CHAPTER 7

4 0 0
                                    

BLOCKMATE

Papasok ako ngayon sa 'parang' apartment na nirentahan ko. Ewan kung anong tawag, pero marami siyang blocks. Room 6 ang kwarto ko..

"saan kaya dito?" Tanong ko sa sarili ko atsaka nilibot ng mata ko ang lugar.

Halata na luma na talaga dahil sa mga sira-sira na gamit at sobrang dami ng alikabok kada bintana. No choice ako eh, bago lang ako dito sa lugar nato at wala pa akong trabaho kaya sa mura muna ako makikitulog. Which is dito.

Huminto ako sa tapat ng room 6. Binuksan ko ito gamit ang susi pero bago pa ako nakapasok ay siya rin ang pagbukas ng room 7. Isang dalaga at may anak ito na sa tingin ko ay apat na taong gulang. Ngumiti ako sa kanila at ganon din sila sa akin.

"Bago ka lang dito?" Tanong ng dalaga.

"Opo. Ako po pala si Rowena, kayo po?" Nakangiti kong sagot sa kanila.

"Ako si Marsha. At ito naman si Ela. Anak ko. Kami yung blockmate niyo dito." Sagot nito at ngumiti. Tinignan ko ang bata at kinawayan.

"Helloooo La!" Bati ko. Lumuhod ako sa kaniya at pinisil ang kaniyang pisnge. Pero napansin ko na sobrang ginaw nito at sobrang putla. Tapos yung mga mata nito ay sobrang pula, tapos yung leeg parang may guhit.

"Ay. Pasok ka sa amin?" Napatalon ako sa gulat sa tanong ni Marsha.

"Ay hindi na po. Aasikasohin ko pa po yung mga gamit ko salamat po. Mamayang gabe po. Sabay na lang tayo mag dinner kung okay lang po."

"Walang problema. Gustong gusto iyan ni Ela. Sgeee, pasok na kami." Sabi nito at sinira ang pinto.

So weird. Huminga na lang ako ng malalim atsaka tumayo.

Habang nililigpit ko ang mga kalat at nilalagay ang mga gamit ko ay may narinig akong sigaw mula sa kabilang kwarto.

"Rowenaaa!! Tulonggg tulonggg!!"

"Tulongan mo kami ng anak ko!!"

"Rowenaaa!!! Tulong!!"

Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto at binuksan ang kanilang kwarto.

Nakita ko. Nakasakal ang bata sa lubid. Habang ang mga kamay nito ay nakatali sa kama. Samantala si Marsha ay ginagahasa. Hubot hubad!

"Tulonggggg huhu" Umiiyak na sabi ni Ela.

"Tulonggggg!" Sigaw naman ni Marsha habang tumitingin sa akin.

Hindi ko alam gagawin ko kaya tumakbo ako sa labas at hinanap ang Landlady.

"Ateee ateee!!!" Hinihingal na tawag ko sa landlady.

"Oh?! Anong nangyari sayo?" Tanong nito.

"Sila Marsha. *hinga* May nakapasok na lalaki!!!! At ginagahasa si Marsha habang ang anak nito ay unti unting pinapatay gamit ang lubid sa leeg nitoooo!!!" Paiyak kong sabi habang humihingal pa rin.

Parang nabigla siya at tinigna niya lang ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ang sinasabi mo na blockmate mo?"

"Opo, bakit? Anong meron sa kanila?"

"Kasi i-ija" Nauutal niyang sabi.

"Kasiii.. wala kang blockmate. Sina Marsha at Ela ay patay na. Ang sinasabi mo na nangyayari ngayon ay yun ang nangyari sa kanila dalawang taon na nakalipas."

THE END

Random Story's (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon