CHAPTER 9

3 0 0
                                    

I'M INLOVE WITH THE PRIEST

"Nagsimba ka nanaman Nicole?" Agad na sumbat ni mama pag uwi ko. Hays, heto nanaman siya. Dumeretso ako sa kwarto ko at sinundan niya naman ako habang walang tigil ang bunganga nito sa kakasalita.

"Diba sinasabi ko sa'yo na huwag ka nang magsimba diyan sa simbahan na iyan?!" Hindi ko na lang siya pinansin at nag cellphone ako.

Ano ba kasi problema niya?! Siya lang siguro yung isang ina na hindi natutuwa pag nagsisimba ang kaniyang anak. And isa pa, hindi naman ako nagsisimba dahil gusto ko yung pari. Yes, you heard it right. I'm inlove with the priest. But trust me, I didn't know na pari pala siya when I first saw him outside of the church. Kakatapos lang kasi yung misa noon at kasalukuya ay kakalabas lang namin ni Ina nang nabangga ko siya. I don't know but he has that charm na kaya niyang pahulogin ang isang babae sa tingin niya lang, and I was one of those girl na nahulog. After of it, nagalit si mama dahil hindi raw siya tumitingin sa daan.

Kaya hindi man ako nakapag sorry sa kaniya dahil hinila na kaagad ako ni mama at pinagalitan na hindi na ako magsisimba. I asked her why, but she just said ang panget ng ugali ng lalaking yun. Sobrang invalid ng reason ya kaya sinuway ko siya at pumunta sa simbahan to ask a forgiveness sa lalaki. But then, I found out na siya pala yung papalit sa dating pari. So yeah, nasaktan ako. Umasa kasi ako na baka siya na but I was wrong. Pero hinayaan ko na lang at palagi ko na siyang nakakausap through confessions, sinasabi ko sa kaniya lahat ng problema ko and he will give me an advice. Sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya, maybe thats one of the reasons kung bakit sobrang mahal ko na siya ngayon.

"Nicole!!!" Nabitiwan ko ang phone ko nang nagulat ako sa sigaw ni mama. Tinignan ko siya at kita sa mga mata nito ang lungkot.

"BAKIT BA KASI AYAW MO NA MAGSIMBA?!!!! ANO?! NAG IBA KA NA?!!! TAYONG DALAWA NA NGA LANG TAPOS HAHAYAN MO NA LANG AKONG MAG ISA NA MAGSIMBA? ANO YAN MA?" Hindi ko mapigilan mapasigaw. Bumuntong hininga si mama saka umupo sa kama ko habang ako ay nakahiga at umiiyak.

"A-anak.." simula nito at napahikbi.

"You really wanna know the truth kung bakit ayaw ko na magsimba ka doon?" She asked saka kinuha ang kamay ko.

Nanatili lang akong tahimik. Hanggang sa sinabi na niya ang lahat na siyang mas nagpapabiyak sa aking puso.

"17 years ago, I was 2weeks pregnant na and ikaw yun. I was so excited to tell your father about you nang may ibalita rin siya sa akin.. sobrang excited niya noon na may halong lungkot rin. But he still managed to say it all, na... na papasok na siya sa seminaryo at magpapari na siya. He was so happy dahil natanggap siya at matutuloy ang pangarap niya. Iyon nga lang, ang kapalit ay ang paghihiwalay namin. He asked me kung ano ang good news ko but I just said nevermind. Sobrang mahal ko ang papa mo anak, na susuportahan ko siya sa pangarap niya. Pero nang nagtagal, nang nanganak na ako at palaki kana, doon na ako nagsisi. Andaming what ifs. What if sinabi ko? Buo pa kaya tayo? I'm sorry baby. Ang hina ko noon."

THE END

Random Story's (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon