CHAPTER 3

5 0 0
                                    

//MANIKA

October 27, 2018.
"Where are you going mommy?" Tanong ni Anika.

She is just five years old. 'Di ko siya hinarap dahil alam ko rin namang naglalaro lang siya kaya pinagtuloy ko na lang ang aking ginagawa.

"Ha? Dito lang ako sa bahay, nagluluto ng hapunan natin." Sagot ko habang niluluto yung adobo.

"Really mommy? So I will be with you? When mommy?" Bigla kumunot noo ko sa sagot ni Anika.

Nilingon ko siya at nakita ko na kaharap niya ang kaniyang manika na nakaupo sa bintana.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Sinong kinakausap mo baby?" Tanong ko sa kaniya.

"Si mommy." Kumunot uli noo ko sa sagot niya.

"I am your only mommy baby." Sabi ko saka ngumiti sa kaniya.

"Yeah, but I also have another mommy."

"Hmm? Then where is she?" Tanong ko habang nilalaro ang buhok niya.

"Actually she is standing at your back. Look, siya yung another mommy ko." Sabi niya saka may tinuro sa likod ko.

Napatalon ako sa gulat. Kanina lang nariyan siya sa bintana tapos ngayon nasa likod ko na siya? Sht

"B-baby. Anong sinabi niya sayo?" Kinabahan kong tanong ngunit tinatago ko lamang ang kaba na aking nararamdaman.

"She will take me to her place. She will take me to her home mom. She also said na maraming toys doon. Saka andoon si Daddy. I miss Daddy mom. So I'm gonna be with her. Aalis na daw kami mamayang gabi." Sagot nito saka tumakbo papunta sa manika.

'Di ko na lang pinansin dahil baka naglalaro lang siya. Alam niyo naman, bata.

"B-baby. Please come here. Lapit ka kay mommy. Kumain na tayo ng hapunan." Sabi ko saka ngumiti ng pilit.

Lumapit si Anika sa akin habang buhat-buhat niya yung manika.

Kinaumagahan...

"Baby, tama na 'yan. Halika ka, bihisan kita. Magsismba pa tayo." Sabi ko kay Anika nang makita ko siyang naglalaro lang.

"Ayoko." Tipid na sagot nito.

"Ayokong iwan si Mommy dito baka iwan niya din ako at hindi ko makita si daddy." Sabi ni Anika saka niyakap ang manika.

Biglang humangin ng malakas na siyang itinayo ng mga balahibo ko.

"E-edi dalhin mo siya. Okay lang na dalhin mo manika mo." Sabi ko saka ngumiti.

"Wow! Really? Yehey! Bihis naaaa!" Sabi nito at tumakbo sa akin, habang ang manika niya naman ay naiwan niya sa sahig.

Ano ba meron sa manika mo, Anika?

Di ko mapigilan hindi tumingin dahil ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

Tapos na ang mass at naglalakad na lang kami ngayon pauwi nang may nasalubong kami na taong grasa.

"Yung manika! Yung manika!" Gulat na sigaw nito habang tinuturo ang manika.

Lumapit ako sa kaniya at siya naman itong papalayo ng papalayo.

"Huwag kayong matakot sakin. Pero ano po yung manika?" Tanong ko.

"Bakit nasa iyo yan? Bakit hinahawakan mo 'yan?!" Napatingin agad ako sa kamay ko nang makita ko na hinahawakan ko na yung manika. Saka ko ito binitawan agad!

"Ilibing mo 'yan! O sunogin! O kahit ano basta siraan mo 'yan!" Sigaw nito at kita sa mata nita sobrang nag-alala siya.

"Dahil kung hindi, ikaw yung ililibing niya. Ikaw yung susunogin niya. O pamilya mo yung sisirain niya!" Sigaw nito saka tumakbo papalayo sa amin.

"Mommy! She is crazy! Huhu let's go home. Gusto na umuwi ni Mommy." Sabi ni Anika na ngayon ko lang siya nakita na hawak-hawak na niya ang kaniyang manika saka hinalikan ito.
—-
November 1, 2018.

Araw ng mga patay kaya umuwi muna kami sa probinsya namin dahil gusto kong bumisita dito kila nanay at natatakot na ako sa sinabi ng babae, lalo na lalo na sa bahay.

"Anak, andito na yung magtatawas." Sabi ni inay saka tinignan ko uli si Anika na kanina pa natutulog simula noong nag byahe kami.

"Pakisabi nay na pasok na lang siya dito." Sabi ko atsaka niyakap si Anika.

Kinakabahan na ako. Hindi siya magising gising eh.

Pumasok ang matanda at gulat itong tumingin sa anak ko.

"Bakit ngayon mo lang siya dinala dito?!"
Sigaw niya.

"Bakit po?"

"I-iha. Apat na araw na patay yung anak mo." Nagulat ako sa sinabi ng matanda sa akin.

"Haaaa?! Paano?! Kanina lang gising pa siya! Bago kami pumunta dito gising pa anak ko! Paano naging apat na araw siyang patay?!" Napasigaw ako sa gulat saka umiyak.

Nangiginig ang kamay ko habang hinahawakan ang kamay niya.

Lumapit siya sa amin saka hinahawakan ang kamay ni Anika saka biglang nawalan ng lakas at natumba.

"Ang m-manika—"

"ANO BANG MERON SA MANIKA NA IYAN!" Pagalit kong sigaw.

"Yang manika mo ay may buhay! May kaluluwa sa loob ng manika! Isang dalaga rin na babae na nawalan ng anak. At bilang paghihiganti ay kumukuha siya ng anak ng iba. Hindi mo nabantayan anak mo, kaya nakuha niya."

Biglang tumindig ang aking mga balahibo sa narinig ko.

"E-eh sino mga nakasama mo sa bahay simula noong October 28?" Nauutal kong tanong habang umiiyak pa rin.

"Kaluluwa. Kaluluwa ng iyong anak, dahil hindi niya nagustohan ang lugar kung saan siya dinala kaya nag paparamdam sa'yo."

"Kung sana hindi mo lang hinayaan ang anak mo na mag-isa. Hindi niya sana makukuha ang anak mo."

THE END

Random Story's (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon