotekta.

"Akala niya siguro masama akong tao?" Sabi ni Eun sa isip niya.

"Stay. Away. From. My. Mami." Sabi niya kay Eun ng matiim.

"I'm not bad, you know?" Sabi nito sa bata.

Still Gangsters With Heart (AGHIAP Sequel) UNFINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon